Filipino 2019

"Daig ng maagap ang masipag." Ito ay isang uri ng salawikain.

Aking adhika makita kang sakdal laya.

Ang taludtod ay mula sa "Bayan Ko" ni Jose Corazon De Jesus.

Ang alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon ay ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa.

Ang 1001 Tales of Arabian Nights ng Arabia at Persya na nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga Silanganin.

 

Ang akademikong rejister ay rejister na ginagamit sa mga paaralan, paghahatid ng mga impormasyong pampubliko, pananaliksik, pakikipagdebate o paghahain ng talumpati o paglelektura.

Ang aklat na naglalaman ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo ay ang Pasyon.

Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagsasaad ng simulain ng mga bagay o tao sa daigdig.

Ang Ama ng Tulang Tagalog ay si Francisco Balagtas.

Ang Ama ng Wikang Pambansa ay si Manuel L. Quezon.

Ang Atin Cu Pung Singsing ay awiting bayan ng mga Kapampangan.

Ang Awit ay tulang pasalaysay na may paksang kababalaghan at ito ay may sukat na labindalawang pantig sa bawat taludturan.

Ang awit pangkasal ay tinatawag na diona.

Ang Banal na Aklat ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay- bagay sa daigdig, sa pamumuhay at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha.

Ang bersyong payak na binibigkas sa mga orasyon o lamayan ay tinatawag na Duplo.

Ang bugtong ay isang maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.

Ang Bukanegan ay salitang Ilokano. Balagtasan naman ito sa Tagalog.

Ang buod ay malayang daloy ng mga ideya at iniisip; makasulat ng isang sanaysay na naglalarawan ng mga reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang karanasan.

Ang Canterbury Tales ni Chaucer sa Inglatera ay naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.

Ang Crisotan ay nangangahulugan ng balagtasan sa Tagalog. Ito ay hango sa pangalan ni Juan Crisostomo Sotto na "Ama ng Panitikang Kapampangan."

Aking tatalupan ang pinya upang matikman mo.

Alas kuwatro ng hapon nang bawian ng buhay si Pedro.

Ang awiting pampatulog ng bata ay tinatawag na oyayi.

Ang kumintang ay awit ng tagumpay pagkatapos makipagdigma.

Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay ay nalilikom ng mga taga-sensus ng bahay-bahay.

Ang Dayalektal ay pinakamabilis na paraan ng pagpapayaman ng salita.

Ang Deskripsyon ng Mekanismo ay kinapapalooban ng mga hakbangin upang makalikha ng isang bagay gamit ang mga biswal na pantulong.

Ang diptonggo ay salitang nagtataglay ng pantig at malapatinig na w at y.

Ang Divina Comedia ni Dante ng Italya, ay nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng panahon ng kinauukulan.

Ang Doctrina Cristiana ang unang aklat na nalimbag sa Pilipinas na ipinalimbag ng Pareng Dominico sa Maynila na si Padre Domingo de Nieva.

Ang dula ay isang uri ng akdang pampanitikan na ang pinakalayunin ay itinatanghal sa tanghalan.

Ang El Cid Campeador ng Espanya ay nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga Kastila at ng alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.

Ang El Filibusterismo ay inihandog Rizal sa GomBurZa.

Ang elehiya ay tulang nagpapahayag ng pangungulila o pagkalungkot na kaugnay ng kamatayan.

Ang Filipinong tumuklas ng limbagan sa Pilipinas ay si Tomas Pinpin.

Ang Florante at Laura ay and pinakabantog at pinakamahalagang awit na nasulat ni Francisco Baltazar.

Ang gamit o "function" ng wika upang manatili ang pakikipagkapwa-tao ay interaksyonal.

Ang ganapan ay ang kaganapan ng pandiwa sa pangungusap na "Naglaro ng basketball sa CBRC Arena ang koponan ng aming pamantasan."

Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uri ng maikling kwento.

Ang glottis ay tawag sa pagitan ng dalawang babagtingang pantinig na dinaraanan ng hangin.

Ang gumamit ng kalipunan ng mga dasal satirical bilang panunuligsa sa mga prayle ay si Marcelo H. Del Pilar.

Ang humalili sa alibata ay ang Sanskrito.

Ang Hulyo 4, 2954 A.D. na nagkamit ng unang gantimpala sa Gawad Palanca ay ang maikling kuwento.

Ang Iliad at Odyssey ni Homer ay batay sa kaligiran ng mitolohiya o paalamatan ng Gresya.

Ang ina mo ay malayo.

Ang inilalarawan sa saknong ay ang lumang simbahan.

Ang interpersonal na komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao, o sa isang tao at isang maliit na pangkat.

Ang intrapersonal ay komunikasyong pansarili, nagaganap sa isang indibidwal lamang.

Ang iskaning ay pagbasang naghahanap ng tiyak na impormasyon.

Ang itinuturing na ama ng katipunan ay si Andres Bonifacio.

Ang kaswal na panonood ay impormal at di nabibigyang pansin ang mga detalye.

Ang kauna-unahang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikang Filipino ay si Amado V. Hernandez.

Ang klaster ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.

Ang kolokyal ay mga salitang ginagamit bilang impormal.

Ang komunikasyong pangkaunlaran ay naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa.

Ang koponang De La Salle at koponang Ateneo ay magsinghusay sa basketbol.

Ang Korido ay tulang pasalaysay na may paksang kababalaghan at maalamat. Ito ay isang sukat na may walong pantig sa bawat taludtod.

Ang kritikal na panonood ay pagkuha ng iba't ibang impormasyon mula sa mga detalye na binibigyang pansin upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa.

Ang kumatha ng himig ng Pambansang Awit ay si Julian Felipe.

Ang kuwit ay naghihiwalay ng mga salita.

Ang Maikling Kwento ay isang maikling katha na kung saan ito ay nagsasalaysay ng pang araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan,

Ang Malaya ay uri ng sanaysay na di pangkaraniwan ang paksa at tinatalakay nang ayon sa sariling istilo ng manunulat.

Ang may akda ng "Ang Cadaquilaan ng Dios" ay si Marcelo H. del Pilar.

Ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa ay ang "Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno."

Ang maysakit sa ospital ay magaling nang totoo bago pa man dumating ang kanyang ina na galing sa lalawigan.

Ang melodrama o dulang musical na may tatluhing yugto ay ang Sarswela.

Ang mga akdang pangwika ay Arte Y Reglas de la Lengua Tagala, Compendio de la lengua Tagala, Vocabulario de la Lengua Tagala, Vocabulario de la Lengua Pampango, Vocabulario de la Lengua Bisaya, Arte de la Lengua Bicolana, at Arte de la Lengua lloka.

Ang mga nagsisulat hindi upang basahin kundi upang pakinggan ay ang mga manunulat Hoong panahon ni Balagtas.

Ang mga pahayag na humihimok upang kumilos o tumugon sa hinihingi ng propesiyon ay directives.

Ang mga salitang: magbasa, umibig, maligaya, paalis ay pare-parehong may unlapi.

Ang mga uri ng pangungusap na walang paksa ay: (1) ang eksistensyal kung ginamitan ng salitang "wala o mayroon"; (2) ang modal kung ginamitan ng salitang nais/pwede/maari; (3) ang panlipunan ay tungkol sa pagbati o pagbigay galang; ang (4) sambitla ay biglang sambit na may masidhing damdamin; at (5) ang temporal ay panandaliang kalagayan o panahon.

Ang morpema ay nabubuo kapag ang ponema ay pinagsama at maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita.

Ang morpolohiya ay tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo ng salita.

Ang Mosaic Law ay ang ang katumbas ng "Dekalogo" ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa Filipino.

Ang nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak ng pagsulat ng maikling kuwento noong panahon ng Hapon ay ang Kuwento ni Mabuti.

Ang nagtatag ng Diaryong Tagalog ay si Marcelo H. del Pilar.

Ang Ninay ay isang nobela na nagpatanyag kay Pedro Paterno at sinasabing kauna- unahang nobelang panlipunan sa Kastila.

Ang nobela ay isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ito rin ay sumasakop ng mahabang panahon na ginagalawan ng maraming tauhan.

Ang pagsasalaysay ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari.

Ang pagsasaling-wika ay isang sining na ipinahahayag sa sariling wika ang anumang nasusulat.

Ang pagsasalita ay tumutukoy kakayahan ng indibidwal na maipahayag ang kanyang naisip, nararamdaman, at pinaniniwalaan.

Ang pahayagan ng katipunan ay ang Kalayaan.

Ang pagsulat ay maaaring gamitin upang isatitik ang isang konsepto, paniniwala, saloobin at mga ideya sa pamamagitan ng pagsulat.

Ang pakikinig na ayaw mapag-usapan ang isang paksa ay tinatawag na red flag listening.

Ang Pamatlig ay uri ng panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawa.

Ang Pambalana ay pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa.

Ang panahong nagbigay pansin sa mga manunulat sa Kastila, Ingles Tagalog ay Kontemporaryo.

Ang Pangatnig ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita at isa pang salita at ng isang kaisipan sa isa pang kaisipan.

Ang Panghalip ay tawag sa mga katagang na, ng at g na ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang ang isa ay naglalarawan at ang isa ay inilalarawan.

Ang pangmasang komunikasyon ay nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radyo, TV, Internet, pahayagan, at iba pa.

Ang pangngalang tambalan ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa at may dalawang morpemang malaya.

Ang Pang-ukol ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak o layon.

Ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo.

Ang panitikan ay galing sa salitang-ugat na titik isang paraan ng pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, edukasyon, pamahalaan at paniniwalang panrelihiyon.

Ang panonood ay isang proseso ng pagmamasid ng isang tao sa palabas o iba pang visual media upang magkaroon ng pang-unawa sa mensaheng ipinaparating nito.

Ang pares minimal ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa makatulad na posisyon.

Ang parirala ay lipon ng mga salitang walang buong diwa.

Ang ponolohiya ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika.

Ang pormal na wika ay mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit ng nakararami lalo na ng mga nakapag aaral ng wika.

Ang Rap ay isang uri ng makabagong awit na kadalasan binibigkas nang patula ang bawat linya nito na magkakatugma sa saliw ng isang naaangkop na tugtugin.

Ang Rizal Park ay mas malawak kaysa Bonifacio Park.

Ang sabi ni Agnes sa pinsan niya, "Pahihiramin kita ng bago kong aklat kung iingatan mo ito."

Ang sagisag ni Florentino Collantes ay Kuntil-butil.

Ang salawikain ay isa sa uri ng mga karunungang bayan kung saan ang mga butil ng karunungan ay hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting anyo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinghaga.

Ang Song of Roland ay kinapapalooban ng Roncesvalles at Doce Pares ng Pransya na nagsasalaysay ng gintong panahon ng kristiyanismo at ng dating makulay na kasaysayan ng mga Pranses.

Ang sosyolek ay ginagamit ng mga taong may pare-parehong antas ng pamumuhay, interes at kinahihiligan, kasarian at edad.

Ang sumulat ng Duguang Plakard ay si Rogelio Mangahas.

Ang Talumpati ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay bigkasin sa harap ng mga tagapakinig, layunin nito na humikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon at magbigay ng opinyon o paniniwala.

Ang tambalan ay binubuo ng dalawang kaisipang pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig.

Ang tambalang salita ay dalawang salitang pinagsama-sama para makabuo ng isa lamang salita.

Ang tambilang ay makikita sa "Ika-23."

Ang taong may "memorya fotograpica" ay si Jose Maria Panganiban.

Ang tawag sa dalawa, tatlo o higit pang mga wikang natutuhan ng mag-aaral ng una o katutubong wika ay pangalawang wika.

Ang tayutay ay isang pahayag na sadyang masining at kaakit-akit. Naghahayag ito ng makulay at mabisang pagpapakahulugan.

Ang Teknikal na Pagsulat ay isang uri ng komunikasyon sa anumang larangan na ang pangunahing gampanin ay makalikha ng isang tiyak at partikular na impormasyon sa partikular na mambabasa o grupo ng mga mambabasa.

Ang teoryang bow-wow na pinagmulan ng wika, ay tungkol sa kalikasan at hayop; ang ding-dong ay tungkol sa bagay; ang pooh-pooh ay tungkol sa masidhing damdamin; at ang yoheho ay tungkol sa pwersang pisikal.

Ang tono ay taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.

Ang unang panitikan natin ay pasalin-dila.

Ang Tore ng Babel ay nagsasabing ang buong daigdig ay may isang wika at isang paraan ng pagsasalita.

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na kung saan ang mga salita ay isinasaayos na may bilang ang pantig sa bawat taludtod.

Ang tulang Pilipino: Isang Depinisyon na naluklok noong panahon ng Batas Militar ay sinulat ni Ponciano Pineda.

Ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos ay ang nakatawag ng pansin sa karumaldumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng simulain ng demokrasya.

Apresyativ na pakikinig ang ginagawa ng tao para sa kanyang sariling kasiyahan.

Ayon kay Balagtas, "ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad",  kaya ang mga bata ay hindi sumusunod sa magulang.

Ayon sa kasaysayan ng obra maestrang nobela ni Jose Rizal, mayroon siyang ikatlong nobela na kanyang nasimulan subalit hindi niya natapos dahil sa nalalapit niyang araw ng kamatayan. Ito ay pinamagatang Makamisa.

Ayon sa saknong 180 ng Florante at Laura, hango ang pangalan ni Florante sa lumuluha na sumasalamin sa buhay at pighati nito.

Ang balita ay isang paglalahad ng pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, paaralan, sa mga sakuna, sa industriya sa agham at iba't-ibang paksa sa buong bansa.

Bernacular ang tawag sa dalawa, tatlo o higit pang mga wikang natutuhan ng mag-aaral ng una o katutubong wika.

Deskriminatibong panonood ang ginagamit sa paggamit ng opinyon sa panunuri.

Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng etnikong grupo.

Ginagamit sa pangkukulam, pang-ingkanto o pasintabi ang Bulong.

Ibig ipatanghal ni Sir Jason ang tulang Panata sa Kalayaan ni Amado V. Hernandez sa buong klase, ngunit maikli ang panahong gugugulin sa preparasyon. Ipapatanghal na lang niya ito sa paraang sabayang pagbigkas.

Inabutan anina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan. Ang pangungusap ay may pang-abay na pamanahon na walang pananda.

Ipinakita agad ni Marcelo H. Del Pilar ang pagtutol sa mga pamamalakad ng mga Kastila. Gumamit siya ng mga sagisag tulad ng "Dolores Manapat," "Piping Dilat," "Maitalaga," "Kupang," "Carmelo," "L.O. Crame," at "Pupdoh."

Isang kaaya-ayang tanawing napakaganda ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila.

Kabilang sa kilalang akda ni Jose Dela Cruz ay ang Historia Famoso ni Bernardo Carpio at ang Doce Pares de Francia.

Kapag ang kausap mo ay nakita mong may dumi sa mukha, ngunit upang hindi siya mapahiya ay sinabi mo sa kanya ang ganito: "Iba yata ang ginamit mong make-up ngayon?" Ikaw ay gumamit ng eupimismo.

Kapag tumungo ka sa isang lugar at natutuhan mo ang wikang ginagamit doon nang hindi mo namamalayan, ito ay dahil sa prosesong adaptasyon ng wika.

Ang pangungusap na, Kumukuha ako ng medesina at si Ate naman ay kumukuha ng edukasyon, ay isang tambalang pangungusap.

Kung ang kundiman ay awit ng pag-ibig, oyayi sa pagpapatulog ng bata, Diona naman ang awiting pangkasal.

Kung Ilocano ang iyong unang wika at Tagalog ang iyong pangalawang wika, pangalawang wika ang tawag sa Ingles na isa pang wika na iyong natutuhang gamitin.

Lingua France ang ginagamit ng mga magkausap na may magkaibang wikang katutubo.

Makata ng manggagawa: Amado V. Hemandez; Makata pag-ibig: Jose Corazon De Jesus.

Mas magiging masaya ang pagdiriwang kung makakadalo sina Luisito at Clara.

May 28 na titik ang bagong abakadang Filipino.

May dalang sistema ng pamahalaan na tinatawag na Balangay ang mga Malay.

May mga pagkakataon na maaaring palitan ng ibang ponema/ tunog ang isang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita tulad ng lalaki - lalake.

Mayroong bagong proyektong pabahay ang Sangguniang Panglungsod para sa mahihirap.

Moriones ang akdang may kinalaman sa kagitingan at pakikipagsapalaran ng mga hari, reyna at prinsipe.

Morpema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Nabuo ang pangkat na tinatawag na "may-kaya" na may ari-arian at lupain noong panahon ng Kastila.

Nagdiwang ang buong paaralan dahil nakamit ni Joselito Ramos ang ika-isang gantimpala.

Nahihirapang pumili si Gng. Algie ng estudyanteng ilalahok sa timpalak sa pagtatalumpati. Dahil dito, hiniling niya na papagpasalitain ang kanyang mga estudyante at mamarkahan niya ng malaking puntos ang bigkas.

Nais malaman ni Gng. Mariz kung anu-anong mga akda ang naghatid ng malaking impluwensiya sa kultura at kabihasnan ng mga mamamayan sa daigdig kaya nagsaliksik siya. Natuklasan niyang hindi kasali ang Noli Me Tangere.

Nang makasakay ko si Danilo sa dyip ipinagbayad niya ako ng pamasahe.

Nang sumakay ako ng bus, nakita kong kinakausap siya ng konduktor.

Nanliligaw na ang pinakamalapit na kahulugan ng "naniningalang-pugad."

Noong 1930 bumagsak ang pantanghalang pagtatanghal ng mga Tagalog dahil sa nagsimula ang pagpapalabas ng Stage show.

Thentar

Noong nasa Hong Kong si Rizal, naisip niyang magkaroon ng La Liga Filipina. Ito ay may layuning pagkaisahin ang bayang Pilipinas.

Noong panahon ng aktibismo pinaksa ang kabulukan ng lipunan at pulitika.

Noong sinaunang panahon ay may sarili nang panitikan ang ating mga ninuno. Alibata ang kadalasang ginagamit at gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punong-kahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat.

Pagpapalabas ng pelikula ang estratehiya sa pagtuturo ng panitikan ang naangkop para sa mag-aaral na may biswal na istilo ng pagkatuto.

Pagsulat ang nagsisilbing tagapag-ingat ng mga mayayamang kaalaman ng tao na nais ipamana sa mga susunod na salinlahi.

Pambansa ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pang-wika o pambalarila sa lahat ng paaralan.

Pampanitikan ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.

Pang-abay ang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa pandiwa at pang uri.

Pangunahing manunulat ng sarsuwela si Severino Reyes. Kilala rin siya sa sagisag na "Lola Basyang" dahil sa kanyang mga kuwentong-bayan na inilathala sa Lingguhang Liwayway. Ang kanyang sarsuwelang Walang Sugat ang itinuturing na kanyang obra- maestra.

Ang papalubog na ang araw ay ang kasingkahulugan ng salitang magdadapit-hapon. Patunay na ang wikang Pilipino ay umaagapay rin sa pagbabago. Alibata-abecedario- abakada-alpabeto ang nagpapakita ng angkop na pagbabagong naganap sa alpabetong Filipino.

Pinalitan ng alpabetong Romano ang unang alpabetong Pilipino na sanskrito.

Pinatay ang pinakamatalik na kaibigan at itinuturing na "anak-anakan" ni Sir Rey.

Dahil sa labis na kalungkutan ay nakalikha siya ng isang tula para sa namayapang kaibigan at iyon ay kanyang binasa sa serbisyong nekrolohikal na hinahandog ng institusyong pinagtuturuan niya. Ang tulang sinulat ni Sir Rey ay isang elehiya.

Pokus sa aktor ay ang pokus ng pandiwa sa pahayag na "Bumili ng bagong sasakyan si Angelo."

Si Jose Garcia Villa ang tinaguriang Prinsipe ng Makatang Tagalog.

Sa kathang Dekada '70 matatagpuan si Amanda Bartolome na pangunahing tauhan at ito ay sinulat ni Lualhati Bautista.

Sa komunikasyong pangkultura, ang aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag- uusapan.

Salawikain ang nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.

SB 1987 Art XIV, sek. 6 ang saligang batas na nagsasaad ng ating Pambansang Lingua Franca.

Si Alejandro G. Abadilla ang nanguna sa pagtalikod sa paggamit ng sukat at tugma sa mga tula.

Si Amado V. Hernandez ang tinaguriang "Makata ng Manggagawa" at may akda ng Luha ng Buwaya.

Si Atang dela Rama ay kilalang artista at manunulat sa larangan ng panitikang Pilipino, ipinanganak siya noong Enero 11, 1905. Isa sa kaniyang sinulat ay ang Dalagang Silangan.

Si Francisco Baltazar ang sumulat ng Florante at Laura, La India Elegante y El Negrito Amante (isang saynete), Almanzor Y Rosalinda, Mahomet at Constancia, Don Nuno at Zelinda.

Si Gaspar Aquino de Belen ay sumulat ng mahabang tula tungkol sa buhay ng ating Panginoong Hesu Kristo, nang lumaon ay tinawag na pasyon. Ang kahawig nitong genre ay ang Senakulo.

Si Jose de la Cruz ay naging guro ni Francisco Balagtas na lalong kilala sa bansag na Huseng Sisiw.

Si Juan Crisostomo Sotto ay isang manunulat at makata na nagtatago sa sagisag na Crissot.

Si Lope K. Santos ang tinaguriang "Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa."

Si Mariano Ponce ay kilala sa sagisag na Tikbalang at Kalipulako. Sumulat din siya ng mga talambuhay at akdang pangkasaysayan.

Si Pascual Poblete ang kauna-unahang nagsalin sa tagalong ng Noli Me Tangere ni Rizal at siya rin ang nagtaguyod ng pahayagang "El Resumen."

Si Rogelio G. Mangahas ang tinaguriang "Makata ng Taong 1969" sa Talaang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa.

Si Teodoro A. Agoncillo ang sumulat ng tulang "Sa Dalampasigan" at "Republikang Basahan."

Si Tomas Pinpin ang kauna-unahang Pilipinong manlilibag, siya ang naglimbag ng Artes Y Reglas dela Lengua Tagala.

Sinasabing dinala ng mga kastila nito ang awit na isang uri ng panitikang hawig kay Miguel de Cervantes na "Don Quijote de la Mancha."

Sintaksis ang tumutukoy sa maka-agham na pag-aaral ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita at parirala upang bumuo ng pangungusap.

Sinulat ni Graciano Lopez Jaena ang Fray Botod na isang maikling nobelang mapang- uyam na naglalarawan sa "kasibaan ng mga prayle." Ang Fray Botod ay tungkol sa prayleng napakalakas kumain.

Titik ang salitang ugat ng panitikan.

Tulad ng tao, ang wika ay nahahati rin sa iba't-ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.

Tuwang-tuwang ipinagbili ng mangingisda ang maraming nahuhuling isda sa mga mamamakyaw sa pamilihan.



BACK