CONTENT KNOWLEDGE – pag-unawa sa nilalaman at may
kakayahang ipaliwanag ito sa makabuluhang anyo para sa mga estudyante.
PEDAGOGICAL KNOWLEDGE – mga koneksyon batay sa pananaliksik
sa pagitan ng pagtuturo at pag-aaral.
STRATEGIES – mga plano batay sa pananaliksik
kung paano ilalahad ng mabuti at maayos ang isang aralin.
EFFECTIVE
TEACHING BEHAVIORS
LESSON CLARITY – ginagawa ng guro ang kanilang mga
punto na maliwanag at i-explain ang concepts nang malinaw. At kinakailangan rin
na ang boses ni teacher ay malakas nang sa ganun ay maririnig ang kanyang mga
sinasabi sa bawat sulok ng classroom.
INSTRUCTIONAL VARIETY – ay tumutukoy sa paggamit ng mga
iba’t ibang uri ng instructional aids para sa mga diverse learners.
TEACHER TASK ORIENTATION – tumutukoy sa matalinong paggamit ng
oras para sa pagtuturo ng aralin. Kinakailangan seguradohin ng guro na ang mga
objectives o competencies ng isang aralin ay dapat na ma-atain ng mga
estudyante sa itinakdang panahon.
ENGAGEMENT IN THE
LEARNING PROCESS –
tumutukoy ito sa dami ng oras ng pag-aaral ng mga estudyante sa isang aralin.
Kinakailangan ay makompromiso (engage) ng guro ang interes at atensyon ng mga
estudyante sa kanyang aralin.
STUDENT SUCCESS RATE – tumutukoy ito sa achievement ng
isang bata sa isang pagsasanay at gawain. Nagrereflect ang performance ni
teacher sa pagtuturo sa success ni student.
TYPES
OF TEACHING APPROACHES/METHODS/STRATEGIES
DIRECT/TEACHER-CENTERED
APPROACH – ang guro
ay direktang nag-tratransmit ng impormasyon sa mag-aaral.
Deductive method – nagsisimula sa isang panuntunan o
kalahatan na inilalapat sa mga particular na kaso o mga halimbawa. Naglalayon
nito na subukan ang panuntunan o lutasin ang ibinigay na problema.
Demonstration or Showing
method – (learning by
observation and imitation) ang guro o isang piling grupo ng mga mag-aaral ay
gumaganap ng aktibidad. Ang demonstrasyon ay maaaring live, filmed, o
electrically presented. Natututo ang mga estudyante sa pamamagitan ng
pag-obserba o pagsasanay na may mga tunay na simulation ng kagamitan.
Lecture method – ay isang pamamaraan ng pagtuturo
para sa pagpapaliwanag ng isang pangunahing ideya sa anyo ng tanong o problema.
Itinuturing ito bilang isang pinaka-awtoribong paraan ng pagtuturo (Authorative
method of teaching).
INDIRECT METHOD/LEARNER-CENTERED APPROACH- mga estudyante ang naghahanap ng
impormasyon.
Concept Development
Method – itunututro
ang subject matter sa mga estudyante upang makagawa o makapaggenerate sila ng
concepts.
Discovery Method – Ang pamamaraang ito ay tumutukoy sa
isang Inductive method sa paggabay ng mga learners upang talakayin at ayusin
ang mga ideya at proseso sa pamamagitan ng kanilang sariling paraan.
Inductive Method – ito ay nakakatulong sa mga
estudyante sa paghahanap ng mga panuntunan at katotohanan sa kanilang sariling
paraan.
Laboratory
Method – ginagamit upang matuklasan o i-verify ang mga katotohanan at
mag-aral ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa agham/science.
Problem-Solving Method – ginagamit nito ang isang problema
bilang isang pinakgitnang bahagi sa paghahanap ng solusyon.
Project Method – ang mga pamamaraang ito ay
nailalarawan sa pamamagitan ng learner’s planning, directing at pagsasagawa ng
mga activities na may layunin, natural, may buhay at makabuluhan.
OTHER
MODELS/TEACHING STRATEGIES
Brainstorming – ay isang proseso para sa pagbuo ng
mga malikhaing ideya at solusyon sa pamamagitan ng intensive at freewheeling
discussion group.
Constructivist Teaching – naniniwala na ang learning ay
nangyayari habang ang mga estudyante ay aktibong kasangkot sa isang proseso ng
kahulugan at konstruksiyon ng kaalaman.
Coopperative Learning – gumagamit ng iba’t-ibang mga
aktibidad sa pag-aaral upang mapabuti ang kanilang pag-unawa sa isang paksa.
Distance Learning – o distance education kung tawagin,
ay isang paraan ng paghahatid ng edukasyon at pagtuturo, madals sa isang
indibidwal na batayan, sa mga estudyante na hindi pisikal na naroroon sa isang
tradisyonal na setting tulad ng silid aralan.
Field Trip – ito ay nangyayari sa labas ng
classroom at nag-aalok ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na makuha ng
pagkakalantad sa “tunay”na mga tao at mga kaganapan at pagkakataon na gumawa ng
mga koneksyon sa iba.
Metacognitive Teaching – (Thinking beyond Thinking) paggabay
ng mga guro sa mga estudyante na maging mas madiskarte sap ag-iisip sa
pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan ang paraan ng pagpoproseso ng
impormasyon.
Panel Discussion – binubuo ito ng isang grupo ng 3
hanggang 6 na tao na may isang mapakay nap ag-uusap sa isang nakatalagang paksa
na may o walang aktibong pakikilahok ng madla.
Peer Tutoring – ang pagtatalaga ng mga estudyante
upang tulungan ang isa’t-isa sa isang one-on-one basis o sa isang maliit na
grupo sa iba’t-ibang sitwasyon.
Problem-based Learning – Hinahamon ang mga estudyante na
matuto sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isang real world problem.
Reflective Teaching – ay isang tugon sa nakaraang
karanasan at nagsasangkot sa conscious recall at pagsusuri ng karanasan bilang
batayan para sa pagsusuri at paggawa ng desisyon at bilang isang mapagkukunan
para sa pagplaplano at pagkilos.
Role Playing – pagpoportray o pagsasaganap sa
isang sitwasyon, kondisyon, o mga pangyayari hingil sa tunay na buhay.
Simulation – kumakatawan o mag-modelo ng isang
tunay na sistema, sitwasyon o pangyayari.
Socratic Method – Ang guro ay hindi nagbibigay ng
impormasyon nang direkta ngunit sa halip ay nagbibigay ito ng mga serye ng mga
katanungan. Ang layunnin nito ay upang tulongan ang mga estudyante sap
ag-proseso ng mga impormasyon at makisali sa mas malalim nap ag-unawa sa mga
paksa.
Symposium – ay isang pormal na aktibidad kung
saan 2 hanggang 5 na tao ang nagsasalita o nagtatalakay sa isang paksa.
JACOB
KOUNIN’S MGT MODEL (1970)
1,) WITH-IT-NESS – more aware kung ano mga nangyayari
sa klase.
2.) OVERLAPPING – ang guro ay maaaring makitungo sa
isang off-target na gawain nang hindi nakakaabala kung ano ang ginagawa niya.
3.) SMOOTHNESS AND
MOTIVATION – Maraming
iba’t-ibang pagbabago ng aktibidad sa isang araw ng paaralan; paglipat mula sa
isang aktibidad sa isa pang pangangailangan upang maging maayos. Ngunit may
kaugalian na dapat iwasan ito ay:
Stimulus-boundedness
– ang nagambalang atensyon ni teacher dahil sa isang extraneous stimulus.
Halimbawa: Ang mga estudyante ay nagsusulat ng notes – pagkatapos ay nagsabi
ang guro sa klase tungkol paggawa ng notes para sa kanilang magulang pagkatapos
ng kasalukuyang gawain.
Thrusts – ang guro ay nakakagambala sa mga
estudyant na nakikibahagi sa mga aktibidad na walang babala o
isinasaalang-alang kung ang mga estudyante ba ay handa o hindi.
Dangles – ang guro na pumupunta sa isang
aralin at sa isa pang aralin na nawawala sa direksyon o wastong
pagkakasunod-sunod ng aralin.
Flip-flops – ang guro na pabago-bago ng isip.
Overdwelling – ang guro ay gumagamit ng masyadong
maraming oras sa isang aspeto ng aralin o ilang aspeto ng pag-uugali ng
mag-aaral, kung kayat nangyayari hindi matapos-tapos at mabagal na usad ng
aralin.
Fragmentation – pagbibigay ng guro ng isang
aktibidad sa isang mag-aaral na tatagal ng ilang oras bago tumawag ng iba. Kung
kaya’t nagiging mabagal minsan ang usad ng aralin.
4.) GROUP ALERTING SKILL – kinakailangan ng guro na makuha ang
atensyon ng mga estudyante at panatilihin ito mula sa simula habang nagbabago
ang mga aktibidad sa loob ng isang aralin.