1. Pag-aaral ng mga tuntunin kung paano inaayos ang mga salita sa boob ng pangungusap.
A. Ponema
B. Sintaksis
C. Ponolohiya
D. Marpolohiya
2. Pangungusap na tumutukoy sa pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran.
A. Temporal
B. Eksistensyal
C. Penomenal
D. Modal
3. Orihinal: Mother cooked adobo for kuya
Donald. Salin: Si nanay ay nagluto ng adobo para kay kuya Donald.
Ito ay pagsasaling?
A. Adaptasyon
B. Malaya
C. Idyomatiko
D. Literal
4. Tumutukoy Ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula.
A. Talinghaga
B. Kariktan
C. Tugma
D. Sukat
5. Nagpapahayag ng lebel ng wika na impormal na nalikha at nabuo sa
pagsasama- sama ng mga salitang pinaikli o pinahaba.
A. Kolokyal
B. Lalawigan
C. Pampanitikan
D. Balbal
6. Uri ng panghalip na ginagamit na panturo sa mga bagay.
A. Palagyo
B. Pamatlig
C. Panaklaw
D. Palayon
7. Sa pangungusap na "Malakas ang
bases nno," ang salitang malakas ay isang __________.
A. Pangatnig
B. Panghalip
C. Pang-uri
D. Pandiwa
8. Ano ang salitang ugat ng PINALABANAN?
A. Laban
B. Ilaban
C. Labanan
D. Paglaban
9. Paraan ng pagbuo ng salita na
ginagamftart ng tatlong uri rig panlapi.
A. Kabilaan
B. Laguhan
C. Unlapi
D. Hulapi
10. Nang baguhin ang alpabeto noong 1987
kinilala at bi nansagan itong?
A. "Pinagyamang alpabeto"
B. "Pinaunlad na alpabeto"
C. "Pinasimpleng alpabeto"
D. "Pinagaang alpabeto"
11. Sa pangungusap na " Siya ang nagturo sa aking sumulat." Ano ang tawag sa salitang
may salungguhit?
A. Katapora
B. Anapora
C. Panghalip pamatlig
D. Panghalip panao
12. Handa ng lumisan ang taong "amoy
lupa" nang malaman niyang nasa maayos na kalagayan na ang mga anak nito.
Ang pariralang "amoy lupa" ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
A. Kolokyal
B. Pambansa
C. Balbal
D. Pampanitikan
13. Piliin and salitang walang thptonggo.
A. Musika
B. Bahay
C. Kasuy
D. Sisiw
14. "Katulad ng wika ang Isang
halaman. Sa matabang lupa kusang lalago ito kung may sapat na tubig at
liwanag."
Ang pahayag na ito ni Teongociang ay umaayon sa __________.
A. Taglish
B. Dekolonisasyon
C. Puristang paniniwala
D. Intelekwalisasyon
15. Alin sa mga sumusunod ang salitang
pambansa?
A. Pinoy
B. Kamusta
C. Mapagkumbaba
D. Nagdadalantao
16. Ana ang tuntunin ngayon na susundin sa pagtutumbas sa Filipino ng
"rice terraces"?
A. Kung ano ang bigkas siya ang sulat.
B. Gamitin ang katutubong katumbas.
C. Tumbasan sa espanyol at baybayin sa
Filipino.
D. Hiramin ng ganap.
17. Ang pagkautal ay matatawag na _________ na sagabal sa pagsasalita.
A. Saykolohikal
B. Pisyolohikal
C. Pisikal
D. Semantiko
18. "Heto na, heto na, heto na, /wahh! J Doo bidoo, bidoo, bidoo"
Alin ang nabuong salita o tunog sa Iinya
na nabuo ayon sa teoryang pooh-pooh?
A. Heto
B. Doo bidoo
C. Na
D. Wahh
19. Alin sa mga sumusunod na malalim na salitang ginamit sa talata ang may kasalungat
na pares?
A. Tambuli-trumpeta
B. Mapaniil-mapagkandili
C. Maigupo-matalo
D. Tagapukaw-tagagising
20. "Pen pen de sarapen/ de cuchilio de almasen/ haw haw de carabao
batuten" Pinatunayan ng linya ang paglaganap ng wika dahil sa:
A. Pananakop
B. Pakikipagkalakalan
C. Modernisasyon
D. Heograpiya