Gen--Ed-PANITIKAN

PANITIKAN
Ayon kay:
                             Bro. Azarias
·         Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.
Ang Paraan Ng Pagpapahayag
PANGANGATWIRAN
  Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.
PAGSASALAYSAY
·               Isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.
PAGLALAHAD
  Isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.
PAGLALARAWAN
  Isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.
Mga Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa buong Daigdig
Banal na Kasulatan  o Bibliya
  Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya.
Koran
  Ang pinakabibliya ng mga Muslim.Galing ito sa Arabia.
Ang Iliad o Odyssey
  Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer.
Ang Mahabharata
  Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ngkasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
Canterbury Tales
  Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
Uncle Tom’s Cabin
  Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.
Ang Divine Comedia
·          Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano nang panahong iyon.
Ang El Cid Compeador
  Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.
Ang Awit ni Rolando
  Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
Ang Aklat ng mga Patay
  Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
Ang Aklat ng mga Araw
  Akda ito ni Confucios ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya.
Isang Libo’t Isang Gabi
  Mula ito sa Arabya at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan  at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
AKDANG TULUYAN
·         yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
AKDANG PATULA
·         yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong
Ang Mga Akdang Tuluyan
NOBELA
·          Ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon.
Halimbawa:
  “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos

MAIKLING KUWENTO
                Ito ay salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari  
                sa kakintalan
Halimbawa:
  “Pagbabalik” ni Genoveva  E. Matute
DULA
  Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
Halimbawa:
  “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio
Tolentino
ALAMAT
  Ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito.

Halimbawa:
  “Ang Alamat ng Pinya”

PABULA
  Ito ay mga salaysayin na hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog sa kanilang ugali at pagkilos.

Halimbawa:
  “Ang Pagong at
           Ang Unggoy”



ANEKDOTA
  Ito ay maikling salaysay ng mga kawili-wili o katangi-tanging pangyayari
Nagtatampok sa ugali o pagkatao ng isang nilalang.
May mapupulot din itong magagandang aral sa buhay.
Halimbawa:
  “Ang Gamugamo at Ang Munting Mulawin”.

SANAYSAY
Ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
halimbawa :
·         nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan
TALAMBUHAY
  Ito’y isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.

BALITA
  Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.

TALUMPATI
  Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.

PARABULA
  Ito’y isang salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig.

Halimbawa:
  “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”.

MGA AKDANG PATULA
TULA
  Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng pantig, at paghahanap ng magkatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin O kaisipan nais ipahayag ng isang manunulat.


TULANG PASALAYSAY
  Ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay;

  Halimbawa:
  ang kabiguan sa pag-ibig
  ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan ng mga bayani

MGA URI NG TULANG PASALAYSAY
EPIKO
·         Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
AWIT AT KURIDO
  Ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa. Ang dalawang itoy’nagkakaisa sa kaharian.

BALAD
  Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.

TULA ng DAMDAMIN O TULANG LIRIKO
  Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata batay sa karanasan.

MGA TULANG LIRIKO
MGA TULANG LIRIKO
  Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdamin ng sariling sumulat o ng ibang tao. Karaniwan ay maikli,likas at madaling maunawaan.

AWITING BAYAN
  Ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
Halimbawa:
  “Chit Chirit Chit”

SONETO
  Ito’y isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.

Halimbawa:
  “Soneto ng Buhay”

ELEHIYA
  Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

Halimbawa:
  “Awit sa Isang Bangkay”

DALIT
  Ito’y awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

Halimbawa:
  “O Mariang Sakdal Dilag”

PASTORAL
  Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

  Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

ODA
  Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

Halimbawa:
  “Tumangis si Raquel”

TULANG DULA
 O PANGTANGHALAN
KOMEDYA
  Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood.

MELODRAMA
  Karaniwang ginagamit sa dulang musikal kasama ng opera. Ngunit ngayon ay may kaugnayan din sa trahedya at komedya.

TRAHEDYA
  Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng pangunahing tauhan.

PARSA
  Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.

SAYNETE
  Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.

TULANG PATNIGAN
KARAGATAN
  Ito ay batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap
DUPLO
  Humalili sa karagatan ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
BALAGTASAN
  Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar.

Mga
DULANG PANLIBANGAN
TIBAG
  Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.
LAGAYLAY
  Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay.
SINAKULO
  Pagtatanghal ito na natutungkol sa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “PASYON”.
PANUNULUYAN
  Isang pagtatanghal ito na isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan.
PANUBONG
·         Isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang may kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan.
KARILYO
  Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton., na pinanonood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
KURIDO
  Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangagahulugangn kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano samantalang dito sa Pilipinas, ang Kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan.
SARSUELA
  Ito ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto. Ang paksa ay natutungkol sa pag-ibig, paghihiganti, paninibugho, pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin.
Panitikan: Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
ANG ALAMAT
  Isang uri ng panitikang tuluyan, na ang karaniwang paksa ay nagsasalaylay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
KUWENTONG BAYAN
·         Ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar.        Hal. “Si Bulan at Si Adlaw”
EPIKO
  Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
Hal.      Bidasari – epiko ng Moro     
              Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko
              Maragtas, Haraya, Lagda at Hari sa Bukid - mga epiko ng Bisaya
              Kumintang  – epiko ng Tagalog
              Parang Sabir – epiko Moro
              Dagoy at Sudsud – epiko ng mga Tagbanua
              Tatuang  epiko ng mga Bagobo
               Indarapatra at Sulayman
               Bantugan
               Daramoke – A - Babay
MGA AWITING BAYAN
  Isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino.  Ito ay may lalabindalawahing (12) pantig.
  Kundiman , Kumintang o Tagumpay , Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o Hele, Diona, Suliranin at Talindaw
Mga KARUNUNGANG BAYAN
KANTAHING BAYAN
  Ito ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino. Mga Hal.
                         “Pamulinawen”- (Iloko)
                         “Sarong Banggi) – (Bikol)
SALAWIKAIN
  Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno.
  Hal.
        Hamak man ang basahan,
        May panahong kailangan.
SAWIKAIN






BUGTONG
  Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
  Hal.
        Ang tunay na kaibigan
       Sa gipit nasusubukan.



  Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.
  Hal. Dalawang batong itim,
                                Malayo ang nararating.  (MATA)
PALAISIPAN 
  Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero?
  Sagot: Butas ang tuktok ng sobrero.
BULONG
  Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
  Hal. Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko
        Lumuwa sana ang mga mata.
        Mamaga sana ang katawan mo.
        Patayin ka ng mga anito.
KASABIHAN
  Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
  Putak, putak
                                  Batang duwag
                                  Matapang ka’t 
                                 Nasa pugad.
KAWIKAAN
  Ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral  sa buhay.
  HAL. Pag talagang palad, Sasampa sa balikat.

Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino
ALIBATA
  Na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na  nahalinhan ng alpabetong Romano.
Mga AKLAT sa PANAHON ng mga KASTILA
Ang DOCTRINA CRISTIANA
  Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593, sa pamamagitan ng silograpiko.
  Akda ito nina: PADRE JUAN de PLACENCIA at PADRE DOMINGO NIEVA.
NUESTRA SEÑORA del ROSARIO
  Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni:  PADRE BLANCAS de SAN JOSE noong 1602.
Ang BARLAAN at JOSAPHAT
  Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE ANTONIO de BORJA na isinalin sa tagalog.
PASYON
  Ito’y aklat na  natutungkol sa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing mahal na araw.
Ang URBANA  at FELISA
  Ito’y aklat na sinulat ni: Modesto de Castro-tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog”.
Mga AKDANG PANGWIKA
Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
  Sinulat Padre  Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610.
Compendio de la Lengua Tagala
  Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
Vocabulario de la Lengua Tagala
  Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na isinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613.
Vocabulario de la Lengua Pampango
  Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732.
Vocabulario de la Lengua Bisaya
  Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711.
Arte de la Lengua Bicolana
  Unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754.
Arte de la Lengua Iloka
  Kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.