FILIPINO (1-30)


1. Sinabi ni Carlos P. Romulo sa isa niyang akda, “Ang Pilipino ay may dugong maharlika.” Ano ang kahulugan nito?

a. Ang Pilipino ay nanggaling sa malayang lahi
b. Ang Pilipino ay sadyang mabuti ang budhi.
c. Ang Pilipino ay galing sa mayamang lahi
d. Ang Pilipino ay madaling maipagbili
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakatamang pangungusap?

a. Ang mga kabataan sa lansangan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan.
b. Ang kabataan ay naglalaro kung maliwanag ang buwan at nagtatakbuhan sa lansangan.
c. Ang mga kabataan ay naglalaro at nagtatakbuhan sa lansangan kung maliwanag ang gabi.
d. Ang mga kabataan kung maliwanag ang buwan ay nagtatakbuhan sa lansangan at naglalaro.

3. Piliin ang gawi ng pagsasalita: Kasiyahan ko nang makitang kayo’y nagmamahalan.

a. Pangarap
b. Pagkontrol ng kilos
c. Pagkuha ng impormasyon
d. Pagbabahagi ng damdamin

4. Ang kaugnayan ng pagkakapatay kina Burgos, Gomez at Zamora sa panitikang Pilipino ay

a. Nanatiling masigla ang diwang Pilipino
b. Nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino
c. Natutong lumabag sa batas at lumaban sa may kapangyarihan ang mga Pilipino
d. Naimpluwensyahan ang diwang alipin ng mga Pilipino
5. Laging UMUUKILKIL sa isipan ng ama ang nasirang pangako ng anak.

a. Sumasagi
b. Gumugulo
c. Bumubuhay
d. Sumasapi
6. Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas ay gulong-gulo kapag may giyera sa ibang bansa. Ano ang unang ginagampanan ng ambassador ng bansa?

a. Bilangin ang mga nasugatan at nasawi
b. Alamin ang mga tirahan ng mga Pilipino sa bayang iyon.
c. Ipunin ang mga maykaya at ipalipad pauwi.
d. Bayaang magsipag-uwian sa sariling sikap ang bawat isa

7. Ano ang pokus ng pandiwa sa pahayag na “Bumili ng bagong sasakyan si Angelo”?
a. Pokus sa direksyon
b. Pokus sa kagamitan
c. Pokus sa sanhi
d. Pokus sa actor

8. Kabaliwan at paglulustay ang inyong ginagawa taon-taon. Higit na marami ang maralitang nangangailangan ng salapi at dunong. Ang nagsasalita ay

a. Kuripot
b. Matipid
c. Maramot
d. Praktikal

9. Nasa anong kaganapan ng pandiwa ang pangungusap?
Naglaro ng basketball sa Rizal Stadium ang koponan ng aming pamantasan.

a. Sanhi
b. Tagaganap
c. Kagamitan
d. Ganapan

10, Sa aling salita magkakaroon ng saglit na paghinto kung pinagpipilitang si Rose ang nakabasag ng pinggan?
Hindi si Rose ang nakabasag ng pinggan.

a. Rose
b. Hindi
c. Nakabasag
d. Pinggan

11. Anong tayutay ang tinutukoy sa pahayag.
Durog ang katawang bumagsak sa semento si Miguel.

a. Pagtutulad
b. Pagbibigay katauhan
c. Pagmamalabis
d. Pagwawangis

12. Sino ang pinagkalooban ng karangalan bilang “Unang Tunay na Makata” noong 1708?

a. Jose dela Cruz
b. Felipe de Jesus
c. Francisco Balagtas
d. Jose Corazon de Jesus

13. “Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng pangungusap ito?

a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
d. Langkapan

14. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.

a. ng – ng
b. nang – nang
c. ng – nang
d. nang – kapag

15. Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa katotohanan ng ______.

a. Pagnanakaw
b. Pagtatanan
c. Pagpapakasal
d. Pakikipagkaibigan

16. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?

a. Malumi
b. Mabilis
c. Maragsa
d. Malumay

17. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?

a. Palabuuan
b. Pangkayarian
c. Pangnilalaman
d. Palaugnayan
18. Ang panukalang inihain niya ay lubhang malalim at mahirap arukin.

a. Abutin
b. Unawain
c. Sukatin
d. Tanggalin

19. Ang wikang Filipino ay hawig sa mga wika sa Asya. Alin dito ang pinagmulan ng wikang Filipino?

a. Bahasa
c. Nihonggo
d. Mandarin
d. Malayo-Polinesyo

20. Ano ang katumbas ng “Dekalogo” ni Apolinario Mabini na nagsasaad ng aral sa Filipino?
a. Mosaic Law

d. Code of Ethics ni Kalantiaw
c. New Society ni Pres. Marcos
d. Code of Citizenship ni Pres. Quezon

21. Siya ay hinirang na taga-sensus ng bahay-bahay. Ano ang kanyang nalikom?

a. Ang bilang ng tao sa bahay
b. Ang kayamanan ng may-bahay
c. Ang datos tungkol sa mga bata sa bawat bahay
d. Ang datos tungkol sa mga naninirahan sa bawat bahay

22. Kami ang kabataang siyang magiging pag-asa ng bayan. Paano ginamit ang salitang may salungguhit?

a. Pagtukoy
b. Pagpuri
c. Panghalip
d. Pagmamalaki
23. Walang tubig kahapon. Ito ay pangungusap na:

a. May paksa
b. Walang pandiwa
c. May panaguri
d. Walang paksa

24. Ipinagmamalaki mo siya, BAHAG naman pala ang kanyang BUNTOT. Ang ibig sabihin ng salitang may malaking titik ay:

a. Kuripot
b. Traydor
c. Duwag
d. Mahiyain

25. Sabihin ang gawi ng pananalitang ito: “Bawal tumawid, may namatay na dito!”

a. Pananakot
b. Pagtukoy
c. Babala
d. Paalala

26. Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang _____.

a. Luha ng Buwaya
b. Banaag at Sikat
c. Ibong Mandaragit
d. Pangginggera

27. Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
a. jeproks
b. nag-aartista
c. nakapagtatapos sa pag-aaral
d. hindi sumusunod sa magulang

28. Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?
a. Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles

b. Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
c. Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
d. Nalimbag sa Filipino ang diploma


29. Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring

a. Sanaysay
b. Nobela
c. Panulaan
d. Maikling kwento

30. Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?

a. Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
b. Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
c. Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
d. Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.