1. Uri ng pagbabagong morponemiko na gumagamit ng pagpapalit ng posisyon ng ponema sa salita.
A. Asimilasyon
B. Paglapi
C. Pagkaltas
D. Metatesis
Answer: D
Rationale: METATESIS ang
pagbabagong morponemiko kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa /l/o/y/ ay
ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang/ n/ ng gitlapi ay
nagkakapalit ng posisyon. Halimbawa:
-in+lipad linipad = nilipad
-in+yaya = yinaya = niyaya
2. Ang mga salitang dalhin, dakpin at
bigyan ay nagtataglay ng
A. Asimilasyon
B. Metatesis
C. Tono
D. Pagkaltas
Answer: D
Rationale: PAGKAKALTAS NG
PONEMA- Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng
salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
Takip +-an takipan = takpanSara + -han=
sarahan = sarhan
3. Tumutukoy ito sa mga salitang
nakapag-iisa at may kahulugan. Kilala rin itong salitang-ugat.
A. Paglalapi
B. Malayang ponema
C. Di malayang ponema
D. Morpemang leksikal
Answer: D
Rationale: Ang morpemang
leksikal ay tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili.
Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may
angkin siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
4. Ang pariralang nalaglag-nahulog ay nag
papakahulugan ng
A. Magkahawig
B. Magkasalungat
C. Magkapares
D. Idyoma
Answer: A
Rationale: May mga salitang magsalitang
magkahawig na magkatulad ang kahulugan o pareho ang ibig sabihin tulad ng
nalaglag-nahulog.
5. Sinong pangulo ng Pilipinas ang nagproklama
ng pagkakaroon ng Komisyon sa Wikang Filipino?
A. Fidel V. Ramos
B. Corazon C. Aquino
C. Ferdinand Marcos
D. Joseph Estrada
Answer: B
Rationale: Sa bisa ng Kautusang
Tagapagpaganap Big. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha ang
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na purnalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan
ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito
ang pagtatatag ng isang komisyon rig pambansang wika. Naisakatuparan ito nang
maipasa ang Batas Republika 7104 noting 14 Agosto 1991, na nagtatag sa
Kornisyon sa Wikang Filipino.
6. Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga tunay na pangyayari batay
sa pag-aaral, pananaliksik, o pakikipanayam at isinusulat sa paraang
kawili¬wili
A. Editoryal
B. Pag-uulo
C. Lathalain
D. Anunsyo klasipikado
Answer: C
Rationale: Ang Lathalain
ay isang sulating tumatalakay ng m as malalim, mas rnalawak sa malikhaing
paraan sa isang balita, pangyayari, bagay o kaganapan. Editoryal -
kuro-kuro ng patnugutan hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu. Pag-uulo
(Headline writing) - makatawag pansing pahayag ukol sa balita. Anunsyo
klasipikado - nakaiaan para sa mga mambabasang naghahanap rig trabaho
7. Isang disenyo ng pananaliksik na
nagsisiyasat sa pamamagitan ng palatanungan pakikipanayam.
A. Sarbey
B. Case study
C. Feasibility study
D. Etnograpiya
Answer: A
Rationale: Ang sarbey ay ang
pagkolekta ng impormasyon tungkol sa katangian, aksyon, o °pinyon ng malaking
grupo ng mga tao na turnutukoy sa bilang ng [sang populasyon. Ang malawak na
sakop ng pananaliksik ay binubuo rig ibat ibang istilong paghahanap kabilang
ang pagtatanong sa mga respondent.
8. Bahagi ng pananaliksik kung saan
matatagpuan ang panimula, kaligiran ng pag-aaral at konseptuwal framework.
A. Kabanata II
B. Kabanata I
C. Kabanata IV
D. Kabanata III
Answer: B
Rationale: Ang Kabanata I o Suliranin at
Kaligiran ay nagtataglay ng rasyunal, paglalahad ng suliranin, kahalagahan rig
talakay, batayang konseptwal at sakiaw at limitasyon ng pag-aaral.
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos
Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
9. Uri ng pagsulat na ang pokus ay ang
imahinasyon ng manunulat at
pukawin ang damdamin:
A. Malikhain
B. Jornalistik
C. Teknikal
D. Akademiko
Answer: A
Rationale: Sa malikhaing
pagsulat, hindi sapat ang basta maintindihan lamang. Hindi sapat ang maunawaan
lamang tayo ng ating kinakausap. Sa malikhaing pagsulat, may kahingian o
requirement na higit sa basta maunawaan lamang. Dalawang baggy, bukod sa
pangangailangang maunawaan, ang pinakapayak na requirement ng pagsusulat upang
maituring na malikhain: Kailangan nitong maging mapagparanas at rnakintal.
10. Ang proseso ng paghahatid ng saloobin,
()pinyon at karunungan sa pamamagitan ng makabuluhang tunog ay tinatawag na:
A. Pagtatala
B. Pakikinig
C. Pagsasalita
D. Pagbabasa
Answer: C
Rationale: Ang pagsasalita ay pagbibigay,
pagbabahagi ng kaisipan o mensahe sa pamamagitan ng verbal na paraan na
ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang gramatika, upang malinaw na
maipaliwanag ang damdamin at kaisipan.
11. Siya ay kilala bilang "dakilang manunulat"
ng kilusang propaganda:
A. Graciano Lopez
B. Jaena Jose Rizal
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Gregorio Del Pilar
Answer: B
Rationale: Ang "Triumvirate" ng
kilusang propaganda ay sing Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del
Pilar at ang tinaguriang "dakilang manunulat"ay si Jose Rizal
12. Pahayag na pasaklaw na nabubuo sa pamamagitan ng personal na panlasa o
pagpili.
A. Probable generalization
B. Subjective generalization
C. Analytical generalization
D. Dategorical generalization
Answer: B
Rationale: Ang Subjective
Generalization ay nabubuo sa pamamagitan ng personal na panlasa o pagpili
samantalang ang Probable Generalization ay nabubuo bunga rig dalas ng mga
kaganapan at pagkakataon.
13. Alin ang angkang pinagmulan ng mga
wika sa Pilipinas?
A. Indones Polenesyo
B. Malayo-Polenesyo
C. Indones
D. Malay
Answer: B
Rationale: Malayo-Polenesyo
ang angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian (Tagalog, Visayan, llocano,
Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay.
14. Ang pagpapalitan ng mga ideya, opinion
at salaysay sa pamamagitan ng mga sagisag ay tinatawag na:
A. Pagtuklas
B. Paglalahad
C. Talastasan
D. Pakikinig
Answer: C
Rationale: Ang pakikipagtalastasan ay pagbubuo sa isipan ng tatanggap ng rnensahe ng isang ideya o larawang katulad rig nasa isip rig nagpapadala rig mensahe. Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay mababahagian ng kanilang ideya sa paraang kasangkot ang pagsasaiita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa at pagsulat. Masasabi ring ito ay isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa.
15. Nakikipag-away ka sa speaker. Ito ay pakikinig na:
A. Pasibo
B. Masusi
C. May lugod
D. Kombatib
Answer: D
Rationale: Ang pakikinig ay
isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig,Mula sa salita o tunog
na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis na dinadala sa utak
(brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at pagsusuri (analyze) kung ano ang
narinig. Kapag nakikipag-away ka sa speaker, ita ay kombatib,
16. Ana ang kahulugan ng "Neneng is
the apple of Daddy's eye?"
A. Paborito ni daddy ang mansanas.
B. Mahal ni daddy si Neneng.
C. Si Neneng ay tulad ng mansanas.
D. Tawag-pansin ang Mansanas
Answer: B
Rationale: Ang salin ng
apple of the eye ay sentro ng atensyon kung kaya't rnahihinuha nating si Neneng
ay mahal ng kanyang ama.
17. Ang wastong kahulugan ng: The present problem is only a storm in a teacup.
A. Bale-wala
B. Buong puso
C. May galit
D. Matagumpay
Answer: A
Rationale: Ang idyoma na
storm in a teacup ay tumutukoy sa pagpapalala ng isang maliit a balewalang
problema a sitwasyon.
18. "Ang aking pagibig ay tanging
sayo lamang." Ibigay ang ayos ng pangungusap na ito.
A. Payak
B. Tambalan
C. Karaniwan
D. Di-karaniwan
Answer: D
Rationale: Di-karaniwan ang
ayos ng isang pangungusap kung nauna ang simuno kaysa sa panag-uri. Karaniwan
ang ayos ng isang pangungusap kung nauna ang panag-uri kaysa sa sirnuno.
19. Ito ang rutang dinaraanan ng mensahe
ng tagapagsalita.
A. Konteksto
B. Tsanel
C. Participant
D.
Pidbak
Answer:
B
Rationale: Tsanel ang midyum
o daanan ng mensahe. May dalawang kategorya ng mga daluyan ng mensahe. Ang una
ay ang daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa at pandama. Ang ikalawa naman ay ang daluyang institusyunal. Ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng sulat,
telegrama mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, cellular
phone at beeper ay mga halimbawa ng daluyang institusyunal.
20.
Ang katumbas na bigkas ng titik Q sa kasalukuyan ay:
A.
Ku
B.
Kuya
C.
Kuyu
D.
Kyu
Answer:
D
Rationale: Ang letrang Clay
binibigkas na kyu sa alpabetong Filipino.
21. Aling salita ang nasa talasalitaang Filipino na hiram
sa Cebuano?
A.
Bana
B.
Balay
C.
Bahay
D.
Asawa
Answer:
A
Rationale: Ang bana ay
salitang hiram sa Cebuano nangangahulugang asawang lalaki.
22.
Saan kabilang na uri ng tayutay ang
pahayag na: "Kapalaran,
huwag
ka sanang mailap."
A.
Pagtawag
B.
Palit-saklaw
C.
Pagrnamalabis
D.
Palit-tawag
Answer:
A
Rationale:
Ang Apostrope o Pagtawag ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila
ito ay isang tao.
Halimbawa:
Kamatayan
nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian,
23. Pillin ang angkop na pagpapakahulugan:
Bilang at sukat kung mangusap ang dalaga.
A. Mahirap unawain
B. Mahina and boses
C. Madaldal
D. Maingat
Answer: D
Rationale: Ang bilang at sukat mangusap ay
isang idyoma na nagpapahayag na maingat at mapili sa tamang salita kung
mangusap ang tao.
24. Ito ay pagbasang pansamantala o di palagian. Ginagawa ito kung nais
magpalipas ng oras.
A. Scanning
B. Pre-viewing
C. Kaswal
D. Skimming
Answer: C
Rationale: Ang kaswal na pagbasa ay pagbasa ng pansamantala o
di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may inaantay o
pampalipas ng oras. Scanning - Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa
ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi
na salita o key word, pamagat at sub-titles. Previewing -Ang mambabasa ay
hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at
register ng wika ng sumulat. Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha
ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y pagpili ng materyal na
babasahin. Skimming - Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha
ang pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya'y pagpili ng materyal na
babasahin.
25. "Ako ay isang ibon na
nakakaigayang pakinggan." Ito ay:
A. Pagwawangis
B. Pagpapalit tawag
C. Pagtutulad
D. Sinekdoke
Answer: A
Rationale: Metapora o
Pagwawangis- tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan,
gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na
METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa: (1) Siya'y langit na
di kayang abutin nino man. (2) Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking
pisngi.