Komunikasyong sa Akademikong Filipino


Komunikasyong sa Akademikong Filipino
·         Makrong Kasanayan
1.       Pagbasa

Antas ng Pang-unawa
1.       Literal
2.       Interpretativ
3.       Kritikal
4.       Apresyativ/Aplikasyon

Uri ng Pagbasa
1.       Scanning
2.       Skimming
3.       Previewing
4.       Kaswal
5.       Pagkuha ng impormasyon

2.       Pagsulat
3.       Pakikinig
Uri ng Pakikinig
1.       Pasiv
2.       Atentiv
3.       Analitikal
4.       Kritikal
5.       Apresyativ
4.       Pagsasalita
5.       Panonood- Bago!

Barayti ng wika
1.       Dayalek
2.       Idyolek
3.       Sosyolek
Antas ng Wika
1.       Pormal : (a) Pambansa (b) Panliteratura
2.       Impormal: (a) lalawiganin (b) kolokyal (c)balbal  (d) bawal o bulgar

Berbal na komunikasyon- Usapan
Di-berbal- di gagamitan ng salitaan
Uri ng di berbal na komunikasyon

1.       Proxemics- distansya
2.       Chronemics- Oras
3.       Oculesics- paningin
4.       Haptics- haplos
5.       Kinesics- galaw ng katawan
6.       Objectics- gamit
7.       Vocalics- tono
8.       Iconics- simbolo


PANGUNAHING BATAS PANGWIKA
SB 1935 Art. 14- gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang katutubo.
Proklama blg. 12- Linggo ng wika mula Marso 29-abril 4 alinsunod sa kaarawan ni Balagtas.
Proklama blg. 186- Linggo ng wika mula agosto 13-19 alinsunod sa kaarawan ni Quezon.
Proklama blg. 1041- Buwan ng wika ang buong Agosto (Pang. Ramos)
Sirkular 21- Awitin ang Lupang Hinirang sa mga paaralan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 7- PILIPINO ang wikang pambansa.
Kautusang Pangkagawaran blg. 25- Edukasyong Bilinggwal sa panahon ni Pang. Aquino
SB 1987 Art. 14 Sek. 6-9 – FILIPINO ang wikang pambansa
Kautusang tagapagpalaganap blg. 343- Panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas.
Pangkalahatang Layunin ng pagtuturo ng Filipino
1.       Kakayahang komunikatibo
2.       Kakayahang Linggwistika

A.      Ponolohiya/Palatunugan- Pag-aaral ng Tunog.
Ponema-pinakamaliit na yunit ng tunog. Ang isang tunog kung ito ay nakakabuo ng bagong kahulugan.
Ponetiko naman kung hindi ito nagdudulot ng bagong kahulugan.
Halimbawa:
Babae-Babai (Ponetiko)
Basa-Baso (Ponema)
Ito ay nahahati sa dalawa:
1.       Ponemang Segmental
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

 Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

1. Diptonggo – alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy.
Halimbawa:
                Sayaw                   giliw                       langoy                   aruy

2. Klaster o Kambal Katinig – magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.
                Halimbawa:
                Klaster sa unahan                            trabaho                                plano     braso
                Klaster sa hulihan                             kard                       nars       relaks

Pares Minimal – pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon
                Halimbawa:

                                Pala – bala
                Pana – mana
                Patas- batas

Ponemang Malayang Nagpapalitan – magkaibang ponemang matatagpuan  sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.
                Totoo – tutoo
                Noon – nuon
2.       Ponemang Suprasegmental
Intonasyon- Tono ng pagsasalita
                Kumain ka na? ; Kumain ka na.
Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.
Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
                        1.  Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
                        2.  Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/siya.
Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
Halimbawa:
1.         Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa kaibigan mo.)
2.         Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
3.         Magalis (puno ng galis)
            mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.  Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
Halimbawa:
a.         /asoh/ - usok
            /a:soh/ - isang uri ng hayop
b.         /pitoh/ - bilang na 7
            /pi:toh/ - silbato


B. MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng salita na may kahuluguhan.
Anyo ng Morpema:
1.       Morpemang panlapi
2.       Morpemang salitang ugat
3.       Morpemang ponema
May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:
  1. payak - salitang-ugat Hal. Bato, lasa, kain, punta
  2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi.  Hal. Nagpunta,  Kumain, Nilangoy
  3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit. Hal. Araw-araw, sino-sino
  4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan. Hal. bahag-hari, utak-talangka
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
1 1. ASIMILASYON- pagbabagong naganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito.
A. Parsyal- Ang pagbabago ay nasa panlaping “pang-” lamang.
d.l.r,s,t                              b, o p                                     k,g,h, m, n, ng,w, y
Hal.
Pang+ dikdik             pang + bayan                                    pang + gabi
=Pandikdik               =pambayan                                        =panggabi
B.       Ganap- Ang pagbabago ay nasa panlaping “pang-” at nawawala ang unang titik ng salitang nilapian. Tandaan ganoon pa rin ang tuntunin gaya ng sa parsyal.
D,l,r,st
Pang+ sukli= pansukli=panukli
B o P
Pang+palo= Pampalo= pamalo

2. METATESIS – kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa /l/ o / y/ ay ginitlapian ng (-in) ang /l/ o /y/  ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi aynagkakapalit ng posisyon.
Hal.
-In  + lipad =  linipad = nilipad
– in + yaya  = yinaya =  niyaya
3. PAGKAKALTAS NG PONEMA –.  Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Hal.
Takip + -an = takipan = takpan
Sara + -han= sarahan = sarhan


4. PAGLILIPAT- DIIN- may mga salitang nababago ng diin kapag nilapian.
Hal.
Laro (play) + an= LaruAN (Toy) o LaRUan (play ground)
5. MAY ANGKOP – kung sa dalawang salitang magkasunod ang una’y nababawasan ng papungo o pakutad at kung minsa pay napapalitan ng isa o ilang titik sa loob bago napipisan sa dalawang salita sa isa na lamang.
Hal.
Wikain mo                              kamo
Hayaan mo                             hamo

6. PAGPAPALIT NG PONEMA-  kung ang isa o dalawang titik ng salita ay napapalitan ng iba bukod sa kung nagkakaltas o nagsusudlong.Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.

Hal.
D-R
Ma + dapat = madapat                           marapat
Ma + dunong = madunong                     marunong

H-N
Tawa+ han= Tawanan
7. MAYSUDLONG o PAGDARAGDAG NG PONEMA – kung bukod sa may hulapi na ang salitang pinapandiwa, ito ay sinusudlunagn o dinaragdagan pa ng isa pang hulapi.        /-an/, -/han/,/ -in/, /-hin/,/-an/, o /–anan/

Hal.
Antabayanan, antayan
Muntik- muntikanan, pagmuntikan, pagmuntikanan

PALAUGNAYAN (SINTAKS)
Sa linggwistika, ang palaugnayan, sintaksis o sintaks ay ang sangay ng balarila na tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga parirala at pangungusap.

Pangungusap- Nagpapahayag ng isang buong diwa.
Parirala- Isang pahayag na hindi buo ang diwa
Simuno-paksa o pinag-uusapan
Panag-uri- Nagsasabi ng tungkol sa paksa
Sugnay na makapag-iisa- katumbas ng isang pangungusap
Sugnay na di makapag-iisa- di buo ang diwa
Mga ayos ng pangungusap
1.       Karaniwang ayos- Una ang panag-uri sunod ay simuno
Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Juan.
2.       Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.
Halimbawa: Si Juan ay bumili ng bagong sasakyan.
Uri ng mga pangungusap
Ayon sa pangungusap na walang paksa
  • Eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon.
  • Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun!
  • Mga sambitla – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray!
  • Mga pangungusap na pamanahon (Penomenal)  – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Maaga pa.
  • Mga pormulasyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino. Halimbawa: Magandang umaga po.
  • Mga pangungusap na sagot lamang - sagot sa mga tanong na hindi na kailangan ng paksa. Halimbawa: T:Sino siya? S:Kaibigan.
  • Mga pangungusap na Pautos/Pakiusap - Ang pangungusap na pautos ay nag-uutos o nakikiusap. Gumagamit ito ng salitang paki ang pakiusap. Halimbawa: Pakidala.
  • Modal- nangangahulugan ng nais/gusto/pwede/maaari. Hal. Gusto kong matulog.
  • Temporal- nagsasaad ng mga kalagayan o panahon na panandalian lamang. Hal. Alas dos na. Tag-ulan na. Pasko na naman.
Ayon sa kayarian
Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri.
  • Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
  • Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan.
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Ang mga pangatnig na kadalasang gamit ay: at, subalit, ngunit at datapwat.
  • Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandang proyekto para sa mga kabataan sa kanyang pook.
  • Lumaking mabuti si Minda ngunit inabuso siya ng mga tao sa bayan.
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa. Ang mga pangatnig na kadalasang nangunguna sa mga pahayag ay: kung, dahil sa
  • Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
  • Dahil sa malakas na ulan, bumaha sa bayan.
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa. Kadalasan ay mahahaba ang mga ganitong pangungusap.
  • Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
  • Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
Ayon sa gamit
  • Pasalaysay o Paturol: Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(.)
  • Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.
  • Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.
  • Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa,pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa.
Ang Sugnay ay bahagi ng mga salita pangungusap na buo ang diwa. Maroong itong dalawang uri, ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di mag-iisa.

a.        Sugnay na makapag-iisa - ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.
Hal. Masaya ang mga bata.

b. Sugnay na di makapag-iisa - mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng ipnahahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapag-iisa upang mabuo ang diwa.
Hal. Dahil sila ay nakakuha ng mataas na marka.

BAHAGI NG PANANALITA
Pangngalan - (noun) mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, atbp.
Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae

                        Pantangi – pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari
                Halimbawa:
                                Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay

                        Pambalana – pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.
                Halimbawa:
                Lungsod, baybayin, pook, bayan
Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto
1)      Basal – pangngalang tumutukoy hindi sa material kundi sa diwa o kaisipan
                Halimbawa:
                Kagandahan, bui, kasamaan, pag-asa
2)      Tahas- pangngalang tumutukoy sa bagay na material
                Halimbawa:
                Tao, hayop, pagkain, gamit, bulaklak
3)      Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay
                Halimbawa:
                Buwig, kumpol, tumpok, hukbo, lahi

Panghalip - (pronoun) paghalili sa pangngalan.
Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

Mga Uri ng Panghalip 

1. Panghalip na Panao  (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan, tulad ng  - ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya, kanya

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.

Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire   ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
-dito  ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap
-iyan   ( Iyan ang libro ko.)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap
-iyon  (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-doon (Doon tayo kumain.)

3.       Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad ng - lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

a. Isa  (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa  (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
C. Nagulat ang lahat sa naganap na pagsabog.

4. Panghalip na Patulad  – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganito/Ganire ;/-ang paggawa niyan.
Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.
Ganoon -  Malayo sa nag-uusap
Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog

5.Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.

Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang umutot?
 b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)
Ano ang laman ng kahon?
Alin dito ang sa iyo?
c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin?

6. Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala ng tagapag -ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw,raw,umano,diumano,ani,sa ganang akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.

Pandiwa - (verb) bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos.
Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

Aspekto ng Pandiwa
1.      Perpektibo
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa:
Nabatid mo ba ang tungkulin at pananagutan mo sa ating bansa?
2.      Imperpektibo
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimulan na ngunit ipinagpapatuloy pa rin.
Halimbawa:
Kailangang gisingin an gating kamalayan sa nagaganap  sa ating paligid.
3.      Kontemplatibo
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa lamang.
Halimbawa:
Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng makabuluhang pamumuhay kung maging tapat ka sa iyong sarili.
4.Ka-pandiwa- Kilos na katatapos lang gawin. Hal. Kaliligo.

Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tumutukoy sa ugnayan ng pandiwa at paksa o simuno.
1.      Pokus sa actor o tagaganap. 
Ang gumaganap ng kilos ang simuno.
Halimbawa:
Humihitit ka na naman.
2.      Pokus sa layon o goal. 
Tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Tinatakpan nito ang lahat ng daanang hangin n gating katawan.
3.      Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan. 
Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ang simuno.
Halimbawa:
Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong sa paninigarilyo.
4.      Pokus sa ganapan o lokatib na pokus. 
Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Ang tindahang binibilihan mo ng sigarilyo ay nagsara.
5.      Instrumental o pananangkapan na pokus. 
Ang instrumento ang simuno sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipinang-alis niya ng bisyong paninigarilyo ang pagsipsip ng kendi o pagkain ng tsokolate.
6.      Kawsatibong pokus. 
Ang dahilan o sanhi ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga.
7.      Pokus resiprokal. 
Ang resiprokal ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Pinakiusapan siya ng nanay mo na makipagtulungan sa proyekto ng Kagawaran ng Kalusugan, ang “Yosi, kadiri.”

Kaganapan ng Pandiwa - ang tawag sa bahagi ng panaguri na binubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa (Ugnayan ng Pandiwa at Panaguri)

1. Kaganapang Tagaganap– bahagi ito ng panaguri na gumaganapsa kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng kalayaan ng bansa.
2. Kaganapang Layon– bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
 Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sa pagdating ng mga panauhin.
3. Kaganapang Tagatanggap– bahagi ng panaguri nanagpapahayag kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ngpandiwa.
Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mgabiktima ng sunog.
4. Kaganapang Ganapan– bahagi ng panaguri na nagsasaad nglugar na siyang pinaggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa
Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
5. Kaganapang Kagamitan– bahagi ng panaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa angkilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
6. Kaganapang Direksyunal- bahagi ng panaguri na nagsasaad ngdireksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw. 
7. Kaganapang Sanhi– bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilanng pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.

Pang-uri (adjective) - naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip.
Kayarian ng pang-uri
  • Payak - Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda,
  • Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-,
  • Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
  • Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
Uri ng pang-uri
  • Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
  • Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
    • Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay, hayop, lugar at gawain. May panlapi itong ika- o pang-.
  • Pantangi-sinasabi ang tiyak na pangngalan.
    • Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
    • Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
    • Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
Kaantasan ng pang-uri
  • Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan.
  • Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
  • Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan
Pang-abay- (adverb) naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
          Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang

          Halimbawa
          Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
          Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.

Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.

Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.

Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.
7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.

Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan

-  Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino
            ba                           daw/raw                          pala                              man
            kasi                        din/rin                              tuloy                              muna
            kaya                       naman                             nga                                pa
            na                           yata                                lamang/lang                
            sana

10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa

-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka

11. Pang-abay na kawsatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa

- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.

13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol

Pangatnig- (conjunction) ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng, upang, nang, para, samantala atbp.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o niloloob.
Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Dong na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.
3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang bagay o isipan.
Halimbawa:Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.
4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga nasabi na.
Halimbawa: Sumisigaw ang kanyang pusoat humihingi ng katarungan.
Pangatnig na panimbang din ang tawag sa at, ngunit, datapwat sapagkat nag-uugnay ng mga salitang magkakapantay; ng mga parirala, ng mga sugnay na pantulong, at ng mga sugnay na nakapag-iisa. Panlinaw rin ang mga pangatnig na samakatuwid, kung gayon, kaya.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.
Halimbawa:Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.
6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.
Halimbawa:At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.
7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.
Halimbawa:Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.
8. Panibang- Nagpapahayag ng pagkakatulad o parehas.
Halimbawa: Si Aida o si Lorna ay maaaring magluto ng ulam.
Pang-ukol - (preposition) ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

Pang-angkop - (ligature) bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

Pantukoy - (article o determiner) tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri sa pangungusap
Pangawing - (linker) nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
_____________________________________________________________________________________________

Panitikan
Tuluyan- Nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
Patula- nasusulat ng pataludtod.


Elemento ng maikling kwento
Tauhan- Nagbibigay kulay sa kwento
a.        Protagonista (Bida) vs. Antagonista (Kontrabida)
b.       Tauhang Bilog (nagbabago) vs. Tauhang Lapad (Di-nagbabago)
Tagpuan- Lugar o panahon sa kwento.
Banghay- Pagkakasunod-sunod ng mga kaganapan
·         Simula- Suliranin/Tumitinding galaw-Kasukdulan-kakalasan-wakas/konklusyon
Idyoma- Malayo ang kahulugan sa mga salitang ginamit
Alog na ang baba- matanda na
Nagbibilang ng poste- walang trabaho o naghahanap ng trabaho
Mahabang dulang- magpapakasal
Naniningalang pugad- nanliligaw

TAYUTAY
A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile)  nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo, kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.  Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon  - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa  delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto o kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walong bibig ang umasa kay Romeo.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.

Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.


C. PAGSASALIN NG KATANGIAN
1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.



D. PAGSASATUNOG
1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.
Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.
Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nga!
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?

Iba pang tayutay na gamit sa Tula

Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho. A. Asonansya B. konsonansya
Anadiplosis- Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay
Anapora- Pag-uulit ng magkakatulad na simula.
Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin. – Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa tagyawat.
Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.