IBA'T IBANG PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO

             Sinaunang Panahon

  • May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito.
  • Alibata ang kadalasang ginagamit.
  • Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat.

Mga uri ng Panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:

1.     Alamat

2.     Kwentong Bayan

3.     Mga Awiting Bayan

4.     Epiko

a.      Bidasari – Moro

b.     Biag ni Lam-ang – Iloko

c.      Maragtas – Bisaya

d.      Haraya – Bisaya

e.      Lagda – Bisaya

f.       Kumintang – Tagalog

g.     Hari sa Bukid - Bisaya

5.     Karunungan Bayan

a.      Salawikain - nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
 Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
         

b.     Sawikain - mga kasabihang walang natatagong kahulugan
 Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

         

c.      Bugtong - maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.
Halimbawa: Isang tabo , laman ay pako. (langka)



Pananakop ng Mga Kastila:

 

Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:

1.     Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata

2.     Naituro ang Doctrina Cristiana

3.     Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila

4.     Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.

5.     Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain

6.     Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at Bisaya 

7.     Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda



Mga Unang Aklat:

a.      Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva

b.     Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose

c.      Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja

d.     Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen, Anecito de la Merced at Luis de Guia)

e.      Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)


Mga Akdang Pangwika:

a.      Arte Y Reglas de la Lengua Tagala

b.     Compendio de la lengua Tagala

c.      Vocabulario de la Lengua Tagala

d.     Vocabulario de la Lengua Pampango

e.      Vocabulario de la Lengua Bisaya

f.       Arte de la Lengua Bicolana

g.     Arte de la Lengua Iloka

 

Mga Dulang Panlibangan

1.     Tibag

2.     Lagaylay

3.     Sinakulo

4.     Panubong

5.     Karilyo

6.     Moro-moro

7.     duplo

8.     kurido

9.     saynete

10.  karagatan

11. sarswela

 

Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)

  • Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan.
  • Pagpasok ng diwang liberalismo.

Mga Propagandista:

a.      Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (“Noli at El Fili)

b.     Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan

c.      Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)

d.     Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)

 

Panahon ng Amerikano

1.     Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano

2.     Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula, kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.

3.     Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat

4.     Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles

5.     Pinatigil ang mga dulang may temang Makabayan

6.     Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway

7.     Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate

8.     Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas



Mga Pahayagan:

1.     El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)

2.     El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)

3.     El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)

 

Mga Dulang Pinatigil:

1.     Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino

2.     Tanikalang Ginto – Juan Abad

3.     Walang Sugat – Severino Reyes

 

Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat:

1.     Cecelio Apostol

2.     Fernando Ma. Guerrero

3.     Jesus Balmori

4.     Manuel Bernabe Manalang

5.     Claro M. Recto

 

Ilang kilalang manunulat sa Wikang Tagalog:

1.     Lope K. Santos

2.     Jose Corazon de Jesus

3.     Florentino Collante

4.     Amado V. Hernadez

5.     Valeriano Hernandez Pena

6.     Inigo Ed Regalado

Panahon ng Hapon

1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan.
2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang tagalog.
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles.
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan.
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan.
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat.

 

Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon

1.     Haiku

2.     Tanaga

3.     Karaniwang Anyo

 

Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon

a.      Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez

b.     Sa Pula sa Puti --- Francisco Soc. Rodrigo

c.      Bulaga - ni Clodualdo del Mundo

d.     “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales

 

Ilang Mahusay na Maikling Kwento

a.      Lupang Tinubuan - Narciso Reyes

b.     Uhaw ang Tigang na Lupa - Liwayway Arceo

c.      Lunsod Nayon at Dagat-dagatan - NVM Gonzales

 

Bagong Kalayaan (1945 - 1972)

  • Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas.
  • Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng pamumuhay noon atbp.
  • Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera.
  • Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950.
  • Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng Surian ng Wikang Pambansa.
  • Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo.
  • Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay, Ilang-ilang atbp.

 

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino:

  • Taliba ng Inang Wika (TANIW)
  • Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
  • Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)
  • Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:
  • Philippine Writers Association
  • Dramatic Philippines
  • Philippine Educational Theater Association (PETA)
  • Arena Theater
  • Barangay Writer’s Guild

Batas Militar 1972 – 1986

  • 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos.
  • Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan.
  • Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972.
  • Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan.
  • Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan, aklat at mga iba pang babasahing panlipunan).

 

Kasalukuyang Panahon

 

  • Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino.
  • Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika.
  • Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling bernakyular.
  • Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat.
  • Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham.
  • Malayo na rin ang naaabot ng media.
  • Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit.
  • Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin.

 

Jose P. Rizal (1861-1896) 

Naipalimbag niya sa Berlin ang nobelang Noli Me Tangere (1887). Noong 1890, tinapos niya ang ikalawang nobela, ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium. Gumamit si Rizal ng mga sagisag na “Dimas-Alang” at “Laong-Laan”. Si Rizal ay nakapagsasalita ng dalawampu’t dalawang wika.


Marcelo H. del Pilar 

Bilang pangunahing pinuno ng Kilusang Propaganda, ipinakita niya kaagad ang pagtutol sa mga pamamalakad ng mga Kastila. Lantad ang gayon niyang damdamin sa pahayagang Diariong Tagalog, na itinatag at pinamatnugutan niya noong 1882. Noong Nobyembre 15, 1889, napasalin sa kanya ang pagiging patnugot ng La Solidaridad. Gumamit siya ng mga sagisag tulad ng “Dolores Manapat”, “Piping Dilat”, “Maitalaga”, “Kupang”, “Carmelo”, “L.O. Crame” at “Pupdoh”.

 

a.      Mga Akda ni Marcelo H. del Pilar:
1. “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” – salin ng tulang “Amor Patrio” ni Rizal.
2. Caiigat Cayo (1888)
3. Dasalan at Tocsohan (1888)
4. Ang Kadakilaan ng Dios
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas (1889)
6. Dupluhan…Dalit…mga Bugtong…


Graciano Lopez Jaena (1856-1896) 

Itinatag niya sa Espanya ang Circulo Hispano-Filipino; sumulat ng mga ulat para sa Circulo. Noong 1889, itinatag niya ang La Solidaridad at naging unang patnugot nito. Nang mapalipat kay M. del Pilar ang tungkulin ng patnugot, naging manunulat na lamang siya ng pahayagan. Nagkubli siya sa pangalang “Diego Laura”. Sa kanyang panahon, higit siyang kinilalang orador kaysa manunulat. Sinulat niya ang FrayBotod, isang maikling nobelang mapang-uyam na naglalarawan sa “kasibaan ng mga prayle”. Ang FrayBotod ay prayleng napakalakas kumain.

 

Mariano Ponce (1863-1899) 

Gumamit ng mga sagisag na “Naning”, “Tikbalang”, “Kalipulako”. Kabilang sa mga akda niya ang “Mga Alamat ng Bulakan”, at ang dulang “Pagpugot kay Longino”.




Antonio Luna (1866-1899) 

Parmasyutikong gumamit ng sagisag na Taga-ilog sa kanyang pag-akda. Marami siyang naiambag sa La Solidaridad. Kabilang sa mga akda niya ang “Noche Buena”, “La Tertulia Filipina”, “La Maestra de Mi Pueblo” at ang “Impresiones”.


Pedro A. Paterno (1858-1911) 

May-akda ng Ninay isang nobelang sosyolohiko. Ito ang unang nobelang sinulat sa Kastila ng isang Pilipino.


Pascual Poblete (1858-1921) 

Nobelista, makata, mananalaysay at tinaguriang “Ama ng Pahayagan”. Siya ang nagtatag ng mga pahayagang El Resumen, El Grito del Pueblo at Ang Tinig ng Bayan. Siya rin ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere.

 

Jose Maria Panganiban (1865-1895)

Sumulat ng mga sanaysay, lathalain at mga talumpati sa ilalim ng sagisag na Jomapa.

 

Pedro Serrano Laktaw 

Leksikograpo at manunulat; isa ring pangunahing Mason. Siya ang unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog (1889).

 

 

 

Isabelo delos Reyes 

Nagtatag ng “Iglesia Filipina Independente”; nagtamo ng gantimpala sa Exposisyon sa Madrid, sa sinulat na “El Folklore Filipino”.


Fernando Canon 

Kaklase ni Rizal sa Ateneo. Sumulat siya ng tula ukol kay Rizal. Sa mga tulang pang-Rizal nagsimula ang kanyang katanyagan. Kapwa pintor naman sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo.



Mga Nakilalang Mandudula

Severino Reyes (1861-1942) 

Pangunahing manunulat ng sarsuwela si Severino Reyes. Kilala rin siya sa sagisag na “Lola Basyang” dahil sa kanyang mga kuwentong-bayan na inilathala sa Lingguhang Liwayway. Ang kanyang sarsuwelang Walang Sugat ang itinuturing na kanyang obra-maestra. Noong 1922, naging patnugot siya ng Liwayway.

 

Patricio Mariano 

Isang mandudula, peryodista, kuwentista, nobelista at makata. Marami siyang nasulat na dula na kinabibilangan ng Anak ng Dagat, Ang Tulisan, Ang Dalawang Pag-ibigi, Ako’y Iyo Rin, at iba pa. Siya ng tinaguriang Dekano ng mga Mandudulang Tagalog.

 

Hermogenes Ilagan

Siya ang masasabing kaagaw ni Severino Reyes sa kasigasigan sa paglikha at pagtatanghal ng sarsuwela. Ang pinakatanyag niyang dula ay ang Dalagang Bukid.

 

Julian Cruz Balmaseda 

Namumukod ang kanyang aral sa pag-iimpok sa sulang Ang Piso ni Anita. Ito ang dulang nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng Kawanihan ng Koreo; sa kanyang Sa Bunganga ng Pating, binaka niya ang sakit na nililikha ng salaping patubuan.

Aurelio Tolentino (1868-1913) 

Dalubhasa sa paggamit ng tatlong wika, Pampango, Tagalog at Kastila. Maraming dula siyang nasulat tulad ng Bagong Kristo, isang sulang sosyolohiko; Sumpaan, isang romantikong sarsuwelang may tatlong yugto. Ngunit higit sa lahat ng mga dula niya, ang nakilala’y ang kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas. Isang alegoriya ang dulang ito ay naglalahad sa pamamagitan ng mga simbolikong tauhan na pinagdadaanan ng Pilipinas.

 

Juan K. Abad 

Nang magsimula ang himagsikan sinunog ng lahat ni Abad ang kanyang mga akdang nanunuligsa sa pamahalaan at sa mga prayle at pagkaraa ay umanib siya sa Katipunan. Hinarap ni Abad ang pagbaka sa comedia sa paniniwalang ito ay nakakalason sa isipan ng mga Pilipino.



BACK