LTO Reviewer: Tagalog (PART II)

 

1. Ang isang may lisensya ay maaaring magmaneho ng:

 

 A. Kahit anong uri ng sasakyan

 B. Sasakyang nakasaad sa lisensya

 C. Pampasaherong sasakyan lamang

 

2. Ano ang kahulugan ng patay-sinding dilaw na trapiko?

 

 A. Hintayin ang berdeng ilaw

 B. Huminto at hintaying magbago ang ilaw

 C. Magmarahan at magpatuloy kung walang panganib

 

3. Sa rotonda, alin ang may karapatan sa daan?

 

 A. Ang sasakyang nasa paligid ng rotonda

 B. Ang sasakyang papasok pa lamang sa rotonda

 C. Ang sasakyang nakaharap sa berdeng ilaw

 

4. Mapanganib ang palikong kaliwa kaysa sa kanan sapagkat:

 

 A. Kailangang maging listo sa mga sasakyang nagmumula sa kaliwa o kanan

 B. Mabilis ang sasakyang galing sa kaliwa

 C. Maraming linya ang kalsada

 

5. Ang pinakaligtas sa ultimatum kahit may karapatan sa daan ay:

 

 A. Huwag ipilit ang karapatan

 B. Bumusina

 C. Laging ipilit ang karapatan

6. Kailan dapat magdesisyon ang isang drayber?

 

 A. Kung buhul-buhol na ang trapiko

 B. Kung mahusay siyang magmaneho

 C. Habang siya ay nagmamaneho

 

7. Ano ang kahulugan ng senyas trapikong kulay pula na tatsulok ang hugis?

 

 A. Nagtatakda

 B. Nagbibigay babala

 C. Nagbibigay impormasyon/kaalaman

 

8. Kung parating ka sa isang kurbada, ano ang dapat mong gawin?

 A. Bilisan ang takbo habang nasa kurbada

B.  Magpreno nang bigla habang tumatakbo sa kurbada

 C. Magmarahan/bagalan ang takbo bago dumating sa kurbada

 

9. Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay pula na pabilog, octagon o baligtad na tatsulok?

 

 A. Nagbibigay babala

 B. Nagtatakda o nagbabawal

 C. Nag-uutos ng direksyon

 

10. Kung ang nakasalubong mo ay may nakakasilaw na ilaw, ano ang dapat mong gawin?

 A. Tumingin ng bahagya sa gawing kanan ng kalsada

 B. Silawin din ang nakasalubong upang magbaba ng ilaw

 C. Titigan ang nakakasilaw na ilaw

 

11. Ano ang kahulugan ng berdeng signal trapiko?

 A. Patakbuhin nang tuluy-tuloy ang sasakyan

 B. Huminto

 C. Bagalan ang pagpapatakbo

 

12.Ano ang kahulugan ng senyas trapiko na kulay asul at puti na parihaba o parisukat ang hugis?

 A. Nag-uutos ng direksyon

 B. Nagbibigay babala

 C. Nagbibigay impormasyon/kaalaman

 

13. Ano ang kahulugan ng berdeng ilaw trapiko?

 A. Huminto sa nakatakdang linya

 B. Maaari kang tumuloy, bagalan lamang ang takbo

 C. Senyas upang patakbuhin ang sasakyan

 

14.Ano ang kahulugan ng dilaw na signal trapiko?

 A. Huminto

 B. Humanda sa paghinto at malapit nang sumindi ang ilaw trapiko na kulay pula

 C. Maaari kang tumuloy, bagalan lamang ang pagpapatakbo

 

15. Ano ang kahulugan ng dilaw na palasong signal trapiko?

 

 A. Naghuhudyat ng pakanan o pakaliwang direksyon

 B. Nangangahulugan na ang pulang palaso na signal trapiko ay malapit nang sumindi

 C. Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumanan, kumaliwa o dumiretso

 

16. Ano ang ibig sabihin ng berdeng palaso na signal trapiko?

 A. Nagpapahintulot sa pagtawid ng mga taong tatawid

 B. Nagpapahintulot sa mga sasakyan na kumaliwa o kumanan

 C. Hindi pinapayagan ang pagpasok sa interseksyon na itinuturo ng palaso

 

17. Ang puting linyang putul-putol ay palatandaan na:

 A. Ipinagbabawal ang paglusot sa kanan

 B. Ipinagbabawal ang paglusot sa kaliwa

 C. Maaaring lumusot pakaliwa o pakanan kung walang peligro

 

18. Ano ang kahulugan ng patay-sinding ilaw na pulang ilaw trapiko?

 A. Huminto sa nakatakdang linya

 B. Huminto sandali at ituloy ang pagpapatakbo kung walang panganib

 C. Bilisan ang pagpapatakbo

 

19. Ano ang ibig sabihin ng puting linya sa daan?

 

 A.Naghahati sa mga “lanes” na tumatakbo sa isang direksyon

 B. Naghihiwalay sa trapiko na tumakbo sa isang direksyon

 C. Palatandaan na maaaring lumusot ng pakanan o pakaliwang direksyon



Next.............     Part 3.