1. Sinabi
ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.”
Ano ang kahulugan nito?
a. Ang
Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
b. Ang
Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
c. Ang
Pilipino ay galing sa mayamang lahi
d. Ang Pilipino
ay madaling maipagbili
2. Alin sa
mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?
a. Ang mga
kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
b. Ang
kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
c. Ang mga
kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga
kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.
3. Piliin
ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.
a.
Pangarap
b.
Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha
ng impormasyon
d.
Pagbabahagi ng damdamin
4. Ang
kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino
ay
a.
Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
b.
Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
c.
Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
d.
Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino
5. Laging
UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.
a.
Sumasagi
b.
Gumugulo
c.
Bumubuhay
d.
Sumasapi
6. Ang
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa
ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?
a.
Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
b. Alamin
ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
c. Ipunin
ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
d. Bayaang
magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa
7. Ano ang
pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?
a. Pokus
sa direksyon
b. Pokus
sa kagamitan
c. Pokus
sa sanhi
d. Pokus
sa aktor
8.
Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang
maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay
a. Kuripot
b. Matipid
c. Maramot
d.
Praktikal
9. Nasa
anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?
Naglaro ng
basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.
a. Sanhi
b.
Tagaganap
c.
Kagamitan
d. Ganapan
10, Sa
aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang
nakabasag ng pinggan?
Hindi si
Rose ang nakabasag ng pinggan.
a. Rose
b. Hindi
c.
Nakabasag
d. Pinggan
11. Anong
tayutay ang tinutukoy sa pahayag.
Durog ang
katawang bumagsak sa semento si Miguel.
a.
Pagtutulad
b.
Pagbibigay katauhan
c.
Pagmamalabis
d.
Pagwawangis
12. Sino
ang pinagkalooban ng karangalan bilang “Unang Tunay na Makata” noong 1708?
a. Jose
dela Cruz
b. Felipe
de Jesus
c.
Francisco Balagtas
d. Jose
Corazon de Jesus
13.
“Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong
uri ng pangungusap ito?
a. Payak
b.
Tambalan
c.
Hugnayan
d.
Langkapan
14.
Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.
a. ng – ng
b. nang –
nang
c. ng –
nang
d. nang –
kapag
15. Ang
butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay
tumutukoy sa katotohanan ng ______.
a.
Pagnanakaw
b.
Pagtatanan
c.
Pagpapakasal
d.
Pakikipagkaibigan
16. Anong
uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?
a. Malumi
b. Mabilis
c. Maragsa
d. Malumay
17. Ang
katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?
a.
Palabuuan
b.
Pangkayarian
c.
Pangnilalaman
d.
Palaugnayan
18. Ang
panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap arukin.
a. Abutin
b. Unawain
c. Sukatin
d.
Tanggalin
19. Ang
wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng
wikang Filipino?
a. Bahasa
c.
Nihonggo
d.
Mandarin
d.
Malayo-Polinesyo
20. Ano
ang katumbas ng “Dekalogo” ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa
Filipino?
a. Mosaic
Law
d. Code of
Ethics ni Kalantiaw
c. New
Society ni Pres. Marcos
d. Code of
Citizenship ni Pres. Quezon
21. Siya
ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom?
a. Ang
bilang ng tao sa bahay
b. Ang
kayamanan ng may-bahay
c. Ang
datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay
d. Ang
datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay
22. Kami
ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may
salungguhit?
a.
Pagtukoy
b. Pagpuri
c.
Panghalip
d.
Pagmamalaki
23. Walang
tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:
a. May
paksa
b. Walang
pandiwa
c. May
panaguri
d. Walang
paksa
24.
Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin
ng salitang may malaking titik ay:
a. Kuripot
b. Traydor
c. Duwag
d.
Mahiyain
25.
Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!”
a.
Pananakot
b.
Pagtukoy
c. Babala
d. Paalala
26.
Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at
tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang
_____.
a. Luha ng
Buwaya
b. Banaag
at Sikat
c. Ibong
Mandaragit
d.
Pangginggera
27. Ayon
kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
a. jeproks
b.
nag-aartista
c.
nakapagtatapos sa pag-aaral
d. hindi
sumusunod sa magulang
28. Noong
taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng
pagtatapos?
a.
Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles
b.
Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
c.
Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
d.
Nalimbag sa Filipino ang diploma
29. Ang
gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring
a.
Sanaysay
b. Nobela
c.
Panulaan
d.
Maikling kwento
30. Alin
sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?
a. Ang
hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
b. Kinuha
ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
c. Kinuha
sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
d.
Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.
31. Hindi
totoo ang katapangan na ipinapakita ni Vincent sa harap ni Lalie sapagkat BAHAG
ANG BUNTOT niya sa harap ng paghihirap.
A.
Matapang
B.
Matiyaga
C. Duwag
D. Malakas
ang loob
32.
NAG-ALSA BALUTAN si Claudia dahil sa malimit umanong pananakit ni Reymar.
A. Lumayas
B.
Nagtampo
C. Nagtago
D.
Nagmaktol
33. Ang
________________ ng mga Nars ay dininig ng komite kahapon.
A.
Pakiusapan
B.
Pakikipag-usap
C.
Ipakiusap
D.
Pakiusap
34.
Lumapit si Prink kay Eadji at sinabing, “ __________ mo si Landon ng pagkain sa
kusina.”
A. Utusan
B. Kunin
C. Kunan
D. Hanapan
35.
Nakatulog si Jana sa kanilang opisina dahil sa HIMINGTING ng kapaligiran. Ano
ang kahulugan ng salita na nasa malalaking letra?
A.
Kaingayan
B.
Kapayapaan
C. Lakas
ng hangin
D.
Katahimikan
36. Ang
sentro ng pagdiriwang ng SENTENARYO ay sa Kawit, Cavite. Ang kasing-kahulugan
ng salitang nasa malalaking letra ay:
A. Ika-50
taon
B.
Panghabang panahon
C.
Ikasandaang taon
D. Ika- 25
taon
37. “Ang
sinuman ay makabubuo ng matibay na lubid kung pagsasama-samahin ang sinulid.”
Ang ibig sabihin nito ay?
A. Ang lakas
ng tao ay nasa pagkakaisa nila.
B.
Kailangan magkaisa tayong lahat.
C.
Magkakaiba ang mga tao kaya hirap magkaisa.
D.
Nagkakaisa ang mga tao.
38. MALIIT
ANG SISIDLAN ni Dian kaya iniiwasan siyang tuksuhin ng mga kasama. Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Walang
pasensya
B. Walang
pagtitimpi
C. Walang
galang
D. Walang
lakas ng loob
39. Siya’y
isang bulag ngunit kaya niyang gumuhit ng larawan. Siya’y isang
___________________
A.
Imbentor
B.
Manunulat
C.
Dalubhasa
D. Pintor
40. Anong
hukuman ang siyang _____________ ng mga kaso ng korupsyon.
A. Court
of Appeals-manglilitis
B.
Sandigan Bayan-naglilitis
C. Korte
Suprema-maglilitis
D.
Ombudsman-tagapaglitis
41.
_________________ mo naman sa kanila na magdala ng mapagsasaluhan.
A.
Usap-usapan
B. Usapin
C.
Ipakiusap
D.
Pakiusap
42.
“Gamitin ninyo sa pakikipagkaibigan ang kayamanan ng sanlibutang ito. Maubos
man ito ay may tatanggap naman sa inyo sa tahanang walang hanggan.” (Luk 16:9)
Ano ang
kahulugan ng sanlibutan?
A. Mga
israelita lamang
B.
Apostoles
C. Dukha
D.
Katauhan
43. Ano
ang pangungusap na dapat mauna?
I. Ngunit
ang pagtatalo ay hindi dapat nauuwi sa pagkakagalit.
II.
Natural lamang ang pagkakaroon ng magkakaibang pala-palagay ang mga tao.
III. Sa
mga mag-asawa man ay hindi maiiwasan ang pagkakaiba ng opinyon.
IV. Kahit
sa magkakapatid, karaniwan na ang hindi pagkakasundo.
V. Upang
maiwasan ito, nararapat lamang na maging bukas ang ating isipan sa paniniwala
ng iba.
A. I.
B. II
C. III
D. IV
44. Alin
sa mga sumusunod ang hindi nabibilang na kasingkahulugan ng salitang
pala-palagay?
A.
Opinyon.
B.
Kuru-kuro
C.
Paniniwala
D. Akala
45. May
pera sa basura. Huwag mong pagtakhan iyan. Isa-isahin mo ang laman ng iyong
basurahan. Tiyak na may papel na walang sulat sa likod at maaari mo pa itong
sulatan. Kung minsan, may mga papel at notebook na may sulat pero pwede mo
namang ipagbili. May mga bukas na lata na maaari mo rin namang tamnan o kaya’y
pwedeng balutin ng wrapping paper upang paglagyan ng lapis, bolpen, krayola,
aspile o kaya’y pako. Ang pinagbalatan ng sibuyas, patatas at saging, sanga ng
kangkong, tira-tirang pagkain ay maaaring maging pagkain ng baboy at maaari rin
itong maging pataba sa lupa. Tunay na may pera sa basura kung magtitiyaga
lamang at magiging malikhan upang ang patapong mga bagay ay maging
kapaki-pakinabang. Anong uri ng texto ang seleksyong binasa?
A.
Informativ
B.
Argumentativ
C.
Prosijural
D. Narativ
46.
____________ magtrabaho sina Fred at Jose.
A.
Magkasinbilis
B. Magkasingbilis
C.
Napabilis
D.
Magkasimbilis
47.
Samahan mo si Lola sa palengke _____ hindi maligaw.
A. kung
saan
B. noong
C. ng
D. nang
48. Upang
lalong maging ______________ ang patakaran ng Pangulo na mabago ang pamamalakad
sa bansa, ipinasya niyang magkaroon ng pagbabagong tatag sa lahat ng sangay ng
pamahalaan.
A.
marangal
B. mabisa
C. tanyag
D. malinaw
49.
Nakalulungkot isipin na ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay ______________
sa masamang bisyo.
A.
nababalisa
B.
nalalayo
C.
nabubuyo
D.
nababalot
50.
________ ng mga pulis ang kadena sa kanyang mga kamay.
A.
Nalagyan
B.
Nilagyan
C.
Inilagay
D.
Naglagay
Answers:
1A
2C
3D
4B
5B
6B
7D
8D
9D
10B
11C
12B
13D
14C
15B
16A
17C
18B
19D
20A
21D
22A
23D
24C
25C
26B
27D
28D
29D
30B
31C
32A
33D
34C
35D
36C
37A
38A
39D
40B
41C
42D
43B
44C
45A
46B
47D
48B
49C
50C