LTO Reviewer: Tagalog (PART IV)

 

1. Kung ikaw ay nahuli, ilang araw ang palugit upang maayos ang iyong kaso at matubos ang lisensya?

 

 A. 30 araw

 B. 15 araw

 C. 10 araw

 

2.Ano ang dapat gawin ng isang drayber kung ang lisensya niya ay nawala?

 

 A. Mag-file ng affidavit of loss at mag-apply ng duplicate license

 B. Mag-apply ng panibagong lisensya

 C. Mag-apply ng duplicate license

 

3.Ano ang dapat mong gawin kung ang sasakyan sa likuran mo ay gustong lumusot (mag-overtake)?

 

 A. Bumusina at hayaan itong lumagpas

 B. Gumawi sa kanan at huminto

 C. Magmarahan, gumawi sa kanan at bayaan itong lumagpas

 

4. Sa highway, kung nais mong magpatakbo ng mabagal kaysa sa iba, dapat kang gumawi sa:

 

 A. Kanang linya

 B. Kaliwang linya

 C. Gitnang linya

 

5. Saang lugar hindi maaaring pumarada?

 

 A. Sa lugar na tawiran ng tao

 B. Sa nakatakdang paradahan

 C. Sa isang patunguhang lugar

 

6. Ano ang kahulugan ng palasong nakapinta sa kalsada?

 

 A. Magmarahan

 B. Sundin ang direksyong itinuturo ng palaso

 C.Maaaring lumipat ng linya

 

7. Hindi ka pinapayagang tumawid sa kabila ng buong dilaw na guhit, maliban kung ikaw ay:

 

 A. Palikong pakanan

 B. Palikong pakaliwa

 C. Magpalit ng linya o daan

 

8. Ano ang takdang tulin ng isang sasakyan sa lugar ng paaralan?

 

 A. 35 kph

 B. 20 kph

 C. 30 kph

 

9. Ang dilaw na linyang tuluy-tuloy ay palatandaan na:

 A. Bawal ang paglusot sa kaliwa

 B. Bawal ang paglusot sa kanan

 C. Maaring lumusot sa kaliwa o kanan

 

10. Sa isang sangandaan/interseksyon na walang nakatalagang senyas trapiko, dalawang sasakyan ang dumarating, aling sasakyan ang may karapatan sa daan?

 

 A. Ang sasakyang galing sa kanan

 B. Ang sasakyang unang nagmarahan

 C. Ang sasakyang galing sa kaliwa

 

11. Ang pagmamaneho ng walang lisensya ay ipinagbabawal ng batas at may kaparusahang:

 

 A. Php 1500.00 at pagka-impound ng sasakyan nang hindi hihigit sa 10 araw

 B. Php 1000.00

 C. Php 1500.00

 

12. Kung magpapatakbo ng mabagal sa expressway, dapat kang gumawi sa:

 

 A. Kaliwang linya

 B. Kanang linya

 C. Gitnang linya

 

13. Ang pulang bandera o pulang ilaw ay kailangan nakakabit sa anumang dala ng sasakyan na lalampas ng:

 

 A. Tatlong metro mula sa likuran ng sasakyan

 B. Isang metro mula sa likuran ng sasakyan

 C. Dalawang metro mula sa likuran ng sasakyan

 

14. Ano ang dapat mong dalhin kung magmamaneho ng sasakyan?

 

 A. Lisensya, rehistro at resibo ng huling pinagbayaran ng sasakyan sa LTO

 B. Lisensya

 C. Lisensya at papel de seguro ng sasakyan

 

15. Ano ang dapat mong gawin kung may ambulansya sa likod mo na may pulang ilaw at sirena?

 

 A. Huminto kaagad

 B. Dagdagan ang iyong bilis para hindi mo maabala ang ambulansya

 C. Lumipat sa pinaka kanan ng kalsada at bumagal o huminto kung kailangan



BACK