1. Ang dalawang dilaw na linya na tuluy-tuloy ay
palatandaan na:
A. Maaaring
lumusot pakanan
B. Peligroso ang lumusot pakanan
C. Maaaring
lumusot pakaliwa
2. Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay
naglabas ng kaliwang kamay at inunat ito paitaas, nakakatiyak ka na siya ay:
A. Kakaliwa
B. Kakanan
C. Hihinto
3.Kung ang drayber ng sasakyang nasa iyong unahan ay
naglabas ng kaniyang kaliwang kamay at itinuro ito sa lupa, siya ay:
A. Hihinto
B. Kakaliwa
C. Kakanan
4. Sa isang sangandaan/interseksyon na walang senyas
trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating sa magkabilang kalye, aling sasakyan
ang dapat magbigay?
A. Ang huling dumating
B. Ang unang
nagmarahan
C. Ang unang
dumating
5. Sa naka-motorsiklo na may balak lumiko pakanan, ang
dapat gamitin na senyas ay:
A. Kaliwang kamay na nakataas
B. Kanang kamay
na diretsong nagtuturo pakanan
C. Kanang kamay
na nakataas
6. Ang isang drayber ay itinuturing na Professional
kung:
A. Kaya niyang
magmaneho ng kahit anong uri ng sasakyan
B. Siya ay inuupahan o binabayaran sa
pagmamaneho ng sasakyang pribado o pampasahero
C. Siya ay
bihasa na sa pagmamaneho
7. Saang lugar hindi ka dapat lumusot (mag-overtake)?
A. Tama lahat ang sagot
B. Sa paanan ng
tulay
C. Sa
sangandaan o interseksyon
8. Ang pinakaligtas na tulin ng isang sasakyan ay
naaayon sa:
A. Kakayahang
magmaneho ng drayber
B. Kakayahan ng
sasakyan
C. Kondisyon ng kalsada at panahon
9. Ang busina ay ginagamit upang:
A. Iparinig na
maganda ang tunog ng busina
B. Makalikha ng
ingay
C. Makapagbigay babala ng kaligtasan o
pag-iingat upang maiwasan ang aksidente
10. Ang kailangang distansya sa pagitan ng sinusundang
sasakyan ay:
A. Sinlaki ng
sukat ng dalawang sasakyan
B. Sinlaki ng sukat ng isang sasakyan
C. Sinlaki ng
sukat ng tatlong sasakyan
11. Kung ang drayber ng sasakyan na nasa unahan mo ay
naglabas ng kaliwang kamay na nakaturo sa kaliwa, siya ay:
A. Kakanan
B. Kakaliwa
C. Hihinto
12. Ang kailangang gulang sa isang aplikante sa
pagkuha ng Professional Driver’s License ay:
A. 17 taong
gulang
B. 21 taong
gulang
C. 18 taong gulang
13. Kung gusto mong magpalit ng lane sa highway,
kailangang magsignal:
A. Isang minuto
bago gawin ito
B. Limang
minuto bago gawin ito
C. Sampung segundo bago gawin ito
14. Ano ang dapat gawin kung pinahihinto ng pulis?
A. Huwag
pansinin ang pulis at bilisan ang pagpapatakbo
B. Huminto at ibigay ang lisensya at ibang
papeles ng sasakyan kung hinihingi
C. Huminto at
makipagtalo sa pulis
15. Ang paggamit ng huwad (fake) na lisensya ay
ipinagbabawal at may parusang:
A. Php 1,500.00 at anim na buwan na hindi
makakakuha ng lisensya
B. Pagkabilanggo
nang hindi hihigit sa anim na buwan
C. Php 300.00
16. Ano ang dapat mong gawin upang malabanan ang pagod
at antok sa mahabang biyahe?
A. Uminom ng
alak bago magmaneho
B. Uminom ng
gamot na pampapigil ng antok
C. Huminto paminsan-minsan at magpahinga
17. Ang dalawang dilaw na linya na putul-putol ay
palatandaan na:
A. Ipinagbabawal
ang paglusot sa kaliwa
B. Maaaring lumusot ng pakanan o pakaliwa kung
walang peligro
C. Ipinagbabawal
ang paglusot sa kanan
18. Kung masangkot sa isang sakuna, dapat itong
ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya:
A. Sa loob nang
48 oras
B. Kaagad-agad
C. Sa loob nang
72 oras
19. Kailangang magbigay ng senyas kung kakanan o
kakaliwa ang drayber sa darating na interseksyon sa layong:
A. 15 metro
B. 60 metro
C. 30 metro
20. Kung umilaw ang “brake lights” ng sasakyang nasa
unahan mo, dapat kang:
A. Humanda sa pagpreno
B. Lumiko sa
kanan o kaliwa
C. Bumusina
Next............. Part 4.