LTO Reviewer: Tagalog (PART I)

 

1. Bago umalis sa paradahan, dapat mong:

 

A. Suriin ang paligid bago magpatakbo

 B. Bumusina

 C. Magpatakbo kaagad

 

2. Matapos kang lumampas (mag-overtake) at nais mong bumalik sa pinanggalingang linya nang ligtas, kailangan mong:

A. Lumingon sa nilagpasan

B. Tingan sa “rear view mirror” ang iyong nilagpasan

C. Huminto

 

3. Ano ang dapat mong ihanda kung malayo ang biyahe?

 

 A. Maghanda ng kagamitang pangkumpuni ng sasakyan para handa kung masiraan ng sasakyan

 B. Planuhin ang ruta at ikondisyon muna ang sasakyan

 C. Tama lahat ang sagot

 

4. Ang tamang gulang sa pagkuha ng lisensyang Non-Professional ay:

 

 A. 16 taong gulang

 B. 17 taong gulang

 C. 18 taong gulang

 

5. Habang nagmamaneho, dapat kang tumingin sa side at rear view mirror nang:

 

A. Mabilis/Madalian

B. Hanggang gusto mo

C. Hindi kukulangin sa isang minuto

 

6. Ang pagkakaroon ng lisensya ay isang:

 

A. Karapatan

B.  Pribilehiyo

C. Karangalan

 

7. Maaari kang lumusot (mag-overtake) sa kanang bahagi ng sasakyan kung:

 

 A. Ang highway ay may dalawa o higit pang linya patungo sa isang direksyon

 B. Ang kalsada ay salubungang-daan (two-way)

 C. Malapad ang bangketa

 

8. Sa isang interseksyon na may STOP sign, dapat kang:

 

 A. Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib

 B. Huminto at magpatuloy kung walang panganib

 C. Magbigay daan sa mga sasakyan mula sa kanan o kaliwa at magpatuloy kung walang panganib

 

9. Ang lisensyang Non-Professional ay para lamang sa:

 

 A. Mga pribadong sasakyan

 B. Pampasaherong sasakyan

 C. Anumang uri ng sasakyan

 

10. Ang mahuhuling lasing sa alak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay may parusang:

 

 A. Pagkasuspinde ng lisensya

 B. Multa at pagkabilanggo

 C. Tama lahat ang sagot

 

11. Hindi dapat lumusot (mag-overtake) sa paanan ng tulay sapagkat:

 

A. May tumatawid

 B. Hindi nakikita ang kasalubong na sasakyan

 C. Makipot ang daan

 

12. Kung paparada ng paahon sa may bangketa, dapat mong ipihit ang gulong:

 

A. Papuntang bangketa

B. Papalayo sa bangketa

C. Kahit anong direksyon

 

13. Ayon sa batas, hindi ka maaaring magmaneho nang matulin, maliban kung:

 

A. Walang panganib

 B. Tama lahat ang sagot

 C. Naaayon sa takdang bilis o tulin ang pagpapatakbo

 

14. Ang sasakyan ay nakaparada (parked) kung:

 

 A. Nakatigil nang matagal at patay ang makina

 B. Nakatigil nang matagal at nagbababa ng pasahero

 C. Nakatigil nang matagal at nagsasakay ng pasahero

 

15.Ang hindi pagsunod sa ilaw trapiko ay:

 

 A. Nakakatipid sa gasolina

 B. Maaaring ikaw ay masangkot sa aksidente

 C. Nagpapatunay na mahusay kang drayber

 

16. Sa highway na may dalawang guhit, maaari kang lumusot (mag-overtake) kung sa iyong panig ay:

 

 A. Tuluy-tuloy na dilaw na guhit

 B. Putul-putol na dilaw na guhit

 C. Tuluy-tuloy na puting guhit

 

17. Sa paglipat-lipat ng linya, dapat kang sumenyas, tingnan ang rear view mirror at:

 

 A. Tingnan kung may paparating na sasakyan

B. Bumusina

 C. Sindihan ang headlight

 

18. Ano ang kahulugan ng tuluy-tuloy na guhit na kulay dilaw?

 

 A. Tama lahat ang sagot

 B. Bawal lumusot

 C. Maaaring lumusot (mag-overtake)

 

19. Anong dapat gawin bago lumiko sa kanan o kaliwa?

 

 A. Magbigay ng hudyat o senyas na hindi kukulangin sa 30 metro ang layo

 B. Biglang lumiko at bumusina

 C. Ipagwalang-bahala ang hudyat

 

20. Ano ang kahulugan ng patay-sinding kulay pulang ilaw trapiko?

 

 A. Maghintay ng berdeng ilaw

 B. Bagalan ang takbo at tumuloy nang maingat

 C. Huminto at magpatuloy kung ligtas

 


Next.............     Part 2.