BAHAGI NG PANANALITA


PANGNGALAN

 

Ang Pangngalan ay pasalitang simbolo na ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.

Ang Pangngalan ay ngan ng tao, hayop, bagay, pook at pangyayari.

Ang unang katuturan ay gumagamit ng katawagang pansemantika, pasalitang simbolo;

Ang ikalawa ay ang karaniwang katuturang ibinibigay ng balarilang tradisyunal.

 

Halimbawa:    Mga pangngalang ngalan ng tao

Gloria      Ama               guro

Nonoy     anak        manananggol

Mga pangngalang ngan ng hayop

Tagpi      Aso         Tandang

 

Muning pusa   Katyaw    Kalabaw

 

 

 

Mga pangangalang ngalan ng pook

Pilipinas                 lunsod            kaparangan

Bundok ng Apo             bundok           kamaynilaan

Mga pangngalang ngan ng katangian

Bait         kabaitan                pagkamabait

Tapang katapangan               pagkamatapang

Mga pangngalang ngan ng pangyayari

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Kasalan          pulong

Pag-aasawa    kaarawan

 

Sa ikalawang pananaw na batay sa lingwistikang istruktural, ang pagbibigay ng katuturan ay batay sa kayarian at gamit sa pangungusap ng tunit ng wika na binibigayang kahulugan. Hindi isinasaalang-alang ditto ang kahulugang tinutokoy o binibigay ng salitang binibigyangkatuturan.

Ang Kayarian ay tumotukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika. Sa kayarian, ang pangngalang, ay karaning salitang ugat o anuman pagbabagu-bagong anyo niyo ayon sa kung ito ay inuulit, nilalapian, o pinagtatambal.

 

Halimbawa: ang agos ay salitang ugat o anumang pagbabahu0bagong anyo nito ayon sa kung ito ay inuulit, nilalapian, o pinag tatambal.halimbawa and Agod ay salitang ugay; ang buhay-buhay ay pag uuli ng salitang ugat ng buhay; ang kabuhayan ay salitang ugat na buhay na nilapian ng Ka…..an; ang buhay-alamang ay dalawang salitang ugat ma pinagtambal. Hinggil sa mga pangangalang maylapi. Sa

 

Pilipino ay mayroon tayong mga panlaping sadyang ginagamit lamang sa pagbubuo ng pangngalan.

Tinutukoy pa rin ng kayarian ang gamit ng salitang sa loob ng wika o ang kayarian ng mga pariralang, maaring mabuo nito, kasama ng iba pang salita o kataga. Ang anumang salitang maaring sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin n gang tatlong pares ng mga katagang binanggit sa katuturan ay mga pananda.

Ang unang pares ay pananda ng mga pangngalang na sa kaukulang palagyo; ang hulinf dalawang pares ay pananda naman ng mga pangngalang nasa kaukulang palayon.

 

Ano ang ibig sabihin ng pariralang “salitang maaring isunod sa . . . loob ng katuturan?

 

Nangangahulugan na ang salita ay nagagamit na kasunod ng alinaman sa mga katagang nabanggit upang makabuo ng parirala.

 

Ang anyong maramihan ng ang/so ay ang mmga/sina; ang maramihan ng ng/ni; ay ng mga/nina; at ang mga maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.Kung ang mga pariralang isahan sa mga halimbawa sa itaas ay ilalagay natin sa maramihan, ganito ang mga pariralang mabubuo natin:

 

1. ang mga anak                  2. Sina Maria

Ng mga anak                nina Maria

Sa mga anak                 kina Maria

 

Kung magpapatuloy tayong maghanap ng mga salitang maaring isunod sa unang pangkay ng mga kataga (ang, ng, sa ) makikita nating ang mga sumusunod na salita ay maari ring gamitin: akin, mabait, umawit.

 

Makabubuo tayo ng mga parirala na sumusunod:

 

1. ang akin                   ang mga akin

Ng akin                        ng mga akin

sa akin                         sa mga akin

 

2. ang mabait sa mga mabait

Ng mabait                    ng mga mabait

sa mabait                      sa mga mabait

 

HALIMBAWA:

 

1. Mga pariralang ANG

a. Sa opisyal na pulong ko na inuulat ang akin.

b. Laging pinagpapala ng DIyos ang mabait.

c. Ang umaawit sa ating palatuntunan ay tanyag sa buong daigdig

2.    Mga pariralang NG

 

a.    Kalihim ko ang bumasa ng akin sa opisyal na pulong

b.    Karaniwang tahimik at walang bagabag ang buhay ng mabait

c.    Ang pangalan ng umaawit ay tanyag sa buong daigdig.

 


3.    Mga pariralang SA

 

a.    Hindi ko malilimot ang kanyang ginagawang tulong sa akin

b.    ang diyos ay lagging may gantimpala sa mabait.

c.    Walaang katapusan ang papuri ng mga nakinig sa umawit.

Saunang pangungusap, ang pariralang ang ANG AKIN ay pinaikling anyo, isang ellipsis

 

Ang salitang AKIN ay pinaikling panghalip na karaninwang ginagamit na kasama ng isang pangngalang kasunod ng AKIN ay ULAT. Kung gayon, ang buong pangungusap na walang elipsis.

Halimbawa:

 

Sa opisyal na pulong ko na iuulat ang aking ulat.

 

Sa kayarian n gating mga pangngusap sa Pilipino, ang salitang ULAT sa ganitong halimbawa ay maari nang alisin, kaya’t napapalitan ang mtungkulin ng panghalip na AKIN.

Ang dating panuring na AKIN ay nagiging isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.

 

Mga Klasipikasyon Ng Pangngalan

 

Ang mga pangangalan ay mauuri ayon sa kahulugan og kayarian ng mga ito bilang isang salita. Ang unang pag-uuri ay klasipikasyon pansemantika, ang ikalawa ay pangkayarian o pang-instruktura

Mga Uring Pansemantika

 

Sa ilalim ng pag0uuring pansemantika ay may dalawang paraan ng klasepikasyon.

Ang una ay batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat, at ang ikalawa ay batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi tahas .

Ayon sa unang batayan, ang mga pangngalan nay maaring pangngalang pantangi o pangngalang pambalan. Ayon naman sa ikalawang batayan, ang pangngalan ay maaring tahas o Basal.

Pantangi ang pangngalan kung tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Ang ibig sabihin ng tangi ay particular ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Sumasagot ito sa tanong na: Ano ang panawag sa o ngalan ng particular na ito; ng partikular na asong ito, o pusang ito; dagat na ito ng particular na aklat na ito o lapis na na ito; ng particular ng dagat na ito, atbp.

 

HALIMBAWA:

 

1. Mga pangngalan ng particular na tao

Danica            Bb. Carol Reyes

Czarina           D. Dioneda

 

2. Mga pangngalang particular na ngalan ng ibat ibang uri ng hayop

 

Tagpi      Bantay

Muning    Whitie

 

3. Mga pangngalang particular na ngalang ng ibat ibang bagay

Pilot                      Mongol

Bagon Alpabeto      Magasing Time

 

4. Mga pangngalang partikular na ngalan ng pool

Talon ng Maria Carolina         Ilog pasig

Bulkang Mayon                            Naga

 

5.    Mga pangngalang particular na pangyayari

 

Paligsajamg Bb.Universe Taong 1998

Araw ng Paggawa

Pambalana ang mga pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang diwa. Halimbawa, ang pangngalan ng tao ay tumutokoy sa lahat ng nilang na may katawan at kaluluwang rasyunal.

1.    Pangngalang pang kalahatang nglan ng tao.

 

Halimbawa: bata, guro, lalaki

 

2.    Pangngalang pangkalahatang ngalan ng hayop Halimbawa: aso, pusa, baka

3.    Mga pangngalang pangkalahatang ngalan ng bagay Halimbawa: Lapis, Radyo

4.    Pangngalang pangkalahatang ngalang ng pangyayari Halimbawa: Kaarawan, sayawan

Ang mga pangngalang pantangi ay sinisimulan sa malakng titik kapag isinusulat.

 

Ang mga pangngalang pambalana ay sinisimulan naman sa maliit na titik maliban kung simula ng pangungusap.

 

TAHAS ang pangngalan kung tumutukoy sa bahay na material.

 

Halimbawa: Tao, hayop, puno, pagkain, gamut, kasangkapan

 

Ang mga pangalang tahas ay mauuri pa rin sa dalawa:

 

Palansak. Ito ay tumutukoy sa pangkay ng iisang uri ng tao o bagay.

 

Halimbawa: buwig, kumpol, hukbo, tangkal, tampok

Di-Palansak. Ito ay tumutukoy sa lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang Halimbawa: saging, sundalo, kamatis, tao, bulaklak

Basal ang pangalang kung ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa o kaisipan.

HAlimbawa: pag-ibig, katagan at pag-asa

 

Mga Uring Pangkayarian

 

Uri ng pangngalan, batay sa kayarian nito:

 

1.    Pangaalng Payak kung ito ay isang salitang –ugat lamang. Wala itong kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi rin inuulit ang kabuuan o bahagi nito. Ang pangalang payak ay binubuo ng isang morpema lamang.

Halimbawa: Bulak, dahon, bunga, diwa

 

2.    Pangalang Maylapi o Hinango kung binubuo ng salitang ugat at panlaping makangalan. Sa bagon pananaw, sinasabing ang pangngalang maylapi ay binubuo ng isang morpemang Malaya at using morpemang di-malaya. Ang morpemang malaya ay ang salitang-ugat: ang morpamang di-malaya ang panlapi.

Halimbawa: kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan

Ang unang halimbawa ay may salitang ugat na dugo, gitlaping in, at hulaping an.

 

Tinatawag nating makangalan ang mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pangalan, at kaiba ito sa iba pang panlapi na ginagamit naman sa pag bubuo ng iba pang bahagi ng pananalita, tulad ng panaguri at pandiwa.

 

 

3.    Pangalang Inuulit kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulirr. Batay sa kung ano ang inuulit, nmay dalawang uri ng pag-uulit a) ang pag-uulit na di-ganap o ang pag-uulit na parsyal at (b) ang pag-uulit na ganap.

Halimbawa: Bali-balita, da-dalawa, Sali-salita, bali-baligtad

 

May mga pangalang maylapi na ang inuulit ay ang unang salita (katinig) at ang patinig ng salitang ugat.

Alaala, bulaklak, lapulapu, paruparu, sarisari

Payak ang klasipikasyong mga ito sapagkat wala namang salitang-ugat na ala, lak, paro, lapu

Pag-uulit na ganap ang tawag sa pag0uulit ng buong pangalan. MGa pangalang payak lamang na binubuo ng dalawang patinig ang nauulit nang ganap.

Halimbawa:

Kuru-kuru, bayan-bayan, buhay-buhay,sabi-sabi

 

4.    Pangngalang Tambalan

 

Ang panggalang tambalan ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag- isa. BInubuo ito, samakatwid, dalawang morpenang Malaya.

 

May mga pangalang tambalan na nanatili ang kahulugan ng mga salitang nagtatambal at nagkakaroon ng bagong kahulugan ang nabuong pangalan.

 

 

 

 

 

 

Ang unang pangkat, yaong nanantili ang kahulugan ng pinagsamang salita ay tintawag na malatambalan o tambalang di-ganap. Samantal, ang ikalawa yaong nagkakaroon ng bagon kahulugan ang mga salita, ay tinatawag na tambalang ganap.

Halimbawa:

 

(a)   Mga tambalang di-ganap

 

Balikbayan, alay- kapwa, dalagang-bukid, bahay-kalapati Sa mga tambalang di-ganap ay may kataga o mga katagang nawawala.

Halimbawa: ang balikbayan ay galling sa pariralang bumalik sa bayan o nagbalik sa bayan inalis ang katagang sa at kinuha na lamang ang salitang-ugat ma balik buhat sa bumalik o nagbalik upang mabuo ang pangalang balikbayan.

 

Sa halimbawang alay-kapwa, ang katagang nawawala ay sa.

Sa dalagang-bukid, taga ang katagang inalis.

At sa bahay-kalapati ng ang nawawala.

(b)   Mga tambalang ganap

 

Kapitbahay, bahaghari, hampaslupa, dalagambukid (isda)

Mapapansin sa mga tambalang ganap, ang kahulugan ng mga pinagsamang salita ay nawawala.

Mga Kakanyahan Ng pangngalan

May mga katangian o kakanyahan ang pangngalan na ikinaiiba nito sa iba pang subkategorya ng mga bahagi ng pananalita.

Sa balarila ni Lope K. Santos, apay ang kakanyahan ng pangalan:

(1)   kausapan (2) kailanan, (3) kasarian, at (4) kaukulan,

 

Sa mga balarilang tradisyunal, ang kausapan, itinuturing na isa sa mga kakanyahan ng pangalan, ay natutukoy lamang sa pamamagitan ng panghalip na kasama nito o kaya’y sa pamamagitan ng konteksto ng pangungusap.

 

Halimbawa: Ako, ang inyong ama, ang magpapasya

 

Nalalaman nating ang pangalang ama ay nasa kausapang kumakausap.

Samantala, sa pangungusap na:

Isang Pilantropo si Don Crispin.

Ang pangalang Don Crispin ay alam na nating nasa ikatlong panauhan dahil sa konteksto.

Sa ibang salit, Don Crispin halimbawa, ay walang kausapan kung nag-iisa. Kaya lang magkaroon ito ng kausapan ay kung magiging bahagi ng pangungusap dahil sa mga panghalip.

Halimbawa: Ako si Don Crispin.

 

Ikaw si Don Crispin.

Siya si Don Crispin.

 

Sa kailanman ng pangalan ay nalalaman natin kung ang pangalan ay tumutukoy sa isa, dalawa, o higit pang tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. At batay sa kung ilan ang tinutukoy, ang kailanan ng pangalan ay maaring

 

(1)   isahan (2) dalawahan, (3) maramihan o lansakan

 

Halimbawa ng mga pangngalang likas na isahan, dalawahan, o lansakan

 

Isahan     :             Kapatid

Dalawahan      :      Kambal

Lansakan :             Kawan

 

Ang kapatid na likas na isahan ay magagawang dalawahan o maramihan sa pamamagitan ng paggamit ng pantukoy, pang-uri, pamilang at panlapi

 

Halimbawa:

Pantukoy: ang kapatid, ang magkapatid

Pang-uri: mabait na kapatid, mababait na kapatid

Pamilang: isang kapatid, dalawang kapatid, limang kapatid

Panlaipi   : Kapatid, magkapatid, magkakapatidd

 

Kasarian ng Pangngalan

 

Ang tao, hayop, bagay na tinutukoy ng pangalan ay maaring urrin ayon sa sekso; (1) may sekso at (2) walang sekso. Tao at hayop ang may sekso; bagay, pook, at pangyayari ang mga walang sekso.

Dalawa ang uri sekso: (1) lalaki at (2) babae, kaya tang pangalan ay maaring tumutukoy sa isang tao o hayop na lalaki o isang tao o hayop na babae. Ngunit may mga pangalang maaring tumutukoy sa alin man sa babae o sa lalaki

Tinatawag na kasariang panlalaki ang kasrian ng mga pangalangg tumutokoy sa tao o hayop na lalaki. Kasariang pambabae kung ang mga pangalang ay tumutukoy sa tao o hayop na pambabae. Kasariang di-tiyak kung ito ay mga pangalang maaring panlalaki at pambabae. Walang Kasarian ang mga pangalang tumutukoy sa nga bagay, pook, pangyayari na walang sekso.

May mga salitang likas na pawing sa lalaki, tulad ng ama, kuya, tiyo at mayroon namang likas na panawag sa babae, tulad ng ina, ate, tiya. Mapapangsing sa mmga salitang ito ay walang tiyak na palatandaan sa kayarian. Kahukugan lamang an gating pinagbabatyan sa pagkilala ng kasarian, tulad ng abogado,abogada,biyahero,biyahera,kondukto,konduktora sa pamamagitan ng mga morpenang (a) at (o) sa pusisyong pinal.

 

Kaukulan ng Pangngalan

Kaukulan ang tawas sa kakanyahan ng pangalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap. May iba’t ibang gamit ang pangalan sa loob ng pangungusap, at batay sa mga gamit na ito ay mauuri natin ang kaukulan ng pangngalan sa dalawa: kaukulang palagyo at kaukunglang palayon.

Nasa kaukulang palagyo ang pangalang kung ginamit itong simuno, pamuno sa

simuno o pamuno sa kaganapang pansimuno.

 

Halimbawa:

 

1. Simuno ang gamit ng pangngalan.

Si Bonifacio ay Dakilang Filipino.

2. Pamuno sa simuno ang gamit ng pangngalan.

Si Bonifacio, ang bayani, ay Dakilang Filipino.

3.Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalan

Si Mabini ay Dakilang Lumpo.

 

4.    Pangngalang patawag ang gamit ng gpangngalan.

Czarina, alagaan mo si Celine.

5.    Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit sa panggalan.

Ang dalang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.

 

Sa unang pangungusap, ang pangngalang BOnifacio ay pinapaksa kaya’t simuno ang gamit. Sa sususnod na pangungusap ay mamy pamuno ang simunong Bonifacio, ang pangngalang bayani. Ang kaukulan ng pamuno ay tulad sa kaukulan ng pangngalang pinupunoan.

 

 

Ang pangngalang ginagamit na panawag ay tinatawag na pangngalang patawg. Sa ikatlong pangungusap, ang pangngalang Czarina, ay pangngalang patawag: ito ay nasa ikaukulang palagyo.

Nasa kaukulang palayon ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang –ukol, o kung pamuno sa alinaman sa dalawa.Tulad ng Makita sa mga halimbawa sa kaukulang palagyo, ang pamuno ay may kaukulang tulad ng salitang pinupunuan nito.

Halimbawa:

1.    Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalan.

Ang masipag na ina ay nagsisinop ng kanilang bakuran.

 

2.    Layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalan.

Ang mga mag-aaral ay nasa palaruan.

 

 

 

PANGHALIP

Ang panghalip ay mga salita na pamalit o panghalili sa pangngalan. Maaring bigyang katuturan ang panghalip ayon sa pananaw pangsemantika at pananaw na pang-istruktura.

 

Halimbawa:

 

Si Manuel L. Quezon ang kinikilalang “AMa ng Wikang Pambansa”

 

Sa pananaw na istruktural, ang mga panghalip ay makikilala dahil sa implekasyon o pagbabagong-anyo ayon sa kaukulan : (a) ang mga panghalip na nasa anyong ang, (b) ang mga panghalip na nasa anyong sa.

Tulad ng napag-aralan na natin, ang mga pangngaln ay may kaukulan. Ang pangngalang pinangungunahan n gang/si ay nasa kaukulang ang. Ang pangangalang pinangungunahan ng ng/si nasa kaukulang ng. Ang pangngalang pinagngungunahan ng sa/kay ay basa kaukulang sa.

Batay sa mga kaukulan ng pangngalan, ang mga panghalip ay maroon ding mga kaukulan. Ang panghalip na maaring ihalili sa pariralang pangngalang pinangungunahan n gang o si ay sinasabing nasa kaukulang ang o kaukulang palagyo.

Halimbawa:

 

(1) Ang mabuting mamamayan ay may disiplina sa sarili.

Ang pariralang pangngalang ang mabuting mamayan ay maaring palitan ng panghalip na siya. Nasa kaukulang an gang pariralang pangngalang ang mabuting mamamayan, kaya’t ang panghalip na siya ay nasa kaukulang ang din.

 

MGA URI NG PANGHALIP

May apat na uri ang mga panghalip na panao, panghalip na pamatig, o panghalip na panaklaw, at panghalip na pananong.

 

Mga Panghalip na Panao

 

Ang panghalip na panao ay panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa:

Si Dr. Jose Rizal ay manggagamot ng baryo.

Ang si Dr.Jose Rizal ay maaring palitan ng siya, kaya tang pangungusap ay magiging:

Siya ay manggagamot ng baryo. O kaya’y

Manggagamot siya ng baryo.

 

Mapapangkay sa tatlong anyo ang mga panghalip na panao: panghalip panao sa anyong ang, panghalip panao sa anyong ng, at panghalip panao sa anyong sa.

Narito ang tsart ng mga panghalip na panao sa ibaa’t ibang anyo. Pinag – iiba rin sa tsart ang mga panghalip ayon sa panauhan o kung sno ang tinutukoy: unang panauhan (kumakausap), ikalawang panauhan (kinakausap), at ikatlong (pinag- uusapan).

Gayundin, pinapangkat ang mga panghalip ayon sa kailanan o bilang ng tinutukoy : isahan, dalawahan , at maramihan

 

 

 

       Tsart I    

Panauhan/kailanan    Anyong ang     Anyon ng       Anyong sa

                                 (palagyo)     (paukol)         (paari)

 

 

 

Isahan                

Una                ako                ko                  akin

Ikalawa          ikaw, ka         mo                iyo

Ikatlo             siya                niya               kanya

 

 

Dalawan

Una                *kata                    *nita                     *kanita

Kita, tayo               natin                     atin

Ikalawa          kayo                     inyo               inyo

Ikatlo             sila                       nila                kanilal

 

Maramihan                

Una                kami                      naming           amin

Ikalawa          kayo                      ninyo             inyo

Ikatlo             sila                       nila                kanila

 

*Bihira nang gamitin

Ipinakikita sa tsar tang mga panghalip na panao sa ibat ibang anyo, sa ibat ibang panauhan, at sa ibat ibang kailanan.

Ang pag-iiba ng anyo ng panghalip ay naayon sa mga kaukulan ng pangngalang hinihalipan ay nasa anyong ang, ang panghalip na maihahalili ay nasa anyong ang din.

 

Halimbawa:

Ang Unang Ginang ng bansa ay masigasig na tagataguyod ng kapakanang pang madla.

Ay magiging:

Siya ay masigasig na tagapagtaguyod ng kapakanang pangmadla.

Kung ang pangngalang hinahalipan ay nasa anyong ng, ang panghalip na maihahalili ay dapat na nasa anyong ng din. Halimbawa, ang pangungusap na:

 

Malaki at matataba ang mga baboy na alaga ni Mang Coro.

Ay magiging:

Malalaki at matataba ang mga alaga niya.

Samantala naman, kung ang pangngalang hinahalipan ay nasa anyong sa, ang panghalip na magagamit ay yaong nasa anyong sa rin. Halimbawa, ang pangungusap na: Ang aklat para sa guro ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.

Ay magiging:

Ang aklat para sa kanya ay tungkol sa industriya at ekonomiya ng bayan.

Sa panauhan malalaman kung ang panghalip ay tumutukoy sa taong kausap, sa taong kinakausap, o sa taong pinag-uusapan.

Ang kailanman naman ay tumutukoy sa bilang ng taong kinakatawan ng panghalip. Nasa kailanang isahan ang panghalip na panao kung tumutukoy sa isang tao; dalawahan kung dalawa ang itinutukoy, ay maramihan kung tatlo o higit pa ang tinutukoy.

 

Mga Panghalip na Pamatlig

Panghalip na pamatlig ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. Na ituturo o inihihimaton.

 

 

Halimbawa:

Gaya ng mga turista ang kapatid nito.

Ang nito ay may hinahanlinhang pangngalang at, gayundin, nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay itinuturo ng nagsasalita.\

Mapapangkat sa apat na uri ang mga panghalip na pamatlig: prominal, panawag- pansin o pahimaton, patulad at palunan.

 

Ang bawat uring pronominal ay yaong pamalit at nagtuturo lamang sa ngalan ng tao, o bagay, at wala nang iba pang kahulugang sangkap, tulad ng panghihimaton sa tao, o bagay, paghahambing, o pagsasaad ng pook na kinaroroonan ng tinutukoy, na siya namang kahulugang ng iba pang mga uri.

 

Ang bawat uri ng panghalip na pamatlig ay may apat na kategorya: malapit na malapit sa nagsasalita, malapit sa nagsasalit, malapit sa nakikinig, at malayo kapwa sa nagsasalita at nakikinig.

Ang pamatlig na pronominal ay mapapangkat din sa tatlong anyo ayon sa pagkakaugnay nito sa pokus ng pangungusap: anyong ang, anyong ng, at anyong sa.

Ang pamatlig na palunan ay pinaikling anyo lamang ng gaya at ng anyong ng upang magpahayag ng pagkakatulad ng mga tinutukoy ng nagsasalita.

Halimbawa

Gaya nire – ganire, gaya niyan- ganiyan/ganyan

Ang pamatlig napalunan ay masasabi namang pinaikling anyo ng nasa at ng anyong ang ng pamatlig na maaring ipalit sa mga kayariang nasa sa mga pusisyong kategoryang iyan, niyan,diyan,ayan,ganyan, at nariyan kung ang inihihimaton o ang itinuturo ay higit na malapit sa kinakausapan kaysa nagsasalita.

Iba’t ibang gamit sa pangungusap ng mga anyo ng pamatlig.

 

Simuno o kaganapang pansimuno ang gamit sa pangungusap ng anyong ang.

Halimbawa:

 

1.    Ito ay yaring Pilipino. ( simuno)

2.    Ang yaring Pilipino ay ito. (kaganapang pansimuno)

 

Ginagamit ang anyong ng na panghalili sa pariralang pang-ukol na nagpapahayag ng

diwang paari.

 

Halimbawa:

 

1.    Napapanahon ang kurso ng mag-aaral na ito.

2.    Napapanahon ang kurso nito.

Ginagamit ang anyong sa bilang panghalili sa pariralang pang-ukol ba pinangungunahan ng pang-ukol na sa at samakatwid ay nagsasaad ng lunan.

Halimbawa:

1.    Ang klima sa pook na ito ay mabuti sa kalusugan.

2.    Ang klima rito ay mabuti sa kalusugan.

 

 

Mga Panghalip na Panaklaw

 

Panghalip panaklaw ang tawag sa mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan

dami o kalahatan ng tinutukoy.

 

Narito ang halimbawa ng mga panghalip na panaklaw.

 

Isa                        anuman                        magkanuman

Iba                       alinaman                      kuwan

Balana                   sinuman                       lahat

Ilanman                 tanan                           kailanman

 

Halimbawa sa ilang pangungusap:

 

1.    Pinalabas ng guro ang isa.

2.    Balana ay humahanga sa kagandahan ng Bulkan Mayon.

3.    Sinuman ay maaring lumahok sa timpalak na ito.

4.    Hahanapin ka raw niya saanman.

5.    Nawawala ang kuwan.

 

 

 

 

 

Mga Panghalip na Pananong

 

Panghalip na pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao at bagay, na ginagamit sa pagtatanong. Kaganapang pansimuno ang gamit ng mga ito. Mapapangkat ang mga ito sa dalawang kailanan: isahan at maramihan

 

Narito ang talaan ng mga panghalip na pananong:

 

Isahan                          Maramihan

Sino                            sinu-sinu

Ano                             anu-ano

Alin                             alin-alin

Kanino                         kani-kanino

Ginagamit ang sino at kanino para sa tao; ang ano at alin ay para sa tao; ang ano atalin ay para sa bagay, hayop, o lunan.

 

PANDIWA

Ayon sa kahulugang pansemantika, ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.

 

Halimbawa:

Ang pulisya ay naglunsad ng puspusang kilusan sa pagsugpo ng pagkasugapa sa narkotiko.

Ang salitang naglunsad ay pandiwa sapagkat nagsasaad ng kilos o galaw.

 

Sa pananaw na istruktural, ang pandiwa ay nakikilala sa pamamagitan ng mga implekasyon nito sa ibat ibang aspeto ayon sa uri ng kilos nito.

 

Halimbawa:

1.    Nagdasal na ang mag-anak. (Perpektibo)

2.    Nagdarasal ang mag anak ngayon. (Imperpektibo)

3.    Magdarasal na ang mga mag-anak. (Kontemplatibo)

 

Ang mga pandiwang nagdasal, nagdarasal, magdarasal ay may ibat ibang anyo sa ibat ibang aspeto ng mga ito.

 

(1)  Kayarian ng Pandiwa

 

Ang pandiwa sa Pilipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang ugat at ng isa higit pang panlapi. Ang salitang – ugat ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa samantalang ang panlapi naman ang nagpapahayag bg pokus o relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.

 

Mga Kaganapan ng Pandiwa

Kaganapang ng pandiwa ang tawag sa bahagi ng panag – uri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.

Ang mga kaganapang tagaganap at kaganapang layon ay naipapahayag sa pamamagitan ng pariralang ng.

Halimbawa:

 

1.    Kinain ng bata ang suman at manggang hinog/

(Kaganapang tagaganap)

2.    Kumain ang bata ng suman at manggang hinog.

(Kaganapang layon)

 

Ang iba [ang kaganapan ay naipapahayag sa pamamagitan ng pariralang sa, o para sa, tulad ng mga halimbawa pariralang sa (sa phrase) sa mga sumusunod na pangungusap:

 

3.    Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nag-balikbayan. (Kaganapang tagtanggap)

4.    NAgtanim ng gulay sa bakuran ang aming katulong.

5.    Pinunasan ko ang mga kasangkapan sa pamamagitan ng basahang malinis. (kaganapang kagamitan)

6.    Nagkasakit siya dahil sa labis na panghitit ng opyo. (kaganapang sanhi)

7.    Ipinasyal ko sa tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa ‘Peace Corps’. (kaganapang direksyunal)

 

Katuturan ng mga Kaganapan

Ang kaganapang tagaganap ay ang bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.

 

Halimbawa:

 

Ipinagdiwang ng mga kabataan ang unang anibersaryo ng kanilang samahan.

Ang pariralang ng mga kbataan ay siyang nagsasaad kung sino ang gumaganap ng kilos ng pandiwa.

 

Halimbawa:

Nagpasadya ako sa Pasig ng binurdahang husi.

Ang pariralang ng binurdahang husi ang itinutukoy sa binili.

Ang kaganapang tagatanggap ay ang nagsasaad kung sino ang nakikinabang ng kilos ng pandiwa.

 

Halimbawa:

Nagluto sina Ingga ng halayang ube para sa aking mga panauhin.

Ang pariralang para sa aking mga panauhin ay nagsasaad kung ano para kanino ang nilulutong halayang ube.

 

Ang kaganapang ganapan ay ang nagsasaad ng lugar ng ginaganap ng kilos ng pandiwa.

 

Halimbawa:

Naglaro ng basketbol sa Rizal Stadium ang koponan n gaming

pamantasan.

Ang pariralang sa Rizal Stadium at nagsasaad kung saan naglaro ang koponan.

Ang kaganapang kagamitan ay nagsaad kung anong bagay, kagamitan o instrument ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

 

Binungkal ng tatay ang lupa sa pamamagitan ng asarol.

Ang pariralang sa pamamagitan ng asarol ay nagsasaad kung ano ang ginagamit upang mabungkal ang bukid.

Ang kaganapang sanhi ay nagsasaad kung ano ang dahilan ng pangyayari ng kilos pandiwa.

Halimbawa:

Yumaman siya dahil sa mina ng ginto.

Ang pariralang dahil sa mina ay nagsasaad ng ikinayaman ng tinutukoy.

 

 

 

\      Ang kaganapang direksyunal ay ang nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa.

 

 

Halimbawa:

Nagtungo sila sa Bicol.

 

Ang pariralang sa bicol ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng padniwa.

 

Mga Aspeto ng Pandiwa

 

Maraming makabagong lingwistiko ang naniwala na ang mga pandkwang Tagalog ay nababanghay sa aspeto at hindi dahil sa panahunan. Anila ay wala talagang pagkakaiba ang mga pandiwang Tagalog ayon sa panahunan na di tulad sa Ingles. Sa IIngles ay may pagkakaiba ang kilos ng pangnagdaan o pangkasalukuyan.

Halimbawa:

 

1.    My brother studied in Europe.

2.    My brothere studies in Europe.

 

Sa Tagalog, ang distingksyon ng kilos ay tulad sa pakakaiba ng aspekto ng mga pandiwa sa mga sumusunod na pangungusap:

1.    He ate his lunch early.

2.    He was eating his lunch.

 

Aspetong Pangnakaraan o Perspektibo

 

Nagpapahayag ang aspetong pangnakaraan ng kilos na nasimulan na at natapos na.

Ang implekasyon sa aspetong ito nabubuo sa pamamagitan ng mga sumusunod na tuntunin:

(a)   Kapag ang panlapong pandiwa ay may inisyal na ponemang /m/, ang /m/ ay nagiging /n/

 

 

 

Halimbawa:

 

Anyong Pawatas                          Aspetong Pangnakaraan

Magsaliksik                                 Nagsasaliksik

Manghakot                                 nanghakot

Maunawaan                                nauunawaan

 

(b)   Kapag ang pandiwa ay banghay sa –um/-um, ang panalaping ito ay nanatili sa pangnakaraan at walang pagkakaiba.

Halimbawa:

 

Anyong Pawatas                          Anyong Pangnakaraan

Umunlad                                     umunlad

Yumuko                                     yumuko

c. Kapag ang pandiwa ay banghay sa hulaping –an/-han ay nanatili ngunit nagdaragdag ng unlapiong –in kung ang pandiwa ay nagsisimula sa patinig, at gitlaping –in- naman kung ang pandiwa ay nagsisimula sa katinig

 

Halimbawa:

Anyoong Pawatas                        Anyong Pangnakaraan

Alatan                                       inalatan

Sabihan                                     sinasabihan

 

 

 

Taliwas sa tuntuning ito ang –an/-han na may kakambal na unlaping ma-. Kapag ang pandiwa ay banghay sa kabilang panlaping ma– an/han ay nagiging na-

 

 

Halimbawa:

 

Anyong Pawatas                                Anyong Pangnakaraan

Matamaan                                        natamaan

Masabihan                                        nasabihan

 

Dapat ding banggiting ang panlaping –in- nas idinaragdag sa anyong pangnakaraan ng mga pandiwang may –an/-han ay nagiging ni- kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /l/. Opsyunal ang ganitong pagpapalit kung ang pandiwa ay nagsisimula sa /r/, /w/, p /y/.

 

Mga Halimbawa:

Anyong pawatas                                Anyong Pangnakaraan

Lagutan                                            nilagutan

Ligawan                                            niligawan

Regaluhan                                        niregaluhan

Walisan                                            niwalisan

 

 

 

Aspetong Pekpektibong Katatapos

 

Sa mga pandiwang tagalaog ay matroon ding aspetong pangnakaraan katatapos o aspetong perpektibong katatapos. Nagsasaad ito ng kilos na kayayari o katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Maihahanay na rin ang aspetong ito sa aspetong katatapos lamang na nabubuo sa pamamagitan ng unlapong ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o patinig ng salitang-ugat.

 

Halimbawa:

Anyong Pawatas                                Aspetong katatapos

Tumula                                             katutula

Uminog                                            kaiinog

Masulat                                            kasusulat

Makalibot                                          kalilibot

Magpatala                                         kapatatala

 

Pansining sa huling halimbawa ang salitang inunlapian ay pangangalang hango na binubuo ng salitang ugat na tala at ng panglaping pa-. Ang iba pang ngalang hango na nagiging pandiwa sa mag- at nalalgyan ng aspektong pangnakaraan katatapos ay yaong may pang- at ma-.

Aspetong Pangkasalukuyan o Imperpektibo

 

Ang aspetong pangkasaliukuyan o imperpektibo ay nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit, di pa natatapos at kasalukuyang ipinagpapatuloy. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat at gayundin sa pamamagitan ng ibat ibang tuntuning tinalakay sa ilalim ng aspetong perpektibo. Samakatwid, ang aspetong pangkasaliukuyan ay tulad din ng aspetong pangnagdaan; inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang salitang-ugat.

 

Halimbawa;

Anyong Pawatas    

 

Anyong          Pangnakaraan                Aspetong Kasalukuyan

Magsaliksik     nagsaliksik                    nagsasaliksik

Manghakot      nanghakot                    naghahakot

Umunlad         umunlad                       umuunlad

Yumuko          yumuko                        yumuyuko

Alatan            inalatan                        inaalatan

Sabihan          sinabihan                      sinasabihan

Pagtawanan    tinawanan                     pinagtawanan

Pagbilhan        pinagbilhan                   pinagbibilhan

 

Aspetong Panghinaharap o Komplatibo

 

Ang aspetong panghinaharap ay nanglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan.

Nabubuo ito sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang katinig-patinig o unang patinig ng Salitang-ugat o pangngalang hango. Walang pagbabago sa taglay na panlapi.

Samakatwid, ang aspetong panghinaharap ay tulad din ng anyong pawatas; inuulit lamang ang unang katinig-patinig o unang patinig ng salitang-ugat.

 

 

Ang tanging taliwas sa tun tunin ay ang banghay sa –um/-um-. Ang panglaping –um/- um- ay nawawala sa aspetong panghinaharap.

 

Halimbawa     

 

Anyong Pawatas                                Aspetong Panghinaharap

       Magsaliksik                                magsasaliksik 

Umunlad                                    uunlad

       Yumuko                                     yuyuko

Alatan                                       aalatan

 

Mga Pandiiwang Di- Karaniwan

 

Pandiwang di-karaniwan ang tawag sa mga pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabagong morpoponemikong pagkakaltas ng ponema o mga ponema, pagpapalit ng ponema, metatesis.

Narito ang ilang halimbawa ng mga pandiwang di-karaniwan na may pagkakaltas ng mga ponema.

Salitang Ugat  +     Panlapi    Di-karaniwan   Anyong Pawatas

Buhos            +     an           buhusan         busan

Dumi             +    han         dumihan         dumhan

Higit               +     ma.an     mahigitan        mahigtan

 

May mga halimbawa rin na ang pagbabagong nagaganap ay hindi lamang pagkakaltas kundi nagkakaroon din ng dagdag na ponema, tulad ng dinig +-in- dinigin-dinggin

Narito naman ang ilang halimbawa ba nay metatesis o paglilipat ng mga penema. Mapapansing sa metatesis ay mayroon ding nawawalang ponema.

 

Salitang – ugat       +     Panlapi    di- Karaniwan  Anyong Pawatas

Atip        +     -an                atipan            aptan

Silid        +     -an                silidan            sidlan

Tanim     +     pag-..-an        pagtaniman    pagtamnan

 

Ang mga sumusunod na halimbawa naman ay mga pandiwang may ponema o mga ponemang napapalitan ng ibang ponema.

 

Salitang Ugat  +     Panlapi    Di Karaniwan   Anyong Pawatas

Tawa              +     -han        tawahan         tawanan

Halili               +     -han        halilihan          halinhan

Pawis             +     pag-..-an pagpawisan     pagpusan

 

PANG-URI

 

Ang mga pang-rui ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng taom hayop, bagay, lunan atbp. Na tinutukoy ng pangngalang o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap.

May ibat-ibang gamit ang pang-uri sa loob ng pangungusap: pang –uuring pangngalan o panghalip, pang-uring ginagamit bilang pangngalan, at kaganapang pansimuno.

 

Halimbawa:

1.    Panuring ng Pangngalan

(a) Mararangal na tao ang pinagpala.

Panuring ng panghalip

(a) Kayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.

 

2.    Pang-uring ginagamit bilang pangngalan

(a) Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo

 

3.    Pag-uring kaganapang Pansimuno

(a)   Mga madasalin ang mga Pilipino.

 

Kayarian ng Pang-Uri

 

Mapapangkat sa apat na kayarian ang mga pang-uri: payak, maylapi, inuulit, at tambalan

 

 

 

Payak ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang

lapi.

 

Halimbawa:

 

1.    Mainit ang ulo ng taong gutom.

2.    Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.

 

Maylapi ang pang-uri kung binubuo ng salitang-ugat na may lapi. Tinatawag na panlaping makapang-uri ang mga panlaping ginagamit sa pagbuo ng pang-uri Ginagamit ang mga panlaping ka-, ma-, maka- at mala.

 

Halimbawa:

Kalahi      kayganda

Mataas    makatao

 

Ang pang-uring inuulit ay salitang-ugat o salitang maylapi na may paguulit.

Maaring ganap o di ganap ang pag-uulit.

 

Halimbawa:

PAg-uulit na ganap: (ang) puti-puti

Puting-puti Maputing-maputi

 

Pag-uulit na di-ganap:- (ang) liliit

Maliit

 

Tambalan ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa. Ang mga ganitong pang-uri ay maaring may kahulugan karaniwan o patalinghaga.

 

Halimbawa:

Karaniwang Kahulugan   Taus-puso      biglang-yaman

Bayad-utang   hilis-kalamay

 

Patalinghagang Kahulugan     Kalatog-pinggan

Bulang-gugo

 

 

 

 

 

Kailanan ng Pang-uri

 

May tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.

Anyong isahan ang ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan; anyong dalawahan kung dalawa ang inilalarawan; at anyong maramihan kung higit sa dalawa ang inilalarawan.

 

Halimbawa:

1.    Kalahi ko siya (isahan)

2.    Magkalahi kaming dalawa. (Dalawahan)

3.    Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)

Ang anyong isahan ay naipakikita sa paggamit ng panlaping pang-isa, tulad ng ma,ka,pang nang walang pag-uulit ng unang P o KP ng salitang ugat o walang panandang mga, o ibang pang salitang nagsasaad ng bilang na higit sa isa.

 

Halimbawa:

1 Magkamukha ang magkapatid na Nica at Zsa Zsa.

2.    Magsinlaki sina Dannize at Chris

3.    Magkasingganda ang damit ninyo.

 

Ang anyong maramihan ay naipapakita sa pamamagitan ng pantukoy na mga, sa pag uulit ng unang P o KP ng salitang ugat o sa pag uulit ng pantig n aka sa mga panlaping magka at magkasing ; o sa paggamit ng salitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa.

Halimbawa:

 

1.    Mga mapagkakattiwalaang kawaksi sa bahay ang mga iyan.

2.    Malilintog na ang mga butyl ng palay.

3.    Magkakakulay ang mga Pilipino, Indonesyo, at Malayo

 

Ang pantukoy sa mga ay maaring samahan ng pang-uring may panlaping ma na nasa anyong isahan o maramihan

 

 

Kaantasan ng kasidhian ng pang-uri

 

1.    Lantay ang karaniwang anyo ng kasidhian ng pang uri, tulad ng mayaman, pang araro, palabiro.

2.    Katamtamang antas ay naipakita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang medyo, bahagya, nang kaunti o sa pag uulit ng salitang ugat o dalawang pantig nito.

 

Halimbawa:

1.    Medyo hilaw ang sinaing

2.    Labis nang bahagya ang pagkain

3.    Masidhi ang ikatlong antas at naipapakita sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping napaka, nag. an, pagka at kay ; ng mga salitang lubha, masyado, totoo , talaga.

 

Halimbawa:

1.    Mataas na mataas pala ang Bundok ng Apo

2.    Napakalamig pala sa Lalawigang Bulubundukin.

 

Hambingan ng mga Pang-uri

 

Pang uring pahambing ang tawag sa mga pang-uring naghahambing ng dalawang tao, bagay, pook

Pasukdol naman ang tawag sa mga pang uring naghahambing ng higit sa dalawa.

 

 

 

Dalawang uri ng pang-uring pahambing:

 

1.    Pahambing na magkatulad kung ang mga pinaghahambing ay pareho o magkapatas ng uri o katangian. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga panlaping ka, sing, kasing, at ng mga salitang pampaunlad tulad ng gaya, tulad, paris, kapwa

Halimbawa: a- Kamukha ni Mike ang ama niya.

b- Kasingganda niya ang kanyang kapatid.

 

2.    Di-magkatulad ang hambingan kung ang mgma pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian. Naipapakita ito sa pamamagitan ng mga salitang paghahambing tulad ng kasya, di-tulad, di-gaya, di gaano.

Halimbawa: Malayo ang Kalinga kaysa Baguio kung manggaling sa Maynila.

 

3.    Panukdulan ng pang-uri ay napakikita sa pamamagitan ng mga panlaping pinaka, walang kasing.

 

Halimbawa:    a- Pinakatanyag na laro sa Pilipinas ang basketbol.

b- Walang kasing sungit ang matandang dalaga.

 

Mga Pamilang

 

Ibinibilang sa mga pang uri ang mga pamilang sapagkat ginagamit na panuring ng pangngalang o panghalip.

Halimbawa: a- Limang malalaking kaimito ang uwi niyang pasalubong. Ang pamilang na lima ay panuring ng pangngalang kaimito.

Mga uri ng Pamilang

Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal

Ang pamilang na panunuran ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunod-sunod ng tao, bagay, atbp may panlapi itong ika-, o pang-.

Halimbawa:

 

Pamilang na Patakaran o Pamilang na Kardinal

 

Isa                              siyam                           labinpito

Dalawa                         sampu                          labingwalo

Tatlo                                  labing-isa                     labinsiyam

Apat                            labindalawa                   dalawampu

 

 

Pamilang na panunuran

 

Anyong Ika-                                                    Anyong Pang-

 

 

 

Una                                                         pang-una

Ikalawa                                                   pangalawa

Ikatlo                                                      pangatlo

 

Ang mga pamilang na patakaran ay batayan ng iba pang pang-uring pamilang: (1) Pamilang na pamamahiga (fraction). (2) pamilang na palansak o pangkat-pangkat (collective-distributive) at (3) pamilang na pahalaga (unitary collective)

 

PANG-ABAY

Ang pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, pandiwari at iba pang pang-abay. Ang pang-abay ay nahahati sa ibat ibang uri: 1. Pamanahon, 2. Panlunan, 3. Pamaraan, 4. Panggaano, 5. Pang-agam, 6. Pananggi at panang-ayon, at 7. Panulad

 

Pang-abay na pamanahon

 

Ang pang-abay na pamanahon ay karaniwang nagbibigay turing sa pandiwa at pang-uri at nagsasaad ng panahon. Sinasagot ng pang-abay ang tanong na “kalian”.

Halimbawa :   Ang pangulo ay dumating kahapon.

Masaya kagabi ang tatay.

 

Ang iba pang mga pang-abay na pamanahon ay gaya ng: mindan bukas,

 

Kamakalawa, ngayon,dati, lagi, bihira at iba pang mga salitat pariralang nagsasaad ng panahon.

 

 

Pang-abay na panalunan

Ito ay pang-abay na sumasagot sa tanong na “saan” at madalas na nagbibigay- turing sa pandiwa at pang-uri.

 

Halimbawa:    Dito nakatira ang guro nina Teodora.

Si Lyn ay maligaya roon ngunit siyay malungkot ditto.

Pang-abay na pamaraan

 

Ang pang-abay na ito ay nagsasabi kung paano ang pagganap na binabanggit sa pandiwa. Ang mga pang-uring inuunlapian ng “ma” ay ginagamit ding pang-abay na pamaraan.

 

Halimbawa:    Ang manlalaro ay patakbong umalis.\

Marahang lumapit ang pulis at hinuli ang magnanakaw.

 

Pang-abay na panggaano

 

Karamihan sa mga pang-abay na itoy mga pang-uri rin. Sinasaklaw ng uring ito and “dami” na binabanggit sa pandiwa. Nagbibigay turing din ang pang-abay na ito sa pang-uri.

 

Halimbawa: Ang bata ay busog na, huwag mo na siyang pilitin.

 

Maraming sinba ang matalas na babae ngunit ang kausap ay hindi man lamang sumagot gaputok man.

 

Pang-abay na pang-agam

 

Kapag ang nilalaman ng pandiwa o pang-uriy nagkakaroon ng diwa ng pag- aalinglangan at di-katiyak, ang pang-abay na pang-agam ay ginagamit.

Halimbawa Sasama marahil ang ama ni Gliza sa pagdiriwang. Ang kalahok ay tila nahihiya sa mga tao.

 

Pang-abay na pananggi at panang-ayon

 

Ang pang-abay na pananggi ay nagbibigay-turing sa pandiwa at pang-uri at ang diwang isinasaad ay pag-ayaw o kayay pagtanggi.

Halimbawa: Huwag kayong mabahala at tutuparin nila ang kan ilang pangako.

Ayaw magluto ni Nanay sa dahilang siyay bumili na lamang ng pagkain sa restaurant.

 

Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ngn pagsang-ayon at pagkatig sa kahulugang binabanggit sa pandiwa at pang-uri

Halimbawa: Oo, nakalampas na si Crispin sa mahigpit na pagsusulit.

Tunay na maligaya na ngayon ang mag-anakk na Dioneda

Pang-abay na panulad

 

Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa o kayay paghahambing ng mga pang-uri.

 

Halimbawa: Lalong nasasayahan si Gloria ditto sa Maynila kaysa lalawigan.

Si Mang Pedro ay higit na mayaman kaysa kay Aling Juana.

MGA PANG-UGNAY

 

PANG-UKOL

 

Ang pang-ukol na panulad ay nag-uugnay sa pangalang o panghalip sa ibang mga salita sa pangungusap. Ang pang-ukol ay maaring isang salita o kayay dalawang salita.

 

Pang-ukol na isang salita

 

Halos “sa” lamang ang siyang ginagamit na pang-ukol na isang salita. Ginagamit din kung minsan ang “ng”

Halimbawa:    Ang mga pagkain ay inilagay na sa mesa.

Ang alagang aso ay pumanhik ng (sa) bahay.

 

 

Pang-Ukol na Dalawang Salita

 

Halimbawa: Ang mga ala-alang ito ay para sa iyong ina.

Ayon sa balita, nagkaroon dawn g mahigpit na pagtatalo sa Kongreso

Ang pang-ukol na sinusundan ng pangngalan o panghalip ay siyang bumubuo ng pariralang pang-ukol.

Halimbawa:    sa bahay                              ukol sa iyo

Bahay na may ilaw                punong may bunga

 

PANGATNIG

 

Ang pangatnig ay nag-uugnay ng kapwa salita, parirala at sugnay. Ang pangatnig ay maaring panimbang, paninsay, panubalim pamukod, pananhi, at panapos.

 

Pangatnig na panimbang

 

Tinatawag na panimbang ang pangatnig na ginagamit kapag ang dalawangsalita, parirala o sugnay na pinag-uugnay ay magkasing-halaga o magkasintimbang. Kabilang sa mga ito ang at, saka, at saka.

Halimbawa: Ang palatuntunan ay sinimulan ngunit wala ang panauhing tagapagsalita.

Si Lourdes ay dadalo sa ating kasal bagaman masama ang kanyang loob.

 

 

Pangatnig na panubali

 

Ito ay nag-uugnay ng mga kaisipang pasumala o may pasubali.

Halimbawa: Pag nasira ka sa iyong pangako, sila ay hindi na maniniwala sa iyo.

Kung ikaw ay dadalo sa handaan, tumawag k asana kay Elisa.

 

Pangatnig na pamukod

Ang pangatnig na itoy nagbubukod ng dalawa o mahigit na tao bagay na binibigyang linaw.

Halimbawa:           Si Nestor ba o ikaw ang kandidato.

Ni ikaw ni ako ay hindi dadalo sa handaan.

 

Pangatnig na pananhi

 

Ginagamit ang pangatnig na ito kapag ang diwang iniugnay ay isang pangangatwiran o isang kadahilanan ng binananggit sa inuugnayan.

Halimbawa: Dahil sa malayo ang bahay sa simbahan, ang mga bata ay madalas na hindi makasimba

Si Felisa ay nahinto sa pag-aaral pagkat napaalis sa pina-pasukan ang kanyang ama.

 

 

 

 

 

 

Pangatnig na panlinaw

 

Ang pangatnig na panlinaw ay nag-uugnay sa isang kaisipang nagpapaliwanag sa ibang mga bagay na binabanggit o binanggit na.

Halimbawa: Ang sabi nilay wala na sa talaan ng tanggapan ang iyong pangalan, samakatwid inalis ka na nila sa iyong Gawain.

Pawang masama ang kanilang ginagawa at sinasabi, kung gayon nararapat nang paalisin sila sa lalong medaling panahon.

Ang iba pang mga pangatnig na panlinaw na lalong gamitin ay: alalaong baga, alalaong sana, sa katagang sabi, sa tahasang sabi at iba pa na pawing binubuo ng mahigit sa isang salita.

 

 

Pangatnig na panapos

 

Kapag ang diwang iniuugnay ay nagsasaad ng kawakasan, ang pangatnig na ginagamit ay pangatnig na panapos.

Halimbawa: Nayari na ang lahat ng Gawain sa loob ng linggong ito, at at saw akas kami ay makauuwi na.

Ang mga dala-dalahay makahanda nang lahat, sa lahat ng uti, nagpapaalan na kami sa inyo.

 

 

PANDAMDAM

 

Ang pandamdam ay isang bahagi ng panalitang nagpapahayag ng damdaming di karaniwan. Maaring isang kataga, salita o lipon ng mga salita ang isang pandamdam.

Halimbawa: Ay! Hanggang kalian pa kaya ang hirap na ito.

Mabuhay! Tiyak na siya ang panalo.

 

 

 

Ano ka aba! Bakit ka nakatulala?

 

SUGNAY AT PARIRALA

 

ANG SUGNAY ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panag-uri na maaring may buong diwa o di-buong diwa.

1.    Sugnay na makapag-iisa- may simuno at panaguri na may diwa.

Halimbawa:    1. Nang si Leo ay dumating

2.    Sapagkat siyay nanalo

 

2.    Sugnay na di-makapag-iisa – may simuno at panaguri ngunit walang buong diwa

Halimbawa:    1. Umawit siya.

2. Mabalis silang magtrabaho.

 

ANG PARIRALA ay lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri. May ibat ibang uri ito ayon sa kayarian.

 

1.    Pariralang pang-ukol- binubuo ng pang-ukol na sa at layon ( pangngalan o panghalip)

Halimbawa:    1. Sa Legaspi

2.    Ng ibon

3.    hinggil sa tubig

 

 

 

2.    Pariralang pawatas – binubuo ng pantukoy at pawatas na pandiwa (may panalapi)

Halimbawa:    1. Sa nanatili

2.    Ang mga tumayo

3.    Ang mga lumabas

 

3.    Pariralang pangngalang-diwa – binubuo ng pantukoy at pangngalang pandiwa (pag+salitang ugat)

Halimbawa:    1. Sa pagtuklas




BACK