Ang salitang Tagalog na panitikan ay galling sa unlaping pang
(na nagiging pan- kapag ang kasunod na salita ay nagsisimula sa d, l , r , s, t
sa ugat ng titik (letra) na nawawalan ng simulang T sa pagkakasunod sa pan; at
sa hulaping an, samakatuwid: ugat na dating litera na ang kahulugan ay letra o
titik.
Ayon kay Hon. Asarias sa kanyang aklat na “Pilosopia ng
Literatura”, ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa
mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay at pamahalaan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang Lumikha.
Mga Impluwensya sa Panitikan
1. Klima
2. Gawain
3. Kinatitirha
4. Lipunan at Pulitika
5. Relihiyon at Edukasyon
Labindalawang Kilalang Akda sa Buong Daigdig
1. ANG BANAL NA KASULATAN- mula sa Palestina at Gresya na nagging batayan sa sangkakristiyanuhan
2. Ang QUR’AN- banal na aklat ng mga Muslim na galling sa Arabia
3. ANG ILIAD AT ODYSSEY- ni Homer, batayan ng kaligiran ng mitolohiya o paalamatan ng Gresya.
4. ANG MAHABHARATA ng India, kasaysayan ng mga dating Indo at ng kanilang pananampalataya.
5. ANG DIVINA COMEDIA – ni Dante ng Italya, na nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahon ng kinauukulan
6. ANG EL CID CAMPEADOR – ng Espanya, nagpapahayag ng katangian panlahi ng mga kastila at ng kanilang alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.
7. ANG SONG OF ROLAND – kinapapalooban ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransya na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristyanuhan at ng dating makulay na kasayasayan ng mga Pranses.
8. ANG BOOK OF THE SUN (ANACLETS) – ni Confucius, nagging batayan ng pananampalataya, kalinangan at karurunungan ng mga Intsik.
9. ANG BOOK OF THE DEAD – Ehipto, na kinapapaalaman ng Kulto ni Osiris mga mitolohiiya at teolohiyang Ehipsyo.
10. ANG 1001 TALES OF ARABIAN NIGHTS – ng Arabiaat Persya, na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga Silanganin.
11. ANG CANTERBURRY TALES – Chaucer, sa Inglatera, na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
12. ANG UNCLE TOMS CABIN- ni Harriet Beecher Stowe, ng Estados Unidos na nakatawag ng pansin sa karumaldumal na kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng simulain ng demokrasya.
ANG AKDANG PANDULAAN NA MAKARELIHIYON
Ipinapalagay na ang dula at ang ppan-aliwang panahon ng mga Kastila ay ang mga sumusunod
Ang Panuluyan
Ang Panuluyan ay isang uri ng dulang pang relihiyon na palaksak noong panahon ng Kastila. Ang pinaka diwa rito ay ang paghahanap ng bahay na matutuluyan ng mag-asawang San Jose at BIrhen Maria noong bisperas ng Pasko.
May mga bahay na sadyang ginagayakan sa ibat ibang panig ng bayan na nasasakupan ng parokyang nagsasagawa nito. Prusisyon na taglay ang Imahen o Larawan nina San Jose at Birheng Maria ay inihihinto sa tapat ng bahay na sadyang ginagayakan at doon idinaraos ang pagsasagutan sa panunuluyan.
Ang Senakulo
Ang Senakulo ay isang uri ng dulang makarelihiyon na ang pinakamanuskrito ay ang Pasyon. Itinatanghal ito kung Mahal na Araw, kadalasay nagsisimula sa Lunes Santo at nagtatapos ng BIyernes Santo. (Kung minsan itoy umaaboot din sa isang ipinasdyang entablado).
Ang Moro-Moro
Ang Moro-Moro ay itinatanghal sa entablado. Dalawang pangkat ang naghahamok dito: ang pangkat ng mga Kristiyano at pangkat ng mga Muslim.
Ang Tibag
Ang Tibag ay may kaugnay sa senakulo sapagkat itoy nauukol sa paghahanap sa krus na kinamatayan ni Kristo sa bundok ng Kalbaryo. Ang mga tauhan ditoy sina Emperatris/Elena at ang kanyang anak na si Emperador Constantino. Tinatawag na Tibag din ng moro-moro, ang Tibag ay nagging kawili-wiling libangan noong una dahil sa malimit na paglalaban ng Kristiyano at Moro.
Ang Panubong
Itoy isang mahabang tulang pang-awit bilang handog sa isang dalagang may kaarawan. Sa tagalog itoy nangangahulugang Pamutong – dahil sa pagpuputong ng korona ng mga bulaklak sa dalaga.
Ang Ensilada
Ang Ensilada ay isang paligsahan sa pagtula bilang pang aliw sa namatyan. Itoy ginagawa ng gabi gabi habang nagsisiyam sa namatay. Bago maglaro ang mga kalahok binibigyan ng pangalan ang mga lalaki. Ang paglalaro ay sa pamamagitan ng pagtula, pag-awit, o paghalik sa kamay sa lahat ng kalahok.
Ang Awit
Sinasabing dinala ng mga Kastila rito ang isang uri ng panitikang hawig kay Miguel de Cervantes na “Don Quijote de la Mancha”. Nang sumapit ito sa kapuluang Pilipinas, ang romansang patulang ito ay nahati sa dalawa na kung tawagin ay awit at kurido.
Ang awit ay isang uri ng tulang binubuo ng labindalawang pantig bawat taludtod sa isang saknong at kung inaawit ay marahan o “andante”. Ang kagandahan ng awit ay walaa sa kasaysayan o kuwento kundi nasa magandang aral, maririkit na mga talinhaga at mga piling salita. Ang “Florante at Laura” ay siyang pangunahing halimbawa ng awit.
Ang kurido namang ay binubuo ng walong pantig bawat taludtod ng isang saknong at inaawit ito ng mabilis o “allegro”. Ang mga kurido ay kilala sa kagandahan ng kuwento o kasaysayan. Isang mabuting halimbawa nito ay ang “Ibong Adarna”
MGA BANTOG NA MAKATA
Tatlong makatang napabantog sa larangan ng panulaang pang aliwan, sina Francisco Baltazar, Jose dela Cruz, at Ananias Zorilla. Ang tatlong itoy malimit banggjiting “tungkod” ng tulang Tagalog ng panahong ito.
Jose Dela Cruz
Ang makatang itoy kilala sa tawag na “Husing Sisiw” sa dahilang sisiw ang mga kanyang hihingin bayad sa mga nagpapatulong sa kanya sa paggawa ng tula. Sa mga kilalang katha ni Husing Sisiw ay kabilang ang HIstoria Famoso ni Bernardo Carpio at ang Doce Pares de Francia.
Francisco Baltazar (Balagtas)
Nag-aral si Francisco Balagtas sa Colegio de San Jose ng
Canones o batas ng simbahan, Gramatica, Latina, Doktrina Kristiana, Humanidades
Teolohiya at Felosopia. Nag-aral din siya sa San Juan de Letran, Sinulat niya
ang walang kamatayang “Florante at Laura”, kung saan tinawag niyang “Celia si
Maria Asuncion Rivera. Naging huwis batsilet siya sa Bataan at napangasawa si
Juana Tiambeng. Sinulat din niya ang mga bantog na : La Indiia Elegante y El
Negrito amante, isang saynete, Almanzor Y Rosalinda, Mahomet at Constancia, Don
nuno at Zelinda at iba pa.
TULA
Marami ang naibigay na pakahulugan sa tula, subalit ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan : tatlong bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag na tula.
Kabilang sa mga kilalang makata sa panahong ito sina Teodoro A. Agoncillo (“Sa Dalampasigan”, “REpublikang Basaha”) Manuel Principe Bautista (“Diwang Pilipino”) Bienvenido A. Ramos (“Ito ang Ating Panahon”) , Ruben Vega (“Sa Pagkaparool”) Lamberto E. Antonio (“ Sangsipil na Unay”) Bienvenido Lumbera (“Sunog sa Lipa”) Teo T. Antonio (“Maskara at Mahika”) Mar Al Tiburcio (“Mga Talababa ng Panahon”) Rolando S. Tinio (“Mahabang Kuwento”), at ang mga sumusunod na may aklat- katipunan o namatnugot ng mga katipunan ng tula: Crio H. Panganiban (Salamisim), Basilio Sarmiento ( Sagimsin), Inigo Ed Regalado (Damdamin), Aniceto F. Silvestre (Kalikasan), Rufino Alejandro (Pangitain; Kudyaping Banyaga-salin nila Federico Licsi Espino), Jose Villa Panganiban ( Mga Butil na Perlas; Tanaga, Haiku,Pantun; salin ni Julio Caesar)
INIGO ED. REGALADO
Si Iñigo Ed. Regalado, mamahayag, patnugot, kuwentista,
nobelista at makata ay may aklat-katipunan ng mga tula, ang Damdamin, na
nahahati sa limang uri: Sa Pag-ibig, Sa panibugho, Sa Talambuhay, Sa Bayan; Sa
Buhay.
Kabilang sa “Sa Bayan” ang “ SA may Dakong Bukid” narito ang
ibang bahagi:
Anupat ang lahat sa aking paningin ay mutayang larawang may sariling ningning, ang ayon ko pala at ang Bayan natin ay may katutubo sa sariling Atin, kung tinatahak man ng hapong –damdamin nangungubli lamang, hindi nalalaing. “Sa Buhay” naman galling ang “Ang Ganda ng Lahi” na ang ilang bahagi ay sinipi rito. Sa Dinami-dami ng ipinupula ng padpad ng agos sa dalampasigan ng di makalayang Bayan ng Tagalog; sa dinami-dami ng iniiwan ng sundalo ng salot sa pusong Malaki, wagas at dakila ng lahi kong irog; sa dinami-dami ng isinira ng labing hinubog sa ibang ugali, sa sariling Diwa.
ANICETO F. SIVESTRE
Ayon sa makata at gurong si Rufino Alejandro, ang tradisyon at modernism ay ang mga landas na nagsalikup at ang tagpo sa tulaan o panulaan ng makatang sii Aniceto F. Sivestre sa tulang apat na unang gantimpala bago nagkadigma, ikatlong gantimpala sa Republika, at unang gantimpala sa Palangka o Palanca noong 1969.
Ang mga tula niya sa katipunang kalikasan ay pinag
pangkat-pangkat sa mga sumusunod: 1. Malaya, 2. Maalindog, 3. Larawan ng buhay
4. Pintig ng pag-ibig, 5. Tatag ng pananalig, 6. Tanda ng pag-asa, 7. Batas sa
Landas ng Kadakilaan, 8. Dugo sa Ningning ng Araw.
TEODORO A. AGONCILLO
Pangunahing manunulat ng kasaysayan si Teodoro A. Agoncillo – tinatawaf siyang madamdaming mananalaysay” ni Carmen Guerrero Nakpil, kilalang manunulat sa Ingles, marami siyang nasulat na mga salaysay na pangkasaysayan sa ibat ibang mga magasin gaya ng panitikan, Diwang Pilipino, atbp BUkod sa mga tula, si Agoncillo ay nagsulat din ng mga maikling katha at sanaysay. Siya rin ang iginalang na patnugot ng mga mar uring magasing Malaya na nauklas ng mga bagon manunulat na s kasalukuyan ay may sarili ng pangalan sa ating panitikan.
MANUEL PRINCIPE G. ABADILLA
Marahil ng bagong panahon na nakapagbpabago sa tulang Tagalog nang higit karino man ay si Alejandto G. Abadilla. Isinilang siya sa KAbite ngunit sa MAynila higit na nakikilala dahil sa mapanghimagsik na impkuwensya niya sa anyo at nilalaman ng tulang Tagalog. Hindi iilang bantog na manunulat sa kasalukuyan ang napasailalim ng kanyang kalinga at impluwensya. Ipinagpakasakit ni AGA ang kaunlaran at may-iromg panitikan. Sa panulaan ay tinalikuran niya ang kinamulatang sukat at tugma ng kumbesnsiyonal na tula; sa halip ay pinalaya nila ang o pinalaganap nila ang malayang taludturan at ang mapaghimagsik na diwa ng impersyonismo
ANG PANITIKANG PILIPINO
BAGONG DUMATING ANG MGA KASTILA
Ayon sa mga taong gumawa ng pananaliksik sa ksaysayan ng matandang kultura ng Pilipinas ang naggpapatoo na ang mga Pilipino ay mayroon ng panitikang bago dumating sa mga pulong it ang mga Kastila. Isang KAstilang mananalaysay na nagngangalang Las Casas ang nagsabi na “ang mga KAstila ay maraming nakuhang “akda” na pawing gawa ng ditablo, at ang mga iyon ay sinuong nila bilang isang aral sa mga nalalabubuang taong-bayan” Ang pinaka-papel ng mga Pilipino noon ay ang mga “Kawayan o kayay mga dahong palaspas ,at ang pinaka-panulat nila ang dulo ng isang lansita o iba pang bahagi ng kawayan … “ SA kasigasigan ng mga paring Kastila at hangad nilang maopalaganap sa lalong medaling panahon ang Pananampalatayang Kristiyano, ang mga nasusulat na matandang panitikang Pilipino ay sinira.
Sa mga naiwang labi ng matandang panitikang Pilipino, na
nakaligtas sa pamiminsala at paninira ng tao, ay kabilang ang mga bugtong at
kasabihan, nga salawikain, mga awit sa pamamangka (gaya ng “suliranin” at
talindaw”). “Diona”
“Awit” at iba pa) isang uri ng
komedya (na ibat ibang anyo, gaya ng “duplo”, karagatan” at dalit) ang awit-
pandigma (ang tinatawag na “kumintang” “tikam”, at “Tagumpoay” ) at iba pa.
Ang matandang panitikang moroy
may iniingatang daranga, o mga tulang-Epiko, gaya ng “Bantugan:. Indapatra at
Sulayman”, at iba pa, at gayon din ang mga Ipugaw. Ang mga Bisaya naman ay may
Katipinan ng mga Batas ni Kalantiaw.
1.
mga kantahing-bayan
2.
mga kuwentong-bayan
3.
mga karunungang-bayan
PANAHON NG KASTILA
Bagama’t narrating ni Magallanes ang Pilipinas noong Marso 17,1521, itinuturing naman ang pananakop ng mga Kastila ay nagsimula lamang noong taong 1565 kung saan itinatag ni Legaspi ang unang Kastilang pamayanan sa Cebu. Dito sa panahong ito nagsimula ang kasaysayan ng panahon ng Kastila.
Maraming pangyayaring pangkasaysayan ang nasasalig sa pag-aaral nating ng panitikang Pilipino sa panahong ito, tulad ng unang pangunahing hangarin ng mga Kastila ang palaganap ang relihiyong Katoliko Romano sa buong kapuluan, mapalawak ang hanapbuhay at ganon din ang layuning mapalawak ang mga nasasakupang lupain.
Si Villalobos ang nagbigay ng pangalang “Filipinas” sa ating
kapuluan, bilang pagparangal sa nuoy Haring Felipe II ng Espanya, at sapagkat
di-bihasang bumigkas ng “F” ang mga katutubo ang nagging palasak ay “Pilipinas”
sa Hapip na Filipinas”
Nang nagging Gobernador HEneral si Narciso Claveria (1848) ay
nagbunsod siya ng maraming pagbabago na nagging dahilan upang ang pag0uugali
maging ng pamumuhay ng mga tao ay sumunod sa ngayon sa kanyang palatuntunang
pampamahalaan at mamayan at ang malawakan pagpapabinyag sa mga katutubo upang
maging mga Kristiyano.
Bunga nito, unti unting nawala ang kaugaliang paghahandog ng
mga pruta, mga hayop, maging ng maliit na bata sa mga diyos-diyosan o mga
anitong kanilang pinaniwalaan at pagsasama ng mga taong walang kasal.
Matatandaan pa rin na noong 19 na siglo, matapos mabuksan ang
Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, nagtamasa ng kasaganaan ang mga tao,
nakapagtayo sila ng tahanang mga konkreto, nakapagsuot ng ibat ibang uri ng
kasuutan at mga alahas na yari sa ibang
bansa at nalagyan nila ang mgamuwebles ang kani kanilang mga tahanan tulad ng
piyano at magagarang kagamitan o kasangkapan.
Nakapaglalakbay sila na lulan ng noong wala pa sila sa ilalim ng panahon ng kapangyarihan ng Kastila. Nagkaroon din sila ng pangkakataong makabasa ng mga aklat at pahayagan galling sa Europa, magdikurso tungkol sa mga problema ng gobyerno, at higit sa lahat ay napag-aral nila ang mga anak nila sa mahuhusay na kolehiyo sa Maynila at sa ibat ibang bansa man.
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Nawagi ang mga Pilipinong mapaghimagsik laban sa mga kastila. Nagkaroon tayo ng kalayaan, noong ika-12 ng HUnyo, 1898 at ang nagging unang pangulo ay so Heneral Emilio Aguinaldo, suibalit ang lahat ang ito ay panandalian lamang sapagkat tayo sinakop ng mga Amerikano.
Naigupo ng mga Amerikano an gating republikang itinatag at napasuko nila an gating mga kababayang mapaghimagsik stulad ni Hen. Miguel Malvar noong 1903, subalit ang diwa ng damdaming makabayan ay hindi nakuhan igupo ng sandatahang amerikano. Higit pang naging maalab ang pagmamahal sa ating bayan.
Mapapatunayan at mabbasa ito sa panitikang namamalaksak noon.
Halos ang lagat ng larangan nito ay pinasok n gating manunulat tulad ng tula, talumpati, sanaysay, kuwento, dula at iba pa. Maliwanag na mababasa sa kanilang mga akda ang pag-ibig sa bayan, inaasam na kasarinlan ng bansang Pilipino at ang pagtutol sa kolonyalismo.
Nagsimula ang masiglang kilusan sa larangan ng panitikan sa
mga sumusunod na pahayagn:
1. En Nuevo Dia- nangangahulugan “bagong araw” na itinatag ni Setgio Osmena noong 1900. BInalaan ditto si Osmena at ang kanyang mga kasamahan na nagsusulat na ipatapon dahil sa mga lathalang makabayan. Makalawang ipinatigil ng mga sensor na Amerikano ang pagpalahala nito.
2. El Grito del Pueblo – nangangahulugang “Ang sigaw ng Bayan” ay itinatag naman ni Pascual Poblete noong 1900
3. El Renacimiento – itinatag noong 1901 ni Rafael Palma sa Tagalog ay “Muling Pagsilang”
Maraming mga akda ang nasulat
na tumutuligsa sa pamahalaang Amerikano sa bansa, ilan ditto ay ang mga
sumusunod:
1. WALANG SUGAT – 1902- ni Severino Reyes
2. TANIKALANG GINTO – Juan Abad
3. MALAYA – ni Tomas Remegio
4. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS ni Aurelio Tolentino. Nasakdal sa salang sedisyon ang may akda nito.
May mga itinatag na kapisanan o samahan ang mga manunulat sa
Tagalog nang panahong yaon, tulad ng
1. Samahan ng mga Mananagalog
2. Aklatang Bayan
3. Ilaw at PAnitikan o Panitik
4. AKademya ng Wikang Tagalog
5. Diwa ni Rizal
6. Kapulungang Balagtas
Sa mga unang taon pa rin ng pananakop ng mga Amerikano, ang
mga wikang ginagamit sa panulat ay Kastila, Tagalog. Kapampangan, Iloko, Bikol,
Bisaya, at iba pang wikain n gating kapuluan. At I nga naglaon, ay bigla ring
pumailanlang ang Ingles. Sa kasalukuyan, ang mga naging taluktok na wikang
ginagamit sa pagpapahayag ng diwat damdaming makabayan sa larangan ng panitikan
ay an gating tatlong opisyal na wika,ang Kastila, Tagalog at Ingles.
ANG PANAHON NG HAPONES
Nang sakupin ang Pilipinas ng mga Sandatahang Hukbong HApones, mabiis na ipinagbawal ng mga mananakop ang paggamit ng wikang Ingles. Nakabuti naman para sa ating mga manunulat at muling nagkaroon ng pagkakataong magamit an gating hindi maikakailang ginamit nilay ang wikang maka- INGles. Sa maikling panahon ay lubusang ipinaturo sa paaralan ang wikang pambansa. Ang mga paksain ng mga sulatin tulad ng mga kuwentp, tula, dula, sanaysay at iba pa ay natutungkol sa buhay sa lalawigan mga katutubong kullay mga uri ng pamumuhay. Hindi rin pinahihintulutang ipalabas ang mga pelikulang Amerikano. Hindi gaanong namala ang mga nobela at iba pang mahabang sulatin dahil sa kakapusan mga kagamitan sa pagsulat. Ang LIwayway at ang Taliba ang nag bukas ng pagkakataong maipalathala ang mga tula at kuwento. Nakatulong ito sa mga manunulat at makata, bagaman hindi kubhan matatas sa Tagalog. Ang isa sa pinakamahisay sumulat nang maayos at mabisa sa Tagalog ay si Juan C. Laya na naging tanyag sa larangan ng Panitikang Tagalog.
PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA
Tinupad ni Heneral Douglas MacArthur ang kanyang pangakong
muling magbalik sa Pilipinas. Ang mga Pilipino na karamihan ay nasa kabundukan
ng bansa ay nagsipagdiwang sa muling pagbabalik na ito ng mga Amerkano. Ang mga
gerilyang namundok ng tatlo o mahigit pang taon ay kasama-sama ng hukbong
mapaglayang Amerikano
Ngunint ang ligaya na bayan sa muling pagbabalik ng mga Amerikano ay hindi agad nakapagbigay ng tinig sa panitik sapagkat ang mga akdang pandaigidig ng mga kawal at ng bagong pamahalaan, mga akdang gutom na nilamon ng manunulat ay pawing mga katangian at kasulungang hindi karugtong ni gahibla n gating inspirasyong nalagot noong 1941, kayat kinakailangan ang isang taong muling pag aaral at pagsasanay ng mga manunulat bago magkamayaw at magkatinig an gating panitik.
Sang-ayon sa pagsusuri nina Jose Villa Panganivan at Consuelo Torre Panganiban sa kanilang aklat Panitikan ng Pilipinas, ipinagbatid nila na sa panahong ito, ang panitikang Pilipino ay nahaharap sa malaking suliranin sapagkat ang manunulat na akda “Ang panitikang ito ay isinusulat ayon sa kung gaano ang makukuhang gantimpala, ang manunulat,b bago pa sumulat ng bago ng akda, ay nag-iisip muna kong anong masasabing walang wala nang sinumang nagtataglay ng pag ibig sa sining ng panulat . Ang kapansin-pansing pangyayari sa Panitikang Pilipino sa panahong ito ay ang pagsipot sa larangan ng panulat ng kabataang nag aaral sa pamantasan at ang pagpasok nila sa sariling panulatan ng mgapamantayan ng PAnitikang Pandaigdig.
Subalit ang mga nagiging ulirang manunulat ay ang mga Amerikano katulad nina Ernest Hemingway, Wilam Saroyon, at John Steineback, na oo nga at paksang hinggil sa sex, ang paksang ito ay hindi kilala o sadyang hindi kinikilala ng mga manunulat noong araw, maliban sa ilang ilang gaya ni Jose Garcia Villa na naparusahan sa kanyang kapangahasan.
Ang panunulad kina Hemingway
,Sarayon at Stenbeck ay nagbigay ng ideand mapaghimagsik at pangahas sa
panitikang Pilipino. Sa kanilang akla na ang Panitikang Ongoco ang suliran sa
wika na siya ding pinakasakit ng bansa sa mga panahong ito.
Ang suliran sa wika na di dapat mamayani sa isang bansang nagsasarili ay isang scenario o larawan ng kahungkagan n gating pamahalaan. Ang batay sa Tagalog na Wikang Pilipino ay pambuntot lamang sa Ingles sa pagkawikang pambansa. At alang alang sa pagkalinangang kahapon ay patuloy na itinuro sa paaralan ang wikang Kastila.
Sa may walongpo na wikang sinasalita ng mga dalawamput walong milyong Pilipino ayon sa senso ng 1960, 44.5% ang nagsasalita ng Tagalog samantalang 39.5 ang gumagamit ng Ingles 2% ang Kastila. Gayunman, ang wika ng pamahalaan ay Ingles. Ang lahat ng pang-ulo o heading ng mga papel pangkomuniskasyon hanggang pangwawakas ay sa Ingleses nakasulat. Maging ang mga kautusan mula sa kagawaran ng Pagtuturo na ipinag diwang ang Linggo ng Wikang Pambansa ay sa Ingles nakasulat”.
Ang wikang ay may malaking bias sa kaisipang – bansa, sa disiplinang pambansa dahil sa patuloy na paggamit sa Ingles na wikang panturo, ang Filipino First” ng Pangulong Macapagal ay naging hungkag, sapagkat sa wikang opisyal ng bansa, ay nakapagbasa sa pagka-Pilipino, di lamang sa paningin ng dayuhan kundi sa paningin na rin ng Pilipino.
Dahil sa wika, ang tinatawag na universal education, o pag-aaral na para sa lahat ay gaya lamang sa panahon o sa turing. Ang edukasyong pormal ay para lamang sa mga may salaping maitutustos hanggang makatapos ng karera o propesyon. Ang libu-libong umalis na mababang paaralan matapos ang ikalawa o ikatlong baytang ay nakalilimot sa kanilang wikang sinimulan o sisimulan palang nilang matutuhan at nababalik sa pagka-illiterate sa wikang ito, at maging sa sariling wika.kung minsan”,
Sa kabilang dako, inulat pa rin nin Pineda-Pineda-Ongco: “Mula ng bumalik ang hukbong tagapagpalaya ng Amerika hanggang sab ago magka martial law sa Pilipinas ay laganap sa pamahalaan ang katiwalian. Kung sa bagay, ang katiwalian ay itinatak sa atin ng mga Kastila na siyang nagsimula sa Sistema ng padrino at suhol”.
Ito ang larawan ng buhay sa Pilipinas, ang ikalawang digmaang Pandaigdig at hanggang sab ago magkaMartial Law (1972) sa Pilipinas. At sa kapaligirang ito nagsimulang lumikha ng piling akda an gating manunulat. Ang labi ng Digma at larawan ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang naging ispirasyon ng mga manunulat sa kanilang mga kuwento, tula, dula, na binigyang buhay sa mga drama sa radio at sa mga pelikula at nitong huli ay sa telebisyon.
PANITIKAN SA KASALUKUYAN
Kakaibang panahon ito sas mga nakaraang panahon ng panitikan. Higit na nalantad ang mga Pilipipno sa pelikula, telebisyo, tanghalan, radio, pahayagan, at ibat ibang babasahin. Hindi gaanong napag-ukulan ng pansin ang mga maikling kuwento at tula sa mga aklat. Unting-unting umuusbong ang pagsulat ng nobela na ang karaniwang paksa ay pag-ibig. Ito ay isinaaklat at ipinagbibili sa haling P30.00 bawat sipi. Napilitan lamang na basahin ang mga tula at maikling kuwento dahil sa kailangan itong talakayin ng mga guro at mag aaral sa paaralan.
Batay sa isang pag-aaral, ang Pilipinas ang nangungunang bansa na may pinaka mataas na bahagdan o porsyento ng mamamayan na madalas manood ng pelikula. Ang mga sumusunod ay mga posibleng dahilan ng pagka hilig ng mga Pilipino sa pelikula.
1. Ito ang pinakamurang uri ng libangan at isang paraan sandaling paglimot sa mabibigat na suliranin.
2. Nahihilig sila rito dahil sa kadalasang ang tema nito ay di
nalalayo sa kanilang
bahay.
3. Isa sa impluwensya ng mga Kastila sa mga Pilipino ay ang pagiging panatiko. Naging kaligayan na nila na mapanood ang mga iniidolong artista sa harap ng malaking “screen”
4. Bagamat di lahat ng sinehan ay “air-conditioned”, naangkop ang lugar na ito para maka-relaks.
May mga positibo at negatibong
epekto ang pelikula sa tao. Unahin natin ang mga positibo:
a. Nakapupulot sila ng aral sa napanood na pelikula
b. Napapalawak ang kanilang kaalaman sa kasaysayan ng bansa.
c. Napapahalagahan nila ang buhay.
d. Bahagyang
nakatutulong ito sa ating kalusugan.
ANG DI-MAGANDANG EPEKTO
NG PELIKULA SA TAO AY:
a. Nakapupulot sila ng masamang tekniko tungo sa masamang Gawain.
b. Ginigising ang maka-mundong kaisipan na humahantong sa kriminalidad.
c. Bumaba ang kanilang antas ng pang-unawa.
d. NAwawala o kundi man ay bumaba ang pagpapahalang ispiritual, moral at pansarili.
Sa mga epektong nabanggit isa lamang ang maaring mangyari o maging konklusyon: nangahulugan lamang na mayroon tayong mahusay at basurang pelikula sa kasalukuyan. Kung ating susuriin ang mga pelikula, malaking bahagdan ditto ay nahihinghil sa pagmamasaker o kriminalidad tulad ng panggagahasa, pagkidnapp at pagpapahirap. Mainam kung ang mangingibabaw sa pelikula ay aral na mapupulot ng mga manonood.
Taliwas sa inaasahan ang kinahihinatnan. Mas marami ang itinutuon sa pagpapakita ng malaswang bahagi ng pelikula at brutal na pamamaraan ng pagpapahirap sa mga tauhan. Karamihan sa pelikula sa pangkasalukuyan ay pangkomersyalismo ang layon. Tinatangkilik hindi lamang dahil sa masining na pagkakagawa at kapupuluitan ng aral, kundi sa dahilang mamamalas nila sa malaking “scree” ang paghuhubad o pagpapakita ng katawan at bagong tekniko sa kriminalidad.
Sino ang dapat sisihin sa katayuang ito ng pelikulang Pilipino? Ang pag-unlad at pagbasak ng pelikula ay nakasalalay di lamang sa mga producers, artista at director kundi sa mga manonood na marunong kumilatis nang mahusay at maayos na pelikula.
Muling sumigla ang dulaang pangtanghalan sa pagwawagi ni Lea
Salonga sa ibang bansa sa “Miss Saigon”. Sa pamamagitan niya muling nakilala
ang kahusayan ng mga Filipino. Di gaanong nabigyan ng halaga ang wikang
Filipino sa tanghalan, sa dahilang lahat o nakahihigit sa dulang pangtanghalan
ay hango sa istorya sa ibang bansa.