MGA BATAYANG SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN



Mga Panitikang Hango sa Karapatang Ang mga sumusunod ay ilang simulain sa panunuring pampanitikan:

1.Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga sangkap ng pagsulat.

2.Ang pagsusuri  sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan ,seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

3.Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lakhok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

4.Sa pagsusuri lng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa,may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

5.Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon may matibay na kaisahan makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang pampanitikan.


MGA PARAAN SA PAGSUSURI NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

Sa pagsusuri kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor o estilo. Kinanakailangan din ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha kaya mahalagang siyay maging matapat . Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna . Dalawa ang layunin ng panitikan magbigay aliw at magbigay aralkaya mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa kaasalan .

Katangian ng isang mahusay na akdang pampanitikan.

Malinaw ang paksa
Organisado
Ang mga ideya at tema ng isang mahusay na akdang pampanitikan ay na-uugnay sa paksa


Ang panitikan ay isang anyo ng pagpapahayag na ginagamitan ng imahinasyon sa anyo ng tuluyan o Prosa maging sa tula na binubuo ng maayos at masining na pagsasama-sama ng mga salita.

Dalawang uri ng panitikan:

Pasalin – dila – ang tawag sa panitikan kung ito ay naisalin na sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.

Pasulat – ang paraan ng pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang sistema ng pagsulat.

Mga Anyo ng Panitikan:

Tuluyan o Prosa - Ito ay mahabang pagsulat na karaniwang takbo ng pagpapahayag,walang bilang ang mga pantig at hindi pinagtutugma-tugma ang mga dulo ng taludtod sa bawat saknong na katulad ng patula.hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng isang manunulat.

Patula - ito ay nagpapahayag ng mga salitang binibilang ang mga pantig,at pinagtutugma-tugma ang mga dulo ng taludtod sa bawat saknong

 Sanaysay - ito ang uri ng panitikan na may isang maiksing komposisyon na kalimitan na naglalaman ng mga personal na kuru-kuro ng may akda.

 Pabula - ito ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kung saan ang lumalaganap sa kwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay.

 Nobela o talambuhay -ito ang uri ng panitikan na binubuo ng iba’t iibang kabanata, isang mahabang kwento tungkol sa buhay ng isang tao.

Bugtong - ito ang uri ng panitikan na tinatawag ding palaisipan, ito ay isang pangungusap o isang katanungan na may nakatagong kahulugan na kaylangan isipin o lutasin.

Epiko - ito ay isang uri ng panitikan na nasa uri ng patula na nakuha natin sa mga Espanyol na may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.

Tula - ito ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo

Talumpati - uri ng panitikan na isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.

 Alamat - ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ay isinasalaysay ang mga pangyayari tungkol sa isang pook,tao at pangyayari na mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan. Ang kaugnay ng alamat ay ang kuwentong bayan at mito, Sa makatuwid ang alamat ay mga kuwento patungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Dula- uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.

Maikling kuwento - uri ng panitikan na maiksing salaysay lamang tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa isang tao o mga tauhan na may iisang impresyon lamang

Parabula -ito ay uri ng panitikan na kung saan ang mga pangyayari ay hango sa bibliya at may moral na aral.


Kahirapan sa pilipinas
 Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa.


Pangunahing Sanhi ng Kahirapan sa Pilipinas"
Ang sapilitang pangingibang bayan ng mga Pilipino upang maghanap ng ikabububuhay ay naging parte na ng kultura.
 Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan. Dala ng labis na kahirapan ay ito ang naging siyang tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay.
"Ang salitang kapit sa patalim" ay maiuugnay dito. Dahilan sa ang paglisan sa sariling bayan at mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan.

Dahilan ng kahirapan sa Pilipinas:

KORAPSIYON: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan. Ito ay maituturing na kanser sa lipunan.

IMPERIALISMO: Ang pananakop ng ilang bansa noong mga nakaraang panahon tulad ng Espanya, Hapon at US na nagpahirap sa Pilipinas. Mga dayuhan na nag iwan ng mga mali o masamang impluwensiya at kultura sa bansa.

PYUDALISMO (FEUDALISM)
Ang pagmamay ari ng iilang mayayaman sa mga lupaing sakahan. Nang ipatupad ang Agrarian Reform program hindi ito lubusang naipatupad ng pamahalaan. Dahilan na ang nag mamay-ari ng malalaking lupaing sakahan ay pagmamay ari ng mga makapangyarihan sa lipunan at gobyerno.

kapabayaan ng likas na yaman ng bansa.
Ang pagputol ng mga puno na dahilan ng pagbaha (illegal logging), landslide at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at dagat, pag gamit ng mga nakakalasong paputok at maling paraan ng pangingisda na sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan upang unti-unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.

Kawalan ng paninindigan.
Kung magiging responsable lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.


"Epekto ng kahirapan sa pag aaral"

they have limited access to quality education available in the areas where they live and work

irregular or low family incomes cannot cover the costs of school enrollment, uniforms and school projects

once enrolled in school, a high proportion of these children are forced to drop out, especially as school expenses rise in later years.

Epekto ng kahirapan sa kalusugan“
They can be used as accessories in drug deals, robberies, swindling and extortion.
Children who spend many hours working on the street are more susceptible to respiratory infections, pneumonia and other illnesses, and face a high risk of injury or death from motor vehicles.
Some are even forced into child prostitution or other criminal activities

KARAPATANG PANTAO

KARAPATAN - -ay mga bagay na nararapat sa mga nilalang.

KARAPATANG PANTAO - ay pribilehiyo na ginagarantiyahan ng Saligang-batas ng Pilipinas.


1. KARAPATANG LIKAS-karapatang taglay ng isang mamamayan sa kanyang pagkasilang.

HALIMBAWA:
 1. Mabuhay
 2. Magkamit ng sariling pag-aari batay sa kanyang pangangailangang materyal.
 3. Kalayaan

2. KARAPATANG KONSTITUSYONAL Isinasabatas ng kongreso at hindi maaaring alisin dahil ito ay ginagarantiyahan ng Saligang-Batas ng Pilipinas.
Artikulo III (22 diskusyon)
KLASIPIKASYON / URI NG KARAPATANG KONSTITUSYONAL
1. Karapatang Pulitikal - Karapatang makilahok sa     mga gawaing pulitikal.

Halimbawa:
                                  Pagboto o Pakikilahok sa halalan.
                           Panunungkulang Pampulitikal
                           Pagkamamamayan

2. Karapatang Sibil - Pinahahalagahan ang mga ugnayang sosyal o pakikisalamuha ng tao sa kanyang      kapwa.   

Halimbawa:

Kalayaan sa Pananalita, Pagpapahayag, Mapayapang Pagtitipon at Paglalahad ng Karaingan.

Kalayaan sa Pagbabago ng Tirahan at sa Paglalakbay.

Pagtatatag ng asosasyon at unyon o mga kapisanang ang layunin ay hindi labag sa batas.

3. Karapatang Panlipunan at Pangkabuhayan - Isinusulong ang mga gawaing panlipunan at pangkabuhayan o may kinalaman sa hanapbuhay ng mga mamamayan.

Halimbawa:

1. Karapatan sa Pag-aari

2. Karapatan sa Pagkuha ng mga
 
  3. Pribadong Pag-aari

4. Karapatan sa dignidad na pantao, sa pagkakapantay-             pantay na panlipunan, pangkabuhayan, at     pangkalinangan

5. Karapatan sa Edukasyon sa lahat ng antas.

4. Karapatan ng Nasasakdal - Paggarantiya ng Saligang-Batas sa mga karapatang nararapat para sa isang taong nasasakdal.

Halimbawa:

1. Karapatang manahimik o magwalang kibo habang  sinisiyasat ang kanyang kaso.

2. Karapatan laban sa labis na pagpapahirap, dahas, pwersa, pananakit, pagbabanta o anumang makapipinsala sa kanyang malayang pagpapasya

3. Karapatang magpiyansa

4. Karapatan laban sa pagpapanagot sa pagkakasalang criminal na hindi sa kaparaanan ng batas.

5. Karapatang magmatuwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado.

Karapatang Batas

1. Nilikha rin ng kongreso

2. Naiiba ito dahil maari itong alisin, baguhin, limitahan, o palawakin ng mga mambabatas ayon sa pagkakataon.

5. Karapatang Pambata  - Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad

-Magkaroon ng tirahan at pamilyang mag-aaruga

-Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan

-Magkaroon ng sapat na edukasyon at mapaunlad ang aking kakayahan

-Mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at makapaglibang

-Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan

-Makapagpahayag ng sariling pananaw

(Convention on the Rights of the Child)
Ang Kasunduan Ukol sa Karapatan ng mga Bata ay isang pandaigdigang kasunduang ng mga bansa upang mabigyang proteksyn ang mga batang may 18 gulang pababa sa anumang bansa sa daigdig.

Ang mga karapatan ay nakagrupo sa apat na aspeto: Karapatang mabuhay, karapatang magtamasa ng kaunlaran, karapatang mabigyang proteksyon at Karapatan sa partisipasyon sa lipunan.

IBA PANG MGA KARAPATAN

Karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog o pagsamsam ng mga personal na ari-arian o dokumento.

Karapatan sa pagtatatag ng relihiyon o pananampalatayang iba kaysa sa umiiral o naitatag na

Kalayaan sa Pagdulog sa hukuman

Batas Ex post Facto – batas na maaaring magparusa sa sinumang nagkasala sa nakalipas na panahong hindi pa pinagtitibay ang nasabing batas na nagpaparusa sa nagawang kasalanan
Bill of Attainder -  ay ang pagpaparusa nang walang paglilitis ng hukuman

KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA SA SARILING KARAPATAN
Wastong kaalaman at paggamit o pagsasabuhay ng iyong mga karapatan.

-Paggalang sa karapatan ng iba

-Pagdulong sa tama o kinauukulan kung may mga paglabag sa sariling karapatan

-Commission on Human Rights /
Komisyon ng Karapatang Pantao


Pantao

Mga halimbawa:

1. DESAPARESIDOS  (L. Bautista, Nobela)

2. POETIKA/POLITIKA  (B. Lumbera , mga tula)

   3. KA AMADO (J. Reyes, Biograpiya)

4. PITONG SUNDANG: MGA TULA AT AWIT  (E. Acosta,)

5. DUGUANG LUPA (KM64 Poetry) 

Bienvenido Lumbera (born 1932). Ipinanganak sa Lipa, Batangas, naulila siya sa ama, wala pa syang isang taon dahil nahulog ang ama mula sa puno. Pagkaraan ng apat na taon, ang ina naman niya ay namatay sa sakit na kanser. Sa gulang na 5 taon, si Lumbera ay isang lubos na ulila. Kinupkop ng lola niya. Ngunit namatay ito sa katandaan pagkatapos ng WWII. Kinupkop siya at pinagaral ng kanyang ninong at ninang. Nagtapos siya ng Litt.B at MA sa University of Santo Tomas noong 1950 at Ph.D in Comparative Literature sa Indiana University noong 1968. Mataas ang aral kahit naulila sa murang gulang. Sobrang hindi nakakapagtakang maging life-changing or eye-opener ang kanyang akda.


“LUPA”
Bienvenido Lumbera
Sa Mendiola noon ang hiningi namin ay lupa,
Lupang sarili na mapagkukunan ng ikabubuhay
Ng aming mga anak at ng mga apong ibubunga nila.
Subalit nag-utos ang mga panginoong maylupa
At ang mga burukratang hawak nila,
At kami ay sinalubong ng teargas at bala.
Sa kalyeng pa-Malakanyang ang dugong sumabog
Ay ipinaubaya na lamang sipsipin ng haring araw
Na wlang pakialam sa tinatawag ninyong
"Hustisya sosyal."

Kayong nakatira sa mansiyon at nagtatayugang kondo,
Kayong sa supermarket at primera-klaseng restoran
Kumukuha ng kakanin sa araw-araw,
Usisain lamang kung para kanino ang hustisya,
Kung alin ang bayang lubusang nangangailangan
Ng katarungang panlipunan, at kanino ang tungkuling
Ipatupad ito sa ating lipunan.

Lupa kami sa inyong paningin,
Lupang kinamkam ninyo at tinituluhan,
Lupang tinamnan namin ng butil na sa inyo'y pampayaman.
Lupang kaming inyong tinatapak-tapakan sa parke at tabing-daan,
Lupang inyong dinuduraan pag nandidiri sa tambakan,
Lupa kaming ngayo'y sumisigaw:
"Nasaan, ang inyong katarungan?"

Alalahanin lamang, isang araw,
Isang mapulang araw,
Ang lakas namin ay mananalaytay
Sa bisig ng buong bayan,
At sa araw na iyon,
Kami ay lupang
Aalsang bundok
Ng bato at tiningkal,
Guguho, tatabon, magbabaon
Sa uring nagkait sa amin
Ng tinatawag ninyong
"Hustisya sosyal."

 Inialay ni Lumbera sa "mga magsasakang pinaslang noong at pinapaslang hanggang ngayon ng mga utusan ng naghaharing uri."Mga magsasakang pinatay sa Mendiola Massacre noong 1987 o yong Kidapawan Massacre noong Abril 2016 lang. Parang pinagtiyap: nangyari ang dalawang ito sa panahon ng Reynang Dilaw at ang anak nitong Prinsipe Dilaw

Mga Hakbang upang Mabigyang Proteksyon Laban sa Mga Paglabag sa Krapatang Pantao

1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman
-kapag nalabag ang iyong Karapatan maaring magsimulang dumulog sa katarungang pambaranggay lalo na kapag ang uri ng paglabag ay sakop nito.kapag hindi sakop, ang kaso ay ipapasa sa tamang hukuman. May mga libreng abogado ang Kagawaran ng Katarungan, ang Komisyon sa Karapatang Pantao, at iba pang institusyon na maaaring makatulong sa pagsasampa at paglilitis  ng kaso.
Ang Kagawaan ng Paggawa at Empleto ay tumutulong naman sa mga manggagawa hinggil sa paglabag ng kanilang karapatang may kinalaman sa paggawa.
Komisyon ng Karapatang Pantao at Public Attorney’s Office ng Kagawaran ng Katarungan ay nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga Pilipinong mahihirap.


2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice)

-kapag ang mga kaso ay patungkol na sa mga alitan ng tao galling sa ibat ibang nasyonalidad o alitan ng mga bansa, ito ay idinudulog sa Pandaigdigang Hukumang Pangkatarunagn. Nililitis nila ang mga kaso na nagiging sagabal sa pagsusulong ng karapatang pantao.

3. Edukasyon para sa karapatang pantao
-ito ang isa sa pinakamahusay na paraan upang hindi malabag ang karapatang pantao. Ang pag alam sa ibat ibang Karapatan ng tao, maging ang mga paglabag, ay malaking tulong upang maging mapayapa ang ating lipunan. Ang pag-aaral ng ating Karapatan ay siyang magmumulat ng ating kaisipan upang ito ay isabuhay.

4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
-mahalagang hindi huminto ang pag-aaral ng karapatang pantao sa pagsasaulo lamang ng mga probisyon ng mga batas. Ang pagsasabuhay ng mga natutuhan sa pang-araw-araw na pamumuhay ay isang hamon sa pagsusulong natin ng karapatang pantao. Ito ang tunay na pagkilos upang mapigililan ang paglabag sa ating arapatan at sa karapatan ng iba.

MGA IBAT IBANG ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
1. Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao
-pisikal na paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na pangangatawan.
Halimbawa ay ang : Pambubugbog ,Pagkitil ng buhay at Pagputol sa anumang parte ng katawan.

2. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang  Pantao

-ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao at ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob ang isang tao at bumababa din ang pagtingin sa sarili.

Istruktural
ang istruktural na paglabag ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan, mababa ang kanyang kalagayan sa lipunan at wala siyang kapangyarihang magdesisyon para sa sarili, sa pamilya, sa pamayanan, sa bansa at sa daigdig.

Panitikang Hinggil sa mga Isyung pang Manggagawa, Mangsasaka, at Pambansa
Manggagawa
-         Sila ang nagbibigay ng mga ideya upang maging malikhain ang isang produkto at gawing kapakipakinabang ang mga ito sa buhay ng tao.
.Naglilinang ng mga hilaw na materyales o yamang likas.
.Nagpapaandar at gumagamit ng mga makinarya at maka bagong teknolohiya.
.Makalikha ng mga produktong kailangan ng bansa.

Dalawang Klasipikasyon ng Manggagawa
1. Manggagawang Pisikal
2. Manggawang Mental

Manggawang Pisikal (Blue Collar Job) - ay inuuri bilang unskilled, semi-skilled, at skilled. Ito ang tinatawag na blue collar job na tumutukoy sa Gawain ng mga manggagawang mas higit na ginagamit ang kanilang lakas pisikal at inerhiya sa paglikha ng produkto at serbisyo.
(Ang mga welders, drivers, plumbers, janitors at iba pa ay ilan sa halimbawa ng mga manggawa ng blue collar job.)

Manggagawang Mental (White Collar Job) – ang gawain ng manggagawa na mas ginagamit ang mental na kapasidad at kaisipan ay nabibilang sa white collar job.
(Ang superbisor, manedyer, doctor, nars, guro at iba pang propesyonal ay kabilang sa white collar job.)
Karl Marx “Ama ng komunismo” (Mayo 5, 1818- Marso 14, 1883)- “Ang mga manggagawa ang mga tunay na PRODYUSER ng bansa”

Kahalagahan ng Manggagawa
-         Ang bawat bansa ay nangangailangan ng mga manggagawang magbibigay serbisyo upang magawa ang mga bagay na kailangan ng tao.
Isyung Pangmanggagawa
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng:
A. Mababang pasahod
B. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya
C. ‘Job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch’
D. Iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa
E. Mura at flexible labor
F.         Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan
G. Ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal.
 Globalisyasyon
       Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t-ibang larangan dulot ng globalisyasyon. Mas naging bukas ang mga bansa sa iba’t-ibang oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.

Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:

A. Una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
B. Pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigan pamilihan.
C. Pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
D. Pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

Bansang Agrikultural

       Ang Pilipinas ay isang bansang agricultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang agrikultura. Malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sector na ito ng ekonomiya.

       Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sector ng agrikultura. Ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sector ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksyon.

Magsasaka
Ang magsasaka o magbubukid ay isang taong nagtatanim at nagpapatubo ng mga pananim at nag-aalaga ng mga hayop at nabubuhay na mga organismong gagamitin bilang pagkain at bilang hilaw na mga materyales. Isa itong karaniwang hanap-buhay para sa mga tao magbuhat na magsimula o magkaroon ng kabihasan.

Sagana sa yaman ang lupa ng Pilipinas. Ang sektor ng pagsasaka, pati na ang pamamalakaya, ang sumusustena sa pagkain ng malaking populasyon ng bansa. Mabubungkal ang katotohanang kung sino pa ang nagtatanim ng ating makakain ay sila pa ang kadalasang nakabaon sa kahirapan.

Isyung Pangmagsasaka

Sa harap ng mga hamon na ito, ang mga magsasaka ay nahaharap din sa mga problema.

1. Problema sa panahon- pag-ulan ng sobra, malulunod sa baha ang pananim at kapag kulang, tuyot naman ang pananim. Kailangang maging wais ang mga magsasaka—kailangang matibay ang kanilang pananim sa hamon panahon at akma sa klima.

2. Problema sa sariling pananim- sa uulutin, kailangang wais ang magsasaka. Pest-resistant dapat ang kanyang pananim. Kung gagamit naman ang magsasaka ng pesticide, problema naman ito sa kanyang kalusugan, Cancer minsan ang katapat nito, hindi lamang sa kanya kundi sa iba pa.

3. Problema sa kapital-  nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakakaahon. Problema rin ng mga mangsasaka ang gastos sa punla, pesticide, lupa at iba pa na kinakailangan upang maitaas ang kanyang kita.

4. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya-  sa panahon ngayon “high tech” na lahat ng bagay dahil na rin sa tulong ng siyensya, kaya’y dapat ang ating mga manggagawa sa agrikultura ay makipagsabayan na rin sa pagbabagong nararanasan ng buong mundo. Gamit ang makabgong kagamitan at teknolohiya mabilis na magagawa at makakapag produce ng produkto ang ating agrikultura at mapapabilis din ang serbisyong ibabahagi ng manggagawa.

5. Kakulangan sa pasilidad at istruktura- kakulangan sa pasilidad at istruktura na tutulong sa agrikultura upang mapabilis ang pag-unlad nito. Halimbawa, maraming lugar ang kulang ang suplay ng patubig lalo na sa panahon ng tagtuyot dahil dito kinakailangan ng mahusay na sistema ng irigasyon o patubig. Kailangan din ng mga daanan na magpapabilis ng daloy ng mga kalakal at produkto mula sa bukid patungo sa pamilihan. Ito rin ay mahalaga upang mababa ang gastos ng mga magsasaka sa pagpapadala ng kanilang mga produkto sa pamilihan. Ang mga pasilidad para sa pagpapatuyo at pagpoproseso ng butil at maayos na imbakan ng mga produkto ay mahalaga rin.

6. Presyong Agrikultura- masyadong mababa para sa pagod at serbisyong ginagawa ng magsasaka. Dapat ay magtakda ng sapat at tamang presyo sa mga produktong agrikultura upang mas ganahang gumalaw ang ating mga manggagawa sa agrikultura at mas Malaki ang kitang matatanggap na makakatulong din para mas mapaunlad pa ang ating ekonomiya.

7.Pagkaubos ng likas na yaman- mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan ng mga hilaw na materyales sa paggawa. Isa na rito ang mga troso at mineral, dahil dito kumokonti ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya. Nagiging sanhi ito ng pagbaha na sumisira sa libu-libong ektaryang pananim taon-taon. Naapektuhan din ang pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot rin ng erosion ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw kasama ang sustansya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinanim dito.

8. Problema sa Lupain- Ang hindi pantay-pantay na pagmamay-ari ng lupang pansakahan. Nananatiling suliranin ng ating bansa at ng mga magsasaka ang sistema ng pagmamay-ari ng mga lupain. Malaking bahagdan ng mga lupain ay nasa kamay parin ng mga panginoong may lupa. Bagamat may repormang pansakahang pinaiiral ang pamahalaan, nananatiling maliit ang porsyento ng mga magsasaka na nagmamay-ari ng lupa, dahil dito hindi nahihikayat ang mga magsasaka napag-ibayuhin ang pagsasaka upang tumaas ang produksyon.

Pambansa
-         Ang pambansa ay natatanging kinakatawan ng pambansang pagkilanlan ng isang lahi o bansa.
Isyung Pambansa
1. K+12
-Kahit na pormal nang sinimulan ang K+12, marami pa ring mga mamamayan- mapa magulang, guro, o estyudante man ang diskumpyado samu’t saring reaksyon ang maririnig mula sa mga social-networking sites, telebisyon, radio, at pahayagan simula nang una itong ipinahayag sa publiko.

2. Ipinagbabawal na gamot
-May kinalaman sa suliranin sa pamilya.
-Kung minsan ay impluwensiya rin ng barkada.
-Nakakasagabal sa kaunlaran ng bansa.
-Maaaring maging dahilan ng mga karumal-dumal na krimen.
-Noong 2006, ayon sa State Department ng US, ang Pilipinas ay paraiso ng mga nagpupuslit ng droga.

3. Kahirapan
-Noong 2003, 24.7% o 1 sa 4 na pamilyang Pilipino ang mahirap.
-Kaakibat nito ang suliranin ng maraming Pilipino ang walang hanapbuhay.
-Noong 2003 pa rin, 5 milyon ang child laborers at 1.5 milyon ang mga batang-lansangan. Tinataya itong tataas ng 6,395 kada taon.

4. Polusyon
-Zero Dissolved Oxygen sa mga ilog.
-Emotional Stress dahil sa malalakas na ingay.
-Pagasira ng ozone layer.

5. Kalusugan
-Batay sa Philippine Statistical yearbook noong 2003, ang ratio ay:

>1 ospital: 113,040 tao
>1 doktor: 24,417 tao
>1 nars: 22,309 tao
>1 dentista: 578,124 tao
>1 midwife: 722, 654

6. Seguridad at Katahimikan
-Mga teroristang grupo tulad ng CPP-NPa, Abu Sayyaf, MNLF, MILF at BIFF.

-Mga kidnap-for-ransom gangs
-Maliliit na krimen kagaya ng snatching. Theft at robbery.
-Mga karumal-dumal na krimen kagaya ng rape, murder, physical injuries.
-Ayon sa programang Reporter’s Notebook, may 1 krimen ang nagaganap sa bawat 7 minuto. Katumbas ito ng 200 krimen araw-araw.
-Ang ratio ng pulis sa mga tao ay 100,000: 80 milyon 0 1 pulis sa bawat 800 na tao.

7. Pagkakautang ng Bansa
-Sa kasalukuyan naman ay umaabot sa 1.75 trilyon pesos ang kabuuang utang panlabas ng bansa.

-2.18 trilyon pesos naman ang domestikong utang.
-Sa kabuuan aabot sa 3.6 trilyon pesos ang utang ng Pilipinas.

8. Katiwalian at Pandaraya sa Pamahalaan

-Panunuhol o bribary
-Pangingikil o extortion
-Paglustay o embezzlement
-Pagtanggap ng kickback








“Manggagawa”
(Jose Corazon de Jesus)

Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday
Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan;
Mga apoy ng pawis mong sa Bakal
ay kumikinang
Tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral
Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw,
Nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw,
Si puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang,
kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan
Mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw
Hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal
Pagkat ikaw ang yumari nitong buong kabihasnan…..
Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal,
Dinadala mo ang lahi sa 
luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan,
at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.





”Ang Magsasaka”
(Julian Cruz Balmaceda)
Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang
Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.

Iyong isinabog ang binhi sa lupa
Na ikalulunas ng iyong dalita;
Tag-ani’y dumating sa dili-kawasa
Lahat ng hirap mo’y nabihis ng tuwa.

Anupa’t ang bawat butil
Ng bigas na naging kanin
Sa isip at diwa nami’y
May aral na itinanim.

Iya’y tunay na larawan
Ng lahat mong kapaguran
Bawat butil na masayang
Ay pintig ng iyong buhay.

Kaya nga’t sa aming puso’t dilidili,
Nakintal ang isang ginintuang sabi;
Sa lahat at bawat bayaning lalaki
Ikaw, magsasaka, ang lalong bayani.